Last Friday e nakatanggap ako ng text from a far away kamag anak (in a literal and figurative sense) na na dedbols na daw ang kanyang fadir. hindi ko naman alam kung paano sasagutin ang kanyang text so deadma na lang me. kaso si inay, gusto pumunta kaya ang sbi ko over the weekend na lang..ang layo kaya ng paranaque sa malabon. naisip ko din naman pag namamasko ako non dun sa tiyuhin ko na iyon e palaging 100 pesos ang bigay sa akin nun..at dat time e mahal pa ang piso..
achuli, ang decedent e asawa ng pinsan ng lola ko..so di bah medyo me kalayuan na ang aming relationship? kaya kahit sana absent ako sa lamay nya e siguro di naman ito magiging point against me..si inay lang naman ang palaging gusto present sa mga famili gatherings kasi wala na nga daw kamag anak si itay e hindi pa namin i nurture ang kung anu man ang natitira..si inay kasi e galing from a big clan (e 12 kaya sila magkakapatid) samantalang si itay e onli child kaya me sariling mundo yun. eniwey, ito ang adventure going to funeraria paz sa sucat..
ang aming eta from malabon e 7:30pm kaso since ako e me lakad pa at magmumula pa sa makati, 8PM na kami nakaalis.. buti na lang hindi ako ang nagmaneho going to paranaque at iniutos ko na lang. pakapagod ba ko? dumating kami ng mag 9Pm na, inabutan namin ang "service" for the dead. kasi si uncle including his children e nag convert na to born again..wit na ako comment about da service ha..dun na lang sa mga faraway kamag anak ko .
after the service, may i spluck si pinsan dahil nga last lamay na. ang contents ng kanyang speech, puro about fud kesyo me fud at the back sa mga gusto kumain at sa mga makikipaglibing kinabukasan, me ginawa daw sila arrangement para sa early lunch..kuya, pasalamatan mu kaya kami na binrave ang ulan ang traffik para lang makapunta di to?
syempre, dahil di naman kami masyado nagkakakitaan na magkakamag anak kaya panay ang batian, sikat si inay kasi kadadating lang nya from US..at si lola, from her small bag e nakapagproduce ng pashmina, nakarating na daw kasi sya dito kaya alam nya maginaw.
ang hirap lang pag ganitong "family reunion" at alam nang lahat kung ano ang trabaho mo, lahat sila e nagtatanong at gustong makalibre ng opinyon..pwede ba..isa akong gwardiya sa torrre hindi solusyon sa lahat ng problema ng sankatauhan...por dyos por santo..hindi ko alam kung paano hihingan ng suporta ang asawa na lumayas, hindi ko alam kung paano ibebenta ang lupa na wala sa pangalan ng nagbebenta at lalong hindi ko alam kung me makukuha akong mana sa namatay. for ol i care, baka mas mayaman pa ko sa kanya, choz! yung isang tiyahin ko naman, palit-ulit na sinasabi na madumi daw ang water dispenser at dapat i tapon na ang lalagyan ng tubig, yung tiyuhin ko naman defensive at sinasabi na provided daw kasi nung funeraria yun kaya wala sila choice..e daig pa ng tiyahin ko ang me alheimer na paulit-ulit na sinasabi yun kaya nung 5th time nya ulitin ang kanyang spiel, sinabi ko sa kanya na zesto na lang ang inumin nya.
hay, after one hour, nag aya na ako umuwi kasi di ko na talaga matagalan makipag plastikan. although for a last lamay, hindi ito masyadong hit kasi hindi man lang nangalahati ang laman ng chapel..and to think na me libreng fud ha...hay, at least pag namatay ako, i'm sure, blackbuster ang aking wake. ke me fud o wala.
No comments:
Post a Comment