Ayan, me sakit na naman ako...as a result two times ako absent from my yoga class...na penalty clause tuloy ako...siguro napagod ako sa pagrampa nung sabado..kasi naman umaga pa lang wala na ako sa bahay at nagpatingin ako sa St. Lukes ng aking mga beautiful eyes..madalas kasi ako nahihilo lately..at nasusuka..sa gabi..kaya feeling ko baka tumaas na ang grado ng mga mata ko kasi for da longest time e di na ako wear ng corrective glasses..
syempre, dun lang naman ako sa mamahaling doktor nagpupunta at dun sa mahal din mag reseta..kaya nga sa st. lukes ako napunta this time..aba pag dating ko dun e andun ang news crew ng channel 7..i cover ba pati eye exam ko??
heniwey..ang daming test ang ginawa ni dok..pinabasa ang eye chart, tinakpan ang mata ko, nilagyan ng salamin, pintay ang ilaw, sinundot yung mata ko, nilagyan ng anasthesia, pinatakan ng kung anu agen, me pinabasa na letters, pagkatapos nun sinabi nya sa akin na me grado ang mata ko pero pwede naman daw ako di mag salamin..ang talent fee nya, 700! nak nang pating! sasabihin lang pala na pwede ko di magsalamin e di sana ako na lang nagbayad sa sarili ko kasi pwede ko rin sabihin yun sa akin..mali talaga ako ng tinapos na aralin..according to him, ang pakahilo daw ay usually 10% lang based on poor or damaged eye sight, so good luck to me to find out the 90%..buset..ay meron pa pala sya sinabi na di rin naman talaga helpful..may abnormality daw ako sa aking mga tear ducts kaya i am not producing much tears..a doc, ibig sabihin ba nun, nde ako iyakin? so at least na explain ang pagiging bato ko..
hala, after st. lukes, rampa me ever sa makati para mamili na sa rustans para panregalo sa mga kids sa pasko..sus me, christmas rush na ata kasi ang haba na ng pila ng gift wrapping sa rustans..buti na lang me mga kasama ako na naghihintay para sa mga pinamili ko sa kids section..at buti na lang e mga upuan na provided..so habang waiting period kami, nadiscuss namin ang pagatras ng demanda ni jobert sucaldito kay gabby concepcion at aming ina nalyze kung ano ang consideration therefor..hanggang sa umabot ang usapan sa mating habits ng mga kafatid sa pananamplataya..kung paano ito inuumpisahan at tinatapos..only to realize na me mga bata nga pala na naglalaro within hearing distance namin..e so? kiber...
so, ayan, kaya siguro ako nagkasakit ngayun..kasi yung mga bata dun e puro sinisipon..mahina pa naman resistensya ko sa virus..tapos nagpunta pa ako ng lamay at napuyat..onnli to wake up earli agen kasi me bertdey party ako na kailangan puntahan..hay my life...sometimes, 24 hours is not enuf.
No comments:
Post a Comment