yes, kahit yung tanghalian namin habang kami e asa laot pabaon ng lodge..
kaya nung unang gabi namin na walang libreng hapunan, walk around kami to find a place to eat..
mag 9PM na nuon, kasi naman e naglunoy muna kami sa malumot na makinit hot springs..
at parang ang kawayan grill na lang ang bukas at handa kami pagsilbihan..
inihaw na liempo (bite size)
at ang best seller nila na chicken barbeque
masarap naman ang fud dito kaso, parang kailangan nila mag improve sa packaging..kasi kung ako e isang turista..ayoko naman kumain sa paper plate..ok lang kung sa dahon ng saging at least, me island feel
eto ang aming package food
sa bawat almusal eto ang aming breakfast joy..palitan nyo lang ng longanisa at corned beef ang tapa na nasa picture for the next almuchows
ang aming baon sa laot ay..
inihaw na isda, adobong baboy at lumot
me kasama pa itong pakwan..tapos, me pabaon din na ham and cheese sandwich at coke na sya naman naming tinira sa aming private beach for the afternoon
for the first night, ang ulam ay ito..2 kilong alimango ata ito
chopsuey
kinailangan pa namin mag additional order ng fried chicken at calamares kasi si brotherdog e di kumakain ng alimango..uneventful naman ang fried chicken at calamares kaya wiz na picture
for the second tanghalian, ito naman ang baon namin,
spicy squid
bistek
at me pasunod na saging
for dinnertime nung gabing iyun..
chicken bbq at sinigang na talakitok
nung last day namin saka lang kami nag karon ng time na maghanap ng ibang makakainan..
natagpuan namin ang Bistro Coron..winner ito..hotel quality food at reasonable prices..
masarap talaga, lalo na yung french bread nila..crunchy on the outside, chewy and moist on the inside..
yung pancake is not the usual hotcake mix but made from flour, egg and buttermilk,
loser ang na order ko na sausage sandwich (to think na ako ang taya dito sa meal na ito)
winner ang breakfast meal na ito, cost less than 200 at me french bread pa na pasunod
winner din ang omelet na ito , dami laman sa loob na prosciutto!
No comments:
Post a Comment