dahil nga birthday ni inay nung Thursday, extended celebration ito nng Sunday sa Club Manila East, yung parang resort sa Taytay, Rizal na madami swimming pool at ang claim to fame nila e me waves ang pool nila..
eto ang siste, since linggo, ginampanan muna namin ang obligasyong spiritual sa antipolo, at since madami kami bata na kasama, 7:30 na kami nakaalis ng bahay..buti na lang at me inabutan pa kami na misa..
den off to taytay rizal...
syempre, 2 sasakyan ang dala, sino kaya ang convoy? naturalmente, ang walang alam sa layas na ako..imagine nyo na lang kung paano manghabol ng isang 2.8 na sasakyan ang isang 1.6 lang na oto..
buti na lang uso na ang sun-to-sun calls..
kaya after 45 minutes from antipolo, andun na kami..susme, more than 1 hr ang inintay namin..para lang makapasok, and to think na me reservation pa kami nun ha...
ang daming tao..ang daming feeling nila asa beach sila, e hello, ito e enchanted kingdom of the swimming pools...pati mga "cottages" dun condo style..as in, aakyat ka, kaya buti na lang at di kami nahalina sa tag nila na me beach view cottages sila..pwe..
me wave pools na daig pa ang alon sa dagat.. e since nagsawa ako sa alon sa palawan, di na ito bumenta sa akin..e yung mga jologs na asa pool at nag iintay ng wave, panay ang hiyaw dun sa mga lifeguard ng "wave, wave!!" with matching kaway sa mga kuya..di naman sila pinapansin kasi nga scheduled ang "wave", alas dos pa ng hapon hanggang alas 5..me mas maaga schedule pero mas maliit yung pool..
since hindi naman ako marunong lumangoy, dun na lang ako naglulunoy sa kiddie pool habang nagbabantay sa mga kids na naglulunoy..
at dito nangyari ang trahedya..sa kagustuhan ko na makunan ng litrato ang pamangkin ko na nag i islide sa pool, kinuha ko ang digicam ko sa aming cabana...e since kiddie pool naman yun, wala ako kiber na bumaba from the edge of the pool..e medyo mali ang baba ko kaya nadulas ako..as in underwater ako..pati ang digicam..yan, yan ang reason kung bakit wala picture ang post na ito...
tapos ko na i blow dry ang digicam, pero di ko muna ito i oo on for so many days ..baka sakalin mabuhay pa ito..
lintek, ang lalim ng tubig sa coron, hindi nag dive ang camera ko..kung san pa kiddie pool na hindi lumagpas ng kalahati ng tuhod ko ang tubig, dun pa nadisgrasya!
No comments:
Post a Comment