maganda ba ito sa buhay?
kailangan ko ng ibang opiniyon....at kailangan ko ng audience participation, since hindi ko alam kung sino-sino ang bumabasa nito at kung taga saan kayo..wiz na ker..basta kailangan ko ng show of hands or votes or watever..
ganito kasi...
me kaibigan ako, itago natin sya sa pangalang "fren"...at ito ang kanyang dilema...
me dati sya jowa for 7 years..and a half...kasal na lang ang kulang..tapos ang jowa ni "fren" ko bigla nakakita ng ibang jowa..lefsung ang "fren" for a new jowa..(follow pa ba?) eniwey..so after so many years, nagkita ulit sila..si fren at ang dati jowa..si fren e lets say... (in my standards ha)..mejo arrive na .me bahay, me kotse, me maganda jowa, da works....samantalang si ex-jowa e ganun pa din..at mukang miserable sa kanyang life...
kaya eto ang sumunod na kabanata
ang ex-jowa e nag request to be added as friend sa multiply, facebook, friendster o kung ano man..
ang opinyon ko..e di i add..why not di ba?
ang opinyo nya...wag na lang at baka umasa pa ang ex jowa o maging source ng away ng kung sino man ..
ang opinyon ko..helo? e me babalikan ba? kung wala naman, why not? hindi ba pwedeng maging friends ang dating lovers?
next case:
dahil ata sa nalalapit na valemtyms day kaya overdrive ang mga tao sa pag fi friendster...yng isang friend ko naman, itago naman natin sya sa pangalang "freda" e natagpuan ng dati nya kaklase nung high school sa friendster..at syempre, may i add as friend ito.. e ayaw ko sana este ni freda pala kasi dati nya ito manliligaw na binasted nya at ang sinagot nya e yung pinsan nito na binereyk naman nya after a month..magulo di ba??
kaya, ang tanong...magkakabalikan kaya talaga si martin at pops?
3 comments:
Multiple personality in the house ba ito????
kaibigan ko, alam mo puwede namang maging friends, basta walang malice :) hehehe :) seriously: add mo lang, wala namang masama. dating manliligaw, ako nga meron sa fb, eh, ang daming message sa inbox ko from him, yun nga lang pag nagrereply ako, puro "ciao", para tapos kagad thread. ngayon, nagsawa na, natauhan ulit :)
wala masama i-add, nasa sa iyo, este sa may-ari ng friendster,multiply or fb na-i-limit ang extent ng "prendship" so to say..
at hello.... di na magkakabalikan si pops and martin.... alam lang nila na kapag nag concert sila madaming manonood..... kaysa yung mag isa lang sila.... don't get me wrong pero... maka-pops and martin ako.. hehe..
from: anonymous din.
Post a Comment