Friday, February 20, 2009

wish ko lang

last valentine's day..asa bahay lang ako...yes..hindi ako lumabas...ano uto-uto ba sa mga kapitalistang gumawa ng holiday para lang makabenta ng bulaklak at thrice its price at makipag gitgitan sa trapik para makakain sa overprice and over rated na restoran??

kaya nanuod na lang ako ng tv maghapon...pati tuloy ang palabas na wish ko lang sa channel 7 e napagtiyagaan ko...dito ko tuloy nabalitaan na patay na pala si berting labra..yung sidekick lagi ni fpj sa kanyang mga movies..eniwey, ito ang kwento..

apparently, iniwan nya ang kanyang tunay na familya para sa kanyang kulasisi...tapos nung magkasakit sya, humiling sya sa mga anak nya from the legal wife na uuwi na ulit sya sa legal wife..apparently, ang mga anak e pumayag naman..tapos ang legal wife e nag give in na rin para sa mga anak nila..pero 1 week lang ang itinagal nya mula nung bumalik sya sa conjugal home kasi nga na deds na sya...habang iniinerbyu ang legal wife, sabi nya ayaw na daw sana nya makita pa ulit ang berting kasi sinumpa nya the day na iniwanan sya nito na hinding hindi na nya patutuluin kahit isang patak ng luha para sa lalaking iyun (all the while, ngumangawa sya habang nag momonologue)

di ba si juancho gutierrez din e "bumalik" ke gloria romero bago sya namatay at ang gloria naman e tinanggap sya at inalaaan... ganun din si rosemarie gil kay eddie mesa...

ganun ba ang drama ng mga haliparot na asawa? pag mahina na at wala ng pakinabang e uuwi sa unang pugad??

kawawa naman si mudra kung ganun..pero hindi ko rin naman maitatakwil si fader..aba nung minsan inapi ako sa aking finishing school ng lowly guard kasi ayaw ako paparadahin sa parking space sa may likod ng office kasi daw iyon e reserved for "cars" only at ang dala ko silver stainless jeep e will not qualify as a car..kaya dun ako sa dulo ng futbol field pinaparada hayop na yun..nung kinuwento ko yun ke fadir, the next weekend..binili nya ako ng civic.. o ha..and thats it... so actually, hindi naman talaga yung wish ko lang ang gusto ko kwento..gusto ko lang kwento ang alamat ng civic hehehe

No comments: