Monday, June 29, 2009

Anoder haircut adventure

ayan...pumasok na ako kanina kahit ako ay tumatahol pa...butin na lang pinilit ko ang sarili ko na pumasok kasi si bossing naman ang e sakit..for the record hindi ko sya hinawahan dahil ako e mabilis na nawala last week for my self imposed quarantine..

over da weekend, napag isip ko na baka kaya ako nagkakasakit dahil napupunta na lang sa aking long flowing hair ang mga nutrients na pumapasok sa aking katawan..kaya nag decide ako na i give -up ang aking dream na mapa dread locks..kasi si mader din gusto ako pagupitan na..muka na daw ako yagit sa buhok ko kasi nga nag fly away naman lahat dahil sa aking natural curls...

so, kanina after office nag decide ako na mag trek sa Shangri-la at i try ang..taran...basement salon..

ay sus, ibang - iba ito sa david's mga ateh...

tip lang, wag kayo papasok dito ng wala kayong dalang cash..

aba, pag pasok ko pa lang e tinanung ba naman ako kung sino ang stylist ko, sabi ko first time ko sila i ta try...
at tinitigan ako mula ulo hanggan paa ng receptionist...sabay sabi ng, m'am titingnan ko po kung me available pa na stylist na pang 600..aba..aba..tapos nung nakita ako nung bruhang stylist na worth 600 ang services ...sabi ba naman e uuwi na daw sya! pootah.. so sabi ko sa receptionist, its okay, id rather have the more senior one..okay lang kahit 1,000.

eniwey..mabait naman si senior stylist...na kamuka ni jose javier reyes ...may i seat nya ako sa chair tapos ask nya akung ano gusto ko gupit..sabi ko bahala na sya as long as di magmumukang siopao na babad ang fez ko..ay sabi nya never daw naman.. so pinag shampoo na nya ako with his assistant..

aba, may choice of shampoo, hot or cold water daw..syempre dun tayo sa hot para me ginamit naman sila kuryente noh at makabawi ako sa bayad ko...
tapos, after shampoo me conditioner pa..at habang nag aaply ng conditioner e me libreng head massage..

after that, ask pa nila kung ano ang gusto mo na drinks, cofi, tea, iced tea, soft drinks, juice..shempre hot tea ang gusto ko dahil inuubo pa nga ako..pagbalik ni assitant (in ferness, cutie pie ang assistant.) me dala na sya hot water at three choices of TWINNINGS tea, green jasmin, lemon or earl grey.. kinuha ko ang jasmine at dinawdaw sa mainit na tubig ...iniisip ko kung pwede ko ibulsa yung natirang dalawa..kaso mabilis si assistant.. niligpit agad ang natira ko..howel..tapos sabay bigay ng mga glamour magazine such as town and country, philippine tater, na updated ha hindi back issues...

so gupitan session na kami..before mag start, ask nya kung kanino ako last nagpagufet.. shempre sey ko naman na davids dahil dun naman ako talaga last nagpagupet..at da risk of being branded a jologs..ang reaksyon lang nya..ahh..with mathing, look na ang thought buble e "kaya pala"..sabi ko, ayoko lang ng mukang mataba ako..sabi naman nya never and that i will like what he will do ..muka naman alam ni raki (my stylist) ang kanyang ginagawa..at ibahin ang salon na ito..habang ginugupitan ka, si assistant will not let the shredded hair fall on your face...kaya pala sila mahal...habang ginugupitan ka e me taga wagwag ng buhok..
tapos shempre,me extra tip pa ako sa kanila...

pagdating ko sa balay, nagustuhan naman ni mader ang aking gupit..achuli, maayos ang haircut ko ngayon, muka ako mayaman at respetado..kaso this is not what im going for at this time..kaya ako nagpunta sa basement salon kasi according to their website "edgy" daw ang kanilang style at young and hip....e hindi naman ako mukang "edgy" muka ako.... "class"...where's my pearl earrings and necklace??..hay..na achieve naman nya ang look na gusto ko, hindi ako muka mataba..at feeling ko hindi nga ako magmumukang mataba dahil for ten days, hotdog lang sa 7-11 ang lunch ko. yung budget ko ng pampagupit ke pinky for one year, e isang gupitan lang dito..tapos gusto pa ni mader every two months dito ako magpagupet..buti na lang kailangan ko na magpapicture for my passport renewal..

pag-iisipan ko kung babalik ako dito...gusto ko ng "edgy" look e..maganda kaya yung toni 'n guy?

Saturday, June 27, 2009

Loser...

nyetang sakit ito..di pa rin nawawala...
erase lahat ang skejul ko this weekend including a much anticipated CCP event mamya for virgin labfest (at di ko pa rin napapanuod ang transformers2)..kaya ko nang tumayo sa aking mga paa kaso panay pa rin ang tahol ko..e sa panahon ngayon praning ang mga katauhan sa germs..at ayoko naman maging sanhi para ipatapon palabas ang aking mga ksama from inside tanghalang pilipino...sira lahat ang plano...grrr...
buti na lang me skejul pa ulet ang kalungkutan ng mga reyna for july 1.. ito na lang ang kakaririn ko. sana bukas pa ang takilya by the time na dumating ako duon mula sa opis.. hay isa na namang adventure ito..

Thursday, June 25, 2009

Michael Jackson is dead...

aww...sadness....
hindi ko na sya mapapanuod ng live..unless magkita kami sa afterlife at nagbibigay pa rin sya ng free concert..that is assuming na pareho kami ng pupuntahan....

just the same..life is short...have fun dapat.. let go of the baggages na walang kwenta at mga worries na walang solusyon..tandaan ang problema ay laging mag solusyon..kung walang solusyon yan..di iyan problema...ang trabaho ay hindi natatapos..kaya nga may tinatawag na work hours...at kung walan overtime pay, bakit mag oovertime??
..may tinamaan na ba? i hope so...

kahit na gaano kadami ang pera o utang mo, di mo pa rin yan madadala wen its time to go..what matters is kung ilan ang umiiyak sa news na patay ka na..korek?? amen..

Wednesday, June 24, 2009

I am sick

hindi naman n1h1, pero feeling ko napuruhan ako nung nag celebrate kami ng faders day sa MOA. pagkadami kasi ng tao..kasi naman si ama, ang hilig sa mga mataong lugar.. hayan 2 days na ako on sick leave..e dun pa naman sa beto-beto office, no work, no pay....anubah...walang benefits..gusto ko na tuloy mag tayo ng union...

yung aking pedia, tamiflu na ang pinatira sa akin.(oo, ang gamot na pinag umpisahan ng swine flu) ...susme, ang mahal naman pala nung gamot na iyon.. P150 isa.. e two times a day ang inom e di 300 agad! konti na lang, mimimum wage na! on second tot, me additional gamot pa ako ininom so more than minimum wage na ang na ubos ko...hay, walang karapatan magkasakit ang mahirap!! asan na ang cheap medicine law???

sana naman ay gumaling na ako dahil ang dami ko pa activities na na ka line up this weekend...

Saturday, June 20, 2009

Im sooo tired...

hay hectic ang week na ito talaga pramis....

ganun siguro talaga kung ang pinag sisilbihan e me show cause order, tapos ang retainer e nuknukan pa ang pasa ng trabaho ever..buset na yon e math pa naman ang usapan..hmmp.

and then, me bago na naman proyekto ang beto-beto office kaya me mga potential investors na naman na nagdatingan mula sa land of kimchi and bulgogi..
hayun, apat na oras, take note, apat na oras na meeting ito.. with interpreter...kasi wiz sila nunong mag inglish...me 5 minute break naman...e putcha, 5 mins lang tlaga ang break, kasi ako na yung last na bumalik sa conference room.. that day na realize ko na hindi ako pwede mag trabaho sa U.N. nag no nosebleed ako ag me naririnig akong ibang wika...

tapos nung huwebes, utusan ba naman ako mag organize ng tour (oo..tour as in) para puntahan ng mga potential investors ang register of deeds ng pasig at mag observe ng ating torrens title chuvaness system....e syempre pa dahil ako e isang masunuring alagad.. go ako sa RD ng pasig nuong huwebes ng hapon..
aba....iba ang mga tao dito..parang mga diyos ang mga civil servants na pinasusuweldo ko lang..kesyo nag te-training sila kaya half day lang sila.. hindi pwede kausapin ang RD kasi busy...at me isa pang nagmaganda na dapat daw me clearance pa from the head office ek-ek

ang aarte!!!paano ba naman aasenso ang pilipinas kung ganito ang mga katauhan?
tapos yung deputy acting register of deeds e nuknukan ng arte, hindi daw pwde mag tanong ng tungkol sa proceso, tumingin lang daw, at masyado daw sila busy (yeah right, busy mag text sa cellphone!!) all the while habang ang exchange namin na ito e nangyayari e hindi sya lumalabas ng kwarto nya.. na me nag seseparate na glass between us..so imaginin nyo na lang kung paano ko sya kinakausap (syempre naka yuko ako ol da time noh!!) nyets sila lahat...yung kasama ko legal assistant namin e maabilidad at me natunton na kakilala sa transfer tax section..sinamahan kami ulit at me nakausap naman kami na chief verifier..but then ang chief verifier e isang epal at kalahati din, nanghihingi pa ng clearance chubalu ever at hindi daw kami pwede lumampas sa counter sa pag oobserve..haaaaayyyyyyyy.....

pagdating ko sa upisina, pinagalitan ko ang boss ko at sinabi na kapag muka ko yagit at di nakacostume e hwag nya ako uutusan na lumabas..(ndi naman kasi ako nag cocostume sa beto-beto factory)

so, sa aking dalamhati, kailangan ko ng reinforcement..tinawagan ko nga ang aking ultimate boss na dios ng election..at nalaman ko na kliyente nya ang mayor ng pasig..hala patay sila sa akin bukas...

KINABUKASAN

since kliyente nga ni ultimate boss ang mayor, ako ay pinasamahan ni mayor sa kanyang chief of staff and over lord sa RD.

iba itong si madam, isang bagsak lang ng pangalan nya e gusto nang lumuhod nung mga pinagtatanungan ko.

at nung pasakay na kami sa elevator e naglalabasan na ang mga tao para wala siya kasabay sa elevator...

pagdating namin sa office ni RD, hindi naka porma ang mga nang mata sa akin kahapon (hah, naka suit na ako ngayon with matching pearl earrings from jewelmer!) at syempre kasama ko ang mga mukang kagalang galang na potential investors na no talk ng ingles kaya me interpreter pa kami. lahat ng mga maglulupa e nagtayuan sa kanilang kinauupuan at nagpugay kay chief of staff..kulang na lang paypayan nila ang mga bitbit ko

"asan si RD?" pa sweet pa na hanap ni madam... "e nag snack lang po mam" yun ang sagot ng mga meek as lamb na empleyado na mga nagsungit sa akin kahapon..o loko..kala nyo ha...mabait naman ako e kaso tinabla nila ako kahapon e di sinumbong ko sila!!!

kuha ng celphone si madam at may i call sya ke RD at pinabalik agad sa kanyang ofis..in ten minutes, dumating si RD..

o ha, anung limit-limited entry at di pwdeng mag tanung ang pinagsasasabi nila..si RD pa ang nag lecture ng torrens system at nag demonstrate ng paggawa ng mga titulo at nag tour kung saan ang vault..

at para sa mga nang api sa akin kahapon..ni hindi sila nakalabas ng mga cubicle nila...iyan lang ang tama sa inyo kasi mapaghusga kayo!! mga buset.

Wednesday, June 17, 2009

Pussy CAt Dolls

Last thursday ey trek ako to the MOA grounds for the doll domination concert ng pussy cat dolls.

in furness, hindi na ako sa general admission lang nakasalampak this time, andun naman ako sa valley of the middle class.. ang general admission e andun pa sa kabilang dulo ng SMX..

pero akala ko nga nung papasok ako ng gate e mahaba ang pila, yun pala, mga miron lang na tumatambay sa tabi ng gate for free hearing..
ang mga general patronage ay asa likuran part pa ng aming area..ito yata ang grupo ng mga nanalo sa radio promos at nagtiyagang mag ipon ng shampoo sachets..buti na lang at attentive ang mga hurly burly security..kasi tinutulak nila ang railings to get to our area..que horror..i mix ba ako sa kanila??

e as ever, running late na naman me..sa loob na kami kumain ng hapunan. sa halagang P150, meron na ako 5 piraso ng chicken strips at isang basong tubig from italianis.. ay meron pala fried nacho sa ilalim yun..

at exactly 8PM, nag start na ang front act na ewan ko naman kung san galing ang mga egoy na iyon.. wiz ko naintindihan ang kanilang pinagsasasabi..

by 9PM, umpisa na ang show!!


ang lead singer na si nicole..ang seksi ng ateh ko...dahil sa kanya gusto ko nang mag enrol sa isang hiphop dance class...







prelude sa jai ho

sandali lang ang concert, parang 45 mins lang ata e.. si nicole pa rin ang star performer at mukang tinipid ito sa bak up dancers. silang apat lang talaga ang nag perform ever..pero ang galing pa rin.. hindi ko alam kung paano sya nakakakanta at nakakasayaw at the same time..
syempre pa, nagkalat ang mga mag jowa at me mga iba pa na nanunuod ng naka mask..takot tuloy ako at baka me balak sila manholdap after... e meron pa nga na naka surgical mask tapos naninigarilyo naman.. heloo?? sobrang arte..di naman mukang sosyal..

buti na lang di umulan..plano ko nga bumili sana ng kapote before ako pumunta sa concert e..

by da way ...me bago na ako digicam kaya balik sa maliligayang araw.. magkakaroon na ulit ng pictures ang blog na ito...

Friday, June 5, 2009

metro banko

kinailangan ko mag bukas ng account sa metrobank sa kadahilanan na buhay na naman ang isang past time ko sa buhay.. ang i risk ang aking buhay sa pagtungtong sa gilid ng bangin na kung tawagin e Philippine Stock Exchange..

dahil ang aking utusang taga tulak sa bangin e konektado sa metro bank..wala ako magawa kungdi mag open n account dito..

ayoko sana kasi minsan na kinailangan ko mag widraw at ito lang ang banko na me ATM na available, pinilahan ko at pinagtiyagaan ang pagkahaba-habang pila dito..sa kinasamaang palad, hindi ko alam kung bumbay yung nauna sa akin o peasant, (maitim kasi at me amoy)..kaya nung turn ko na magpipintod sa ATM machine, gusto ko sana kumuha ng tissue para ilatag sa keypads ng ATM..
ewan ko ba, lahat ata ng payroll account sa pilipinas e naka enrol sa kanila kasi tuwing 15- at 30 e sandamakmak ang nakapila dito...

eniwey.. so ayun, punta ako sa new accounts..para i fill up ang kanilang requirements.. ang shoray ng clerk, aba, buti at mavait akesh nung araw na iyun kasi isang text lang sha, malamang maging roving teller na sha..aba me frends ako dito sa banko na ito..so ayun, para sa aking atm card kailangan ko daw bumalik after one week

so after one week, balik ako sa new accounts... eto ang step ng pagkuha ng atm card sa metrobank

step 1- pumunta sa manager na syang magbibigay ng card. dapat me dala ka id para i release ang card sa iyo

step 2 which is one table away- pumunta sa assistant manager para ibigay ang PIN nung card at dapat ipakita mo ulit ang id mo..baka kasi nag iba ang identity mo from table 1 to table 2 (side note: ang asst. manager sa branch na ito e syoke na ang arte..taas noo at hindi namansin..para namang me ibang tao sa harap ng mesa nya e ako lang naman ang kliyente nya nung mga panahon na iyon)

step 3- balik sa new accounts na mag aactivate ng iyung ATM card..


tanung ko lang, kung absent ang isang tao na nakatoka sa step 2 o step 3 o sa step 1, magiintay kaya ako ulit ng 1 week?

Thursday, June 4, 2009

trabaho

hay, hectic masyaduh ang linggo na ito...

pagkatapos ko mag showbiz e gusto naman magbukas ng anoder beto-beto place ang aking amo..

tapos kanina e me pinatitingnan na naman na kumpanya ng tabako..

ayos, alak na lang ang kulang..at full pledge bisyo group of company na ako..tanggapin pa kaya ako sa langit nito?

Monday, June 1, 2009

Katre, Quezon City

May sinelebrate kami recently, mga one month ago ba..

at sa KAtre, kami pinulot...

mediterenean, fusion cuisine daw sila..

eto tacos,wid various dips



tapos, fired oyster


beef quesadillas with curry, winner itey


for the main dishes..

pasta with seafood


lamb chops..masarap ito pramis..at sulit



pork chop ata ito..masyado matamis



beef salpicao

ganda ng mga plating di ba? parang INYO ang dating pero mas masarap pa rin sa INYO..

maganda ang ambiance dito, feeling sosi but not that harsh on the wallet..