Monday, April 27, 2009

Isang hakbang para sa pangarap

Last Saturday e dinayo ko ang isang fashion school sa may Ortigas para mag inquire sa ikakatupad ng aking mga pangarap..

kaso..hindi ko ata feel na dito pumasok..

aba, e pagpasok ko pa lang sa pinto ng "school" tanungin ba naman ako ng "ate, mag iinquire ka ba?"

"ATE?" hello, muka ba akong majonda?

e since, andun na ako tinuloy ka na lang ang pagtatanung sa mga bagay-bagay na gusto at kailangan ko malaman....

medyo masikip ang school sa aking pamantayan..maraming estudyante, marahil dahil sa kasikatan na rin ng isang nagtuturo ruon na ultimate winner ng project runway philippines edition..(ako kahit anong pilit ang gawin sa akin, never ako sasali sa project runway..baka di ko kasi makeri ang load if ever..kailangan, maging exclusive lang ako for a few)..

at saka, parang hindi ko nga feel ang lugar..hay..hala..look pa rin ako ng ibang school..

sana kasi pumayag na lang yung kakilala ko na sastre na bigyan ako ng private lessons e..

Sunday, April 26, 2009

Queen's Jupiter

dahil aalis na ang aking yoga master for colder climate, nagkita-kita kami ng aking mga former ka factory worker to send her off to the land of below zero weather..

e since vegatarian sya (ata) sa Queen's Restaurant sa Jupiter kami pinulot..

at dahil nauna pa ako sa knailang lahat na puro taga makati, umorder muna ako ng chicken samosa..



meron ito tamarind sauce, di ko ang na picturean...hindi maganda ang lighting sa restaurant na iyon..



hindi ko alam kung appetizers ito, o dips


lamb rogan josh at cottage cheese and spinach



vegetable biryani rice



fried chapati

alam ko may naorder din kami na nan bread at ice cream at pistacchio kulfi at the time of salmonella..wala lang sa picture ..


Thursday, April 23, 2009

Resurrection

rejoice! rejoice!
buhay ang aking camera!!

kinagabihan matapos ang kanyang trahedyang paglubog sa kiddie pool ng club manila east, itinapat ko sya sa hair dryer para matuyo ang kaloob-looban at kasingit-singitan nya..(nabasa ko kasi na ang gamot lang sa mga trahedyang pagkalunod ng camera e patuyuin ito at wag i-on agad) kaya matapos ko i over heat ang aking hair dryer the night before, kinaumagahan, ito naman ang bumigay at pumutok habang ginagamit ko pampatuyo ng buhok ko.. well, ano ba naman ang choice ko, camera o hair dryer.. sige di bale nang hair dryer ang nagbuwis ng buhay..short na naman ang hair ko..

nga pala, baka me gusto bumili ng digicam, me free na samsonite camera bag...

Sunday, April 19, 2009

Club Mnaila East, Isang Trahedya

dahil nga birthday ni inay nung Thursday, extended celebration ito nng Sunday sa Club Manila East, yung parang resort sa Taytay, Rizal na madami swimming pool at ang claim to fame nila e me waves ang pool nila..

eto ang siste, since linggo, ginampanan muna namin ang obligasyong spiritual sa antipolo, at since madami kami bata na kasama, 7:30 na kami nakaalis ng bahay..buti na lang at me inabutan pa kami na misa..
den off to taytay rizal...
syempre, 2 sasakyan ang dala, sino kaya ang convoy? naturalmente, ang walang alam sa layas na ako..imagine nyo na lang kung paano manghabol ng isang 2.8 na sasakyan ang isang 1.6 lang na oto..
buti na lang uso na ang sun-to-sun calls..

kaya after 45 minutes from antipolo, andun na kami..susme, more than 1 hr ang inintay namin..para lang makapasok, and to think na me reservation pa kami nun ha...

ang daming tao..ang daming feeling nila asa beach sila, e hello, ito e enchanted kingdom of the swimming pools...pati mga "cottages" dun condo style..as in, aakyat ka, kaya buti na lang at di kami nahalina sa tag nila na me beach view cottages sila..pwe..

me wave pools na daig pa ang alon sa dagat.. e since nagsawa ako sa alon sa palawan, di na ito bumenta sa akin..e yung mga jologs na asa pool at nag iintay ng wave, panay ang hiyaw dun sa mga lifeguard ng "wave, wave!!" with matching kaway sa mga kuya..di naman sila pinapansin kasi nga scheduled ang "wave", alas dos pa ng hapon hanggang alas 5..me mas maaga schedule pero mas maliit yung pool..

since hindi naman ako marunong lumangoy, dun na lang ako naglulunoy sa kiddie pool habang nagbabantay sa mga kids na naglulunoy..
at dito nangyari ang trahedya..sa kagustuhan ko na makunan ng litrato ang pamangkin ko na nag i islide sa pool, kinuha ko ang digicam ko sa aming cabana...e since kiddie pool naman yun, wala ako kiber na bumaba from the edge of the pool..e medyo mali ang baba ko kaya nadulas ako..as in underwater ako..pati ang digicam..yan, yan ang reason kung bakit wala picture ang post na ito...
tapos ko na i blow dry ang digicam, pero di ko muna ito i oo on for so many days ..baka sakalin mabuhay pa ito..
lintek, ang lalim ng tubig sa coron, hindi nag dive ang camera ko..kung san pa kiddie pool na hindi lumagpas ng kalahati ng tuhod ko ang tubig, dun pa nadisgrasya!

Saturday, April 18, 2009

My new hobby..

dyarannnn!!!!!


eto na ang aking adventure....in gardening...specifically, orchids!!!

nung easter together with brotherhood go kami sa manila seedling bank..ako, to buy orchids at sya naman e buy ng mangga at herbs..o di ba close talaga kami..









itong dalawa variety na ito, i got it for P140 each..





after a week buhay pa naman sila..at mukang hapi sa kanilang bagong tahanan...

tip lang kung mamimili sa manila seedling sa may Q.A. kailangan matiyaga maghanap ng vendor kasi yung unang napasukan namin na store, halos 100% ang mark up..hay..buhay...

Friday, April 17, 2009

anoder weekend...

hay, buti na lang weekend na...
harassed ang byuti ko all week kasi naka leave ang main amo..syempre sino sasalo ng mga ligaw na utos? aketch...
meron pa major blunder ang aming mga retainers...oo me retainers kami na supposedly e expert, from the finance advisory side to the legal side pati PR...ako lang ang di pa nila nadidiscover that they only need me.(at hindi ko ipapadiscover ang talent ko until taasan nila ang sweldo ko) ...e mga buset naman na retainers yan pasa rin naman ng pasa ng trabaho sa akin..nyeta..

eniwey, magpapagupit na ako ng hair..di ko talaga keri magpa long flowing, give up ko na ang dream ko na magpa layered..ang init kasi e saka muka ako poor and harassed...at leas pag nagpagupit ako..i will look rich and harassed....kaya lang if magpagupit ako, makikita naman na round face na ako..syet, ang taba ko na talaga, kasalanan ito ng yoga master ko...

ayan, kaya for my well-being i decided na dapat magkaron na ako ng new hobby...

anu yun?

abangan....

Wednesday, April 15, 2009

Nihonbashi Tei, Libre ni L

matapos namin manuod ng putnam county spelling bee, napilitan si L na manlibre ng early dinner kasi birthday nya the day before..

e sabi nya gusto nya light dinner lang so nag japanese restaurant kami..(parang tuwing kakain ako sa labas na kasama si L, sa japanese restaurant ako pinupulot)


dito kami sa Nihonbashi Tei pinulot sa may dulo ng Pasy Road...




matapos namin harasin ang mga serbidora na ilagay kami sa tatami room, wala din nangyari kasi wala daw kami reservation..naman, as if matagal kami kumain e yung mga room naman ang pinakamaaga na reservation e 7PM pa.



for starters, umorder kami ng walang kamatayan at ever present na california maki


at saka various sushi

hindi fresh ag seafud dito...magatil/makunat ang shrimp



pati miso soup pinatulan namin in keeping with the light dinner motif


then ang order ng ebi tempura at mixed tempura





at saka ito, which i forgot the name basta starts with a C



at for dessert, gyoza


pansin nyo ba na wala nag order ng rice? kasi nga light dinner lang


at syempre since bertdey celebration ito, dapat me pansit



cold soba noodles, hindi masarap


hay, ndi na ako babalik dito, wiz naman value for money, di maganda ang ingredients at sa totoo lang, mas masarap pa ang Sumo Sam..at mas mura

pero kayo baka gusto nyo i try..kasi sila ay parang carinderia na bukas sa lahat nang gusto kumain


Tuesday, April 14, 2009

Serbisyo Publiko

April 15 na.. sa ilan sweldo na ang ibig sabihin nito..pero para sa lahat ng manggagawang Pilipino na above minimum wage ang kinikita..oras na naman ng pag bayad ng buwis..

para sa mga kaibigan ko na mahilig rumaket at hindi papasa sa substituted filing (meaning, employer ang nagfile for you dahil isang employer ka lang for the year 2008 at di rumaket sa iba) at mga self- emplyed individuals..paki tandaan na me Optional Standard deduction na 10% for the first 6 months of the year, so ang kita nyo from Jan - June is subject to a 10% deduction..tapos 40% na ang deduction from July to Dec... unless mag i itemize deduction kayo..which means kailangan nyo ng financial statement na certified ng isang independent CPA..

kung e asawa ka..joint filing kayo, kahit na wala work ang the significant other..

paki check ang form na hawak nyo, kasi nag labas ang BIR ng bagong form for 1701..

check this site bir.gov.ph

ayan, now back to regular programing...

Yellow Chicken, banawe,Q.C.

Minsan, isang gabing madilim, inabot ako ng gutom habang pauwi..syempre, detour ako sa Banawe para sa walang kamatayang North Park..kaso, puno ang restaurant at that time kaya drive pa ako towards del monte ave...hanggang sa makita ko ang bagong bukas at mukang naliligaw na restaurant na ito sa banawe, kasi puro chinese restaurant ang andun di ba?


creative naman ng kanilang name..parang ang sarap i apply for trade mark...

for starter, grilled scallops


ang soup, sinigang na hipon, in ferness, madami ang hipon, pito lahat..


Bacolod lechon, ndi ko alam ang difference nito sa cebu lechon, or ke aling lydia's





at ang kanilang signature dish, chicken inasal

pwede na sa taong gutom..hindi naman sya superduper over the wall kasarap pero reasonable ang presyo..

Sunday, April 12, 2009

Lafang sa Coron

Since ang nakuha namin na package e inclusive of meals, di kami masyado na kapag food adventure sa coron..except dun sa first night namin at sa last day, lahat ng pagkain (almusal, tanghalian, meryenda at hapunan) ay sagot nung lodge..

yes, kahit yung tanghalian namin habang kami e asa laot pabaon ng lodge..

kaya nung unang gabi namin na walang libreng hapunan, walk around kami to find a place to eat..

mag 9PM na nuon, kasi naman e naglunoy muna kami sa malumot na makinit hot springs..

at parang ang kawayan grill na lang ang bukas at handa kami pagsilbihan..


battered fish fillet

sisig




inihaw na liempo (bite size)

at ang best seller nila na chicken barbeque

masarap naman ang fud dito kaso, parang kailangan nila mag improve sa packaging..kasi kung ako e isang turista..ayoko naman kumain sa paper plate..ok lang kung sa dahon ng saging at least, me island feel



eto ang aming package food

sa bawat almusal eto ang aming breakfast joy..palitan nyo lang ng longanisa at corned beef ang tapa na nasa picture for the next almuchows



ang aming baon sa laot ay..

inihaw na isda, adobong baboy at lumot
me kasama pa itong pakwan..

tapos, me pabaon din na ham and cheese sandwich at coke na sya naman naming tinira sa aming private beach for the afternoon


for the first night, ang ulam ay ito..2 kilong alimango ata ito

chopsuey


kinailangan pa namin mag additional order ng fried chicken at calamares kasi si brotherdog e di kumakain ng alimango..uneventful naman ang fried chicken at calamares kaya wiz na picture


for the second tanghalian, ito naman ang baon namin,

spicy squid


bistek



at me pasunod na saging

for dinnertime nung gabing iyun..

chicken bbq at sinigang na talakitok




nung last day namin saka lang kami nag karon ng time na maghanap ng ibang makakainan..
natagpuan namin ang Bistro Coron..winner ito..hotel quality food at reasonable prices..
masarap talaga, lalo na yung french bread nila..crunchy on the outside, chewy and moist on the inside..

yung pancake is not the usual hotcake mix but made from flour, egg and buttermilk,

loser ang na order ko na sausage sandwich (to think na ako ang taya dito sa meal na ito)

winner ang breakfast meal na ito, cost less than 200 at me french bread pa na pasunod



winner din ang omelet na ito , dami laman sa loob na prosciutto!

Thursday, April 9, 2009

Visita Iglesia

Para sa mga hindi nakapag bisita iglesia sa kanilang paboritog simbahan...



Mt. Carmel






Pink Sisters, New Manila


St. Therese Chapel, Gilmore



Sta. Clara Church



Sta. Cruz Church


St. Jude



San Beda, Abbey of Montserat


Our Lady of Sorrows, Malate


St. Andrew's Church


Sacred Heart, Metropolitan Ave., Makati



Don Bosco, Makati


Sanctuario de Sa Antonio, Forbes, Makati



St. Therese of the Child Jesus, Villamor Air Base