Monday, February 23, 2009

Bare


eto ang latest project ko in the world of singing and dancing on stage...syempre pa ang aking PA na si shiela ang me pakana ng lahat..

last saturday e nag trek ako sa ateneo to watch bluerep's production of "bare"..ang istorya ng dalawang love struck teen age boys sa isang catholic boarding school..

akala ko nga e di ko pa mapapapayag sumama yung isa sa aking kuyog sa panunuod ng teatro kasi naman, berde ang dugo non at dun nagtapos sa kolehiyo na kailangan mo mag lrt para makadating...e ang venue ng play e sa ateneo sa katipunan..tanggapin kaya sya sa gate..at any rate, hindi naman ito uaap..

e wiz naman ako nakakatungtong pa ever sa loob ng ateneo nuh..kaya ayun muntik na ako sa miriam mapasok..tapos na miss ko pa ang u-trun papunta sa campus nila..ang sumunod na U turn e sa libis na..buti na ang at umbot pa ako..

ang hirap pala mawala sa loob ng ateneo..e kasi dapat pag nagtanung ka ng direction in english with accent pa! hanubayun..kaya lang ang parking nila hindi sementado ha..

o sya..e di dun kami sa gonzaga exhibit hall pinulot..ay meron pala lugar sa ateneo na walang aircon..ang sabi nga sa kanilang pinamigay na fliers.."temperature inside the facility may reach uncomfortable levels." buti na lang at malapit kami sa bintana..

ay eto na ang review..

maliit ang lugar, elevated ang stage, kaso sa size ko ba umasa pa ako na me makita na matino? saka gitgitan na nga kaya feeling ko me audience participation lagi..bongga ang mga strobe lights at pati hi tech na microphones (talo pa ang CCP), ang mga costume, halatang ginastahan..hindi ito ang mga can do na pagtiyagaan eklays..buti na lang mayaman si papa..

magaling naman ang mga bata (yes, colej student sila) lalo na yung gumanap na peter..at syempre ang gumanap na si sister ewan..panalo! at since amateur nga..umasa pa ba ako na ma iwords nila ng maayos ang mga lyrics? di ata nagsipaghapunan ang iba kaya pati lyrics ng kanta e kinakain..kaya ang..ewan ko ba..feeling ko kasi masyado sanitized parang even with the sex scenes na kanilang ginagawa on stage e parang nakababad pa rin sila sa zonrox .me kulang sa aking pananaw..anu kaya? basta, there is somthing missing..hmmm...wala kasing kalandian factor or harot factor..

magaling din yung babaing gumanap bilang kafatid ni jason..achuli sya pinakamagaling sa lahat ng babae except syempre dun sa nanay ni peter...

at oo nga pala.. bawat song number e pinapalakpakan dun..hanubayun..overparented talaga ang mga kids dun..kailangan ipakita lagi ang appreciation..

eniwey..ayun nung uwian na, ni hindi man lang ako naka picture with them kasi naman..baka mag ka ego pa sila..hindi naman nila level si tuxqs at eula noh!

at syempre pa...magdodownload na ako ng music

No comments: