inaamin ko na tulad ng iba jan..dalawa ng cellphone ko na magkaiba ang service provider..aba e sino ba naman ang tatangi sa zero charge on talk and text to the same network? kaya ang buong pamilya e me kanya-kanyang sun cellular.. in fairness, bumaba ang billing ko sa oder network dahil dito, madalas P25.00 na ang ang binabayad ko... at the height of ondoy, aba e milagro na Sun lang ang me signal sa amin.. kaya keri na rin kahit every fifteen minutes e napuputol ang usapan to the same network, meron naman redial function...
close friends and family lang ang nakakaalam ng number ko na ito kaya hindi ako sumasagot pag di nag reregister ang name ng caller dito sa aking da oder phone..
e kanina, 10:30 AM pa lang ring na ng ring ang aking da oder phone.. e since wala naman sya sa list ko ni rereject ko..
e makulit talaga...tawag pa rin ng tawag.. e naingayan na ata si boss kaya sabi sa akin sagutin ko na daw..sabi ko ayaw ko..
siguro naka 35 miss calls sya sa akin..
tapos nung bandang 2:30Pm na, di na siguro nakapagtiis, nag text na siya ng ganito:
"C deniz dagalea este? Buenas tarde den?"
mabuti na lang at hindi ko sinagot..baka di kami nagkaintindihan..hindi ako fluent sa spanish..german 10 at 11 ang natapos ko..at konting fookien..
kung me nakakaintindi, paki translate plis..
No comments:
Post a Comment