at dahil nga kahapon lang nabalik ang aking internet service, ngayun ko lang maupload ang kwento ng Coron..
syempre pa..dahil PAL express ang aming plane..delayed ito by three hours..sa halip na 2:20 PM kami umalis e 5:00Pm na kami sumakay ng plane..at dahil nga super delayed sila, nagpakain sila ng libreng jolibee sa terminal..achuli matapos namin takbuhin ang terminal 3 mula sa terminal 2 kasi duon pala ang boarding ng busuanga flights, e ibinalik din naman kami ng PAL coaster to terminal 2 dahil andun ang plane..lech!!
kaya nung dumating kami sa busuanga e mag 6 PM na, nagmamadali tuloy maglanding ang plane kasi me last flight ut pa sila e wala ng araw..at walang ilaw ang runway dun..naka asa lang sila sa sikat ng araw..
nasira tuloy ang aming itinerary..kaya sa halip na naakyat ko na ang Mt. Tapyas nung araw na iyon e nagkasya na lang kami sa hot springs..kaso..brown out nung dumating kami..pero sayang ang oras di ba kaya hire ng tricyle at go sa makinit hot spring..buti na lang brown out kasi hindi ko nakita ang dami ng lumot dun sa hot spring na yun..
dito kami nag stay
kinabukasan ang umpisa ng adventure...
unang pinuntahan ang siete pecados for snorkelling and feeding the fishes.. kaso ang lakas ng alon kaya sandali lang kami at dumeretso na sa cayangan lake...hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa mag rock climbing para lang marating ang lake na ito..tapos ang drama dito, pwede ka sumakay ng balsa..at row mo mag isa..heloo..
after that e sa baracuda lake naman ang punta namin..pucha.daig pa ang amazing race nito kasi ang dadaanan papunta sa lake na ito e stalactites at stalagmites..walang hagdanan..inferness, me hawakan na kahoy kaso walang hakbangan..e muntik na ako ma eliminate sa leg na ito..hindi ko nga alam kung paano ako nakabalik sa boat..
pagkatapos nito sa isang privte beach ang pinuntahan namin..ang maganda dun sa tour guide namin, alam niya kung san wala tao sa paligid.. sa amin lang ang beach na ito for the whole afternoon.. o di ba, baket ako sisiksik sa boracay?
palubog na ang araw ng kami e bumalik sa hotel..
at syempre dahil all in ang aming package..di namin nagawa na mag adventure sa restaurant sa labas ng hotel except for the last day.. sa ibang post na lang ang lafang sa coron..
to continue..
the next day e 5:30Am ang call time para umakyat sa Mt. Tapyas na meron daw 735 steps..at dahil napagod na ako sa rock climbing the day before, nung kumakatok na ang aming guide sa pintuan ng kwarto ko for the trek e sinigawan ko na lang sya na di ako sasama at yung kabilang pinto ang katukin nya.
kaya ang picture na ito na coron sunrise e galing sa camera ni brotherhood
tapos nun, snorkeling to the max agen..
pinuntahan namin yung mga shipwrecks..kaso katakot naman kasi feeling ko me lalabas at lulutang na white lady sa ilalim ng dagat.
next stop ang twin lagoon na inintay pa namin na mag low tide para makapasok, kasi ito ang entrance
yep, kailangan mo sumuot sa ilalaim nung mga bato..para makarating ka dito
after this, off to another private beach..
then to snorkeling sa isang coral bay
mga 6 ft below pa ito..ang linaw ng tubig..
at saka kami bumalik na ng coron port
on our last day, Sunday, nag simba kami sa SAn Agustin Church.. dito ko nadiskubre na pwede pala magmisa ang hindi naman pari.. kasi lay minister lang yung nag misa nuon (walang abito)..at saka progressive sila ha, kasi me mga lay minister at sakristan na babae..either progressive sila o ibang sekta ang napasok namin
No comments:
Post a Comment