ayan...pumasok na ako kanina kahit ako ay tumatahol pa...butin na lang pinilit ko ang sarili ko na pumasok kasi si bossing naman ang e sakit..for the record hindi ko sya hinawahan dahil ako e mabilis na nawala last week for my self imposed quarantine..
over da weekend, napag isip ko na baka kaya ako nagkakasakit dahil napupunta na lang sa aking long flowing hair ang mga nutrients na pumapasok sa aking katawan..kaya nag decide ako na i give -up ang aking dream na mapa dread locks..kasi si mader din gusto ako pagupitan na..muka na daw ako yagit sa buhok ko kasi nga nag fly away naman lahat dahil sa aking natural curls...
so, kanina after office nag decide ako na mag trek sa Shangri-la at i try ang..taran...basement salon..
ay sus, ibang - iba ito sa david's mga ateh...
tip lang, wag kayo papasok dito ng wala kayong dalang cash..
aba, pag pasok ko pa lang e tinanung ba naman ako kung sino ang stylist ko, sabi ko first time ko sila i ta try...
at tinitigan ako mula ulo hanggan paa ng receptionist...sabay sabi ng, m'am titingnan ko po kung me available pa na stylist na pang 600..aba..aba..tapos nung nakita ako nung bruhang stylist na worth 600 ang services ...sabi ba naman e uuwi na daw sya! pootah.. so sabi ko sa receptionist, its okay, id rather have the more senior one..okay lang kahit 1,000.
eniwey..mabait naman si senior stylist...na kamuka ni jose javier reyes ...may i seat nya ako sa chair tapos ask nya akung ano gusto ko gupit..sabi ko bahala na sya as long as di magmumukang siopao na babad ang fez ko..ay sabi nya never daw naman.. so pinag shampoo na nya ako with his assistant..
aba, may choice of shampoo, hot or cold water daw..syempre dun tayo sa hot para me ginamit naman sila kuryente noh at makabawi ako sa bayad ko...
tapos, after shampoo me conditioner pa..at habang nag aaply ng conditioner e me libreng head massage..
after that, ask pa nila kung ano ang gusto mo na drinks, cofi, tea, iced tea, soft drinks, juice..shempre hot tea ang gusto ko dahil inuubo pa nga ako..pagbalik ni assitant (in ferness, cutie pie ang assistant.) me dala na sya hot water at three choices of TWINNINGS tea, green jasmin, lemon or earl grey.. kinuha ko ang jasmine at dinawdaw sa mainit na tubig ...iniisip ko kung pwede ko ibulsa yung natirang dalawa..kaso mabilis si assistant.. niligpit agad ang natira ko..howel..tapos sabay bigay ng mga glamour magazine such as town and country, philippine tater, na updated ha hindi back issues...
so gupitan session na kami..before mag start, ask nya kung kanino ako last nagpagufet.. shempre sey ko naman na davids dahil dun naman ako talaga last nagpagupet..at da risk of being branded a jologs..ang reaksyon lang nya..ahh..with mathing, look na ang thought buble e "kaya pala"..sabi ko, ayoko lang ng mukang mataba ako..sabi naman nya never and that i will like what he will do ..muka naman alam ni raki (my stylist) ang kanyang ginagawa..at ibahin ang salon na ito..habang ginugupitan ka, si assistant will not let the shredded hair fall on your face...kaya pala sila mahal...habang ginugupitan ka e me taga wagwag ng buhok..
tapos shempre,me extra tip pa ako sa kanila...
pagdating ko sa balay, nagustuhan naman ni mader ang aking gupit..achuli, maayos ang haircut ko ngayon, muka ako mayaman at respetado..kaso this is not what im going for at this time..kaya ako nagpunta sa basement salon kasi according to their website "edgy" daw ang kanilang style at young and hip....e hindi naman ako mukang "edgy" muka ako.... "class"...where's my pearl earrings and necklace??..hay..na achieve naman nya ang look na gusto ko, hindi ako muka mataba..at feeling ko hindi nga ako magmumukang mataba dahil for ten days, hotdog lang sa 7-11 ang lunch ko. yung budget ko ng pampagupit ke pinky for one year, e isang gupitan lang dito..tapos gusto pa ni mader every two months dito ako magpagupet..buti na lang kailangan ko na magpapicture for my passport renewal..
pag-iisipan ko kung babalik ako dito...gusto ko ng "edgy" look e..maganda kaya yung toni 'n guy?
No comments:
Post a Comment