hay hectic ang week na ito talaga pramis....
ganun siguro talaga kung ang pinag sisilbihan e me show cause order, tapos ang retainer e nuknukan pa ang pasa ng trabaho ever..buset na yon e math pa naman ang usapan..hmmp.
and then, me bago na naman proyekto ang beto-beto office kaya me mga potential investors na naman na nagdatingan mula sa land of kimchi and bulgogi..
hayun, apat na oras, take note, apat na oras na meeting ito.. with interpreter...kasi wiz sila nunong mag inglish...me 5 minute break naman...e putcha, 5 mins lang tlaga ang break, kasi ako na yung last na bumalik sa conference room.. that day na realize ko na hindi ako pwede mag trabaho sa U.N. nag no nosebleed ako ag me naririnig akong ibang wika...
tapos nung huwebes, utusan ba naman ako mag organize ng tour (oo..tour as in) para puntahan ng mga potential investors ang register of deeds ng pasig at mag observe ng ating torrens title chuvaness system....e syempre pa dahil ako e isang masunuring alagad.. go ako sa RD ng pasig nuong huwebes ng hapon..
aba....iba ang mga tao dito..parang mga diyos ang mga civil servants na pinasusuweldo ko lang..kesyo nag te-training sila kaya half day lang sila.. hindi pwede kausapin ang RD kasi busy...at me isa pang nagmaganda na dapat daw me clearance pa from the head office ek-ek
ang aarte!!!paano ba naman aasenso ang pilipinas kung ganito ang mga katauhan?
tapos yung deputy acting register of deeds e nuknukan ng arte, hindi daw pwde mag tanong ng tungkol sa proceso, tumingin lang daw, at masyado daw sila busy (yeah right, busy mag text sa cellphone!!) all the while habang ang exchange namin na ito e nangyayari e hindi sya lumalabas ng kwarto nya.. na me nag seseparate na glass between us..so imaginin nyo na lang kung paano ko sya kinakausap (syempre naka yuko ako ol da time noh!!) nyets sila lahat...yung kasama ko legal assistant namin e maabilidad at me natunton na kakilala sa transfer tax section..sinamahan kami ulit at me nakausap naman kami na chief verifier..but then ang chief verifier e isang epal at kalahati din, nanghihingi pa ng clearance chubalu ever at hindi daw kami pwede lumampas sa counter sa pag oobserve..haaaaayyyyyyyy.....
pagdating ko sa upisina, pinagalitan ko ang boss ko at sinabi na kapag muka ko yagit at di nakacostume e hwag nya ako uutusan na lumabas..(ndi naman kasi ako nag cocostume sa beto-beto factory)
so, sa aking dalamhati, kailangan ko ng reinforcement..tinawagan ko nga ang aking ultimate boss na dios ng election..at nalaman ko na kliyente nya ang mayor ng pasig..hala patay sila sa akin bukas...
KINABUKASAN
since kliyente nga ni ultimate boss ang mayor, ako ay pinasamahan ni mayor sa kanyang chief of staff and over lord sa RD.
iba itong si madam, isang bagsak lang ng pangalan nya e gusto nang lumuhod nung mga pinagtatanungan ko.
at nung pasakay na kami sa elevator e naglalabasan na ang mga tao para wala siya kasabay sa elevator...
pagdating namin sa office ni RD, hindi naka porma ang mga nang mata sa akin kahapon (hah, naka suit na ako ngayon with matching pearl earrings from jewelmer!) at syempre kasama ko ang mga mukang kagalang galang na potential investors na no talk ng ingles kaya me interpreter pa kami. lahat ng mga maglulupa e nagtayuan sa kanilang kinauupuan at nagpugay kay chief of staff..kulang na lang paypayan nila ang mga bitbit ko
"asan si RD?" pa sweet pa na hanap ni madam... "e nag snack lang po mam" yun ang sagot ng mga meek as lamb na empleyado na mga nagsungit sa akin kahapon..o loko..kala nyo ha...mabait naman ako e kaso tinabla nila ako kahapon e di sinumbong ko sila!!!
kuha ng celphone si madam at may i call sya ke RD at pinabalik agad sa kanyang ofis..in ten minutes, dumating si RD..
o ha, anung limit-limited entry at di pwdeng mag tanung ang pinagsasasabi nila..si RD pa ang nag lecture ng torrens system at nag demonstrate ng paggawa ng mga titulo at nag tour kung saan ang vault..
at para sa mga nang api sa akin kahapon..ni hindi sila nakalabas ng mga cubicle nila...iyan lang ang tama sa inyo kasi mapaghusga kayo!! mga buset.
1 comment:
Lesson for the day: Palaging mag suit. Yan lang ang ating ID, para bang yung white coat ng doctor.
Post a Comment