Kanina pag pasok ko sa torre, mejo maganda naman ang umaga ko. hindi ko lang alam kung bakit nung patanghali na e naramdaman ko bigla ang kawalan ng pag-asa..dahil kaya sa huwebes pa ang sweldo?? o dahil nakita ko na naman ang boss ko??
eniwey, nagpasya na lang ako nung bandang hapon na, na dumaan sa simbahan..at mag simba ng 6Pm. e 5Pm pa ang uwian na sa torre kaya mga 5:30 asa simbahan na ako.....asa loob pa lang ako ng oto nararamdaman ko na na lumalakas ang hangin sa labas, nagbabadya ng ulan..pero sabi ko..kahit umulan..magsisimba pa rin ako...
mejo matagal ang hintay ko sa simbahan, nakatapos nga ako ng rosaryo..hanggang nakaramdam ako ng pagbabadya na puno na ang pantog ko..pero sabi ko..titiisin ko..marahil e me tumutukso sa akin na me buntot at tinidor..resolved talaga na magsisimba ako...
intay pa ng konti at nag angelus na..pero after the angelus di pa rin lumabas si fader...may bumubulong sa akin na umuwi na lang ako kasi ang tagal ko na naghihintay..pero nanaig pa rin ata ang guardian angel ko..stay ang byuti ko..kaso
....after 10 secs. me tumabi sa akin na pulubi..naisip ko pagsubok ito...kailangan maipaglaban ko ang aking pananampalataya..paano kung si mama mary ito na nagbabalat kayo lamang? pandidirihan ko ba?...resolved ako na mag stay, eniwey 30 mins lang naman ang misa...sabay ihip ang malakas na hangin..
....kaso mag ateh at kuya, one seat apart lang kami..at nag taas siya ng paa sa upuan..with that..in the name of the father, op the son, and op the holy spirit ako..sabay labas ng simbahan at tuloy sa oto...i'm sure iniwan din ako ng guardian angel ko...ikukumpisal ko na lang ang pangyayaring ito..
1 comment:
inay,
hahaha! baliw ka talaga, i swear! pinatawa mo ako dito... :p
Post a Comment