Friday, September 5, 2008

The LRT 1 adventure

Kanina ay dinala ko na sa pagamutan si Rudolf para maayos na ang kanyang mga scars. Hindi ko pala naikwento, me buwiset na tricycle na nakaparada sa kahabaan ng Kagitingan kaya sumabit ang pinto ni Rudolf. Alangan naman asarin ko ang sarili at tilian ang me ari ng tricycle, sayang lang ang wrinkles ko. me comprehensice insurance pa naman si Rudolf, so use ko na lang ito. Kaya ayun, dinala ko sya sa isang accredited casa..sa Makati. Nagkaron tuloy ako ng dilema, kasi pag iniwan ko si Rudolf sa casa, paano ako uuwi? Hassel naman na me convoy pa ako na isang kotse, magastos na sa gas, magastos pa sa driver. Kaya minabuti ko na mag commute na lang pauwi tutal pwede naman ako mag LRT. Kung si Hesus nga e bumaba sa lupa, anu ba naman ang mag LRT di ba? Paminsan minsan e kailangan maramdaman din ang sintemiento ng masa. Ehem.

So, ayun, pauwi, wiz ko alam paanu pumunta ng Buendia Station kaya ride ako ng taxicab. Ito ang unang life altering experience. Ang matandang driver, matanda na nga, manloloko pa..inikot pa ako kung san-san..hindi ko lang masabi na hoy!taxi driver din ako! at baka sa halip na P50 lang ang dagdag sa metro ko e holdapin na lang ako. tapos, nakakatulog pa sya habang nagmamaneho! kailangan pa sya businahan nung nasa likod na sasakyan para umandar after a stop light! there was a time na nag swerve na sya to the left! naku, di pa naman updated ang life insurance ko..at hindi sa isang toyota corola taxi ko inimagine na i ispend ang last seconds ko on earth noh!

Pagdating sa LRT station, mga 2:30 pa lang, ang daming tao..at bakit madami sa kanila e ang daming dalang bagahe? pagkasikip -sikip tuloy..muka naman ok ang trains ng LRT1 na, malakas ang aircon at mga bago, yun nga lang, bakit ang hand rail e six feet from the floor? bakit wala yung mga lubid na me tumatawing tawing na circle things at the end? hello, paanu naman maabot yun ng mga tulad ko? san ako hahawak for support aber?! efort tuloy ako abutin ang bakal..sus, nawalan ata ng blood circulation ang right arm ko..

nung vito cruz station na, nakalapit ako sa isang bakal kaya secured na ang posisyon ko. mejo ok na ang pweso ko dun kahit nakatayo lang ako, at least ma nahahawakan na ako "pole". Yun nga lang, pag dating sa UN avenue station, me sumakay na amoy isda..e wala naman wet market sa UN di ba? ang kinasamaang palad, si dyesebel ay tumabi pa sa akin at nakihawak sa aking pole. ayy...at mukang pawisin ang kamay kasi dumaausdus ang kamay towards my hand..inuurong ko na nga ang kamay ko your honor..pero patuloy niyang nilalapit ang kanyang kamay!!huhuhu...siguro ganun sila talaga, gusto na abot kamay ang mga diyos.

..iba't-ibang klase ng tao ang makakasakay mo talaga sa LRT, meron pa nga ako nakita na kumukupas na, literali..or baka nman anan yun..ey buti na lang hindi ko katabi...meron nman kung makapagkwentuhan, kala mo asa bahay nila sila..aba pati ba naman pag aasawa ng supervisor nila e alam ng buong karwahe..at pwede ba ..ang 32 e hindi pa matandang dalaga!

ngayon ko lang nalaman na ang dulo pala ng LRT e wala ng ibang labasan kundi sa ever gotesco grand central.. ay pagpasok ko, para ako nasa perya..ang daming tindahan ng kung anu-anu...at saka ang amoy ha..na miss ko na ito talaga..amoy goma na me rugby...

syempre, after so many lakads, hindi ko pinahahalata sa pipol around me n feeling lost ako..kasi di ko talaga makita ang labasan ng mall..gusto ko na nga patulan yung fire exit e.. tapos me nakita ako na parang pilahan ng mga tao..akala ko palabas na ito..loto outlet pala...hay..

nakita ko rin ang exit..tapos tawid ako para makasakay pa Malabon..kaso..me bagong twist na sa MOnumento, para makapunta sa terminal ng jeeps, kailangan pumasok ulit sa isa pang Mall! anu ba itu!!!??? in furness, bago naman ang mall na yun, kaso, amoy mapanje ha..baka ginawang CR ng mga construction workers ang surroundings...

buti na lang at medyo maaga pa so ang nakapila sa terminal e yung mga jeep at hindi mga pasahero..ung jeep na nasakyan ko e pang 10 pasahero daw. achuli mukang 91/2 lang. kasi yung last na sumakay e kalahati lang ng pwet ang nakaupo. buti na lang, yung dalaginding na last pasenger e mukang maganda ang araw kasi panay ang ngiti sa kawalan at me dala syang malaking stuff toy na teddy bear..baka bigay ng manliligaw. tapos, among the passengers me dalawang pair..si boylet at si gerlet at si gerlet at si gel (nakababatang kapatid ito ni aiza seguerra at portia ilagan)..so pasiklaban sila ng PDA..e di kaming mga psahero me libreng show..naghahanda na nga ako ng mga scorecards e kaso biglang pumara ang pair number 2..sila pa naman ang winner namin...

hay..ayan..yan lang ang adventure for today...all the while ang ilong ko e nakatakip ng panyo..allergic kasi ako sa alikabok, usok at putik..at syempre, baka me makakita sa akin noh!

No comments: