in furness, hindi na ako sa general admission lang nakasalampak this time, andun naman ako sa valley of the middle class.. ang general admission e andun pa sa kabilang dulo ng SMX..
pero akala ko nga nung papasok ako ng gate e mahaba ang pila, yun pala, mga miron lang na tumatambay sa tabi ng gate for free hearing..
ang mga general patronage ay asa likuran part pa ng aming area..ito yata ang grupo ng mga nanalo sa radio promos at nagtiyagang mag ipon ng shampoo sachets..buti na lang at attentive ang mga hurly burly security..kasi tinutulak nila ang railings to get to our area..que horror..i mix ba ako sa kanila??
e as ever, running late na naman me..sa loob na kami kumain ng hapunan. sa halagang P150, meron na ako 5 piraso ng chicken strips at isang basong tubig from italianis.. ay meron pala fried nacho sa ilalim yun..
at exactly 8PM, nag start na ang front act na ewan ko naman kung san galing ang mga egoy na iyon.. wiz ko naintindihan ang kanilang pinagsasasabi..
by 9PM, umpisa na ang show!!
ang lead singer na si nicole..ang seksi ng ateh ko...dahil sa kanya gusto ko nang mag enrol sa isang hiphop dance class...
prelude sa jai ho
sandali lang ang concert, parang 45 mins lang ata e.. si nicole pa rin ang star performer at mukang tinipid ito sa bak up dancers. silang apat lang talaga ang nag perform ever..pero ang galing pa rin.. hindi ko alam kung paano sya nakakakanta at nakakasayaw at the same time..
syempre pa, nagkalat ang mga mag jowa at me mga iba pa na nanunuod ng naka mask..takot tuloy ako at baka me balak sila manholdap after... e meron pa nga na naka surgical mask tapos naninigarilyo naman.. heloo?? sobrang arte..di naman mukang sosyal..
buti na lang di umulan..plano ko nga bumili sana ng kapote before ako pumunta sa concert e..
by da way ...me bago na ako digicam kaya balik sa maliligayang araw.. magkakaroon na ulit ng pictures ang blog na ito...

No comments:
Post a Comment