isang pagtitipon ng mga pangyayari ngayung araw na ito..
akala ko pwede ako tumakbo kaninang umaga para mabuhay naman ang aking dugo at kalamnan..what better way to start my day di ba? kaso, umuulan..na naman..sabi kasi ng PAGASA walang bagyo..hay..what do i expect..e taun-taon naman rainy day ang bertdey ko..
..e kaso..since wala naman ako birthday leave..sige..go sa office..para lang ma traffic sa aurora blvd. dahil ang mga buset na MMDA e habang rush hour nagpuputol ng puno along the island.. talagang hindi ko na iboboto itong si Bayani..ihambalang ba ang mga MMDA trucks sa 2 lane lang na daan??
..e since naka display nga sa bulletin board ang aking natal day..mula sa security guard hanggang ke boss e panay ang bati ng hapi bertdei...
..e kaso..... wala pa kaming sweldo.. hindi pa daw na ce credit.. e yung magpapakain dapat sa akin ng lunch, nag cancel.. so ano ang gagawin ko.. sabi ni boss maglunch daw kami sa labas..sya daw ang taya..YES!
..e kaso, nung bayaran time na naman..inabot ako ng hiya sa aking sarili..kaya pinilit ko na ako na lang magbayad..i used my gold visa card tuloy..buti na lang bukas pa ang due date nuon kaya di yun na deny..hmp..sayang.. dun pa sa mahal at di masarap na kainan kami kumain.. sana sa mang inasal na lang..
...kailangan bumalik agad sa office kasi hectic ang buhay namin ngayun.. me sabong na nangyayari kasi sa isang beto-beto place..mukang ma eeject ang byuti namin sooner or later..hay saka na ang kwento nito..
...tapos me kailangan pa sagutin na allegations sa isang public forum blog ng mga barahista..
...at me dapat rebyuhin na kung anu-anung kontrata..na hindi ko ma gets..
..nung bandang hapon na ni ask ko yung isang sekretarya namin kung ilan ang personnel sa office nang mga sandaling iyon...aba, natuwa ang gaga..nagtatanung kung celebration na daw..mga less than 20 lang naman daw ang staff..sabi ko, sige pag dating ng messenger e papuntahin sa office ko at papabilan ko sila ng tig isang turon..
..natapos ang araw nang hindi man lang nagpalita ang anino ng messenger.. aba kung ayaw nila ng libre.. wag!
..sa dami ng pangyayari today, hindi ko alam kung san napunta ang araw na ito..
..madaming bumati sa text...pasensya na kung ang aking lang naisagot e simpleng "thanks!"...standard yun kahit me eklay pa na tanung na saan ako manlilibre.. for the time being yun pa rin ang sagot ko.."thanks!"....me nag greet din sa FB kaya punung puno ang aking wall..naks... at me mga tumawag pa sa phone.. in fairness si oder boss hindi na late ng bati ngayun.. si ultimate boss din e binati ako.. wala nga lang cash.. me overseas friend na nag ubos ng dolyares para sa akin..
..at nga pala, yung boss ko me regalo sa akin..imported..
..pagdating ko sa bahay..me pancit, yung imported noodles namin from taiwan na hindi tinanggap bilang relief goods niluto ng lola ko (wala si mudra naglalamyerda sa istets) imaginin nyo na lang kung ano ang lasa ng instant noodle na tinanggalan ng sabaw na niluto na parang pancit canton complete with recados ..me cake din ako na me inscription.."HAPPY BIRTHDAY FROM YOUR FAMILY" ahahaha..malamang ang driver ni papa ang umorder nito..ang dami kong cake, dalawa! kasi me regalo ding cake si boss...hay...wala man lang nagbigay ng gusto kong gift na ..cash...
No comments:
Post a Comment