dahil may celebration...nagkaayaan na i try ang restaurant na ito sa tabi ng Amici sa Morato..
ang sabi kasi ay masarap daw dito..

focacia bread with butter, libre ito..naka ilang refill din kami..(pwede ito bilin for take out..P60) masarap..mukang sila ang nag be bake

carrot soup.. muka bang masarap...korek.. hindi nga.

at dahil on a diet/healthy eating ako.. tried ko ang arugula salad with avocado and mango.. gusto ko naman ng arugula pero wiz ko kineri na ito lang ang greens nya..sobrang pait at di na taper ng avodaco at mango..pero winner naman ang shrimps na ito

fish in parchment paper..hmm..o sige pwede na..

shrimp pasta..masarap yung shrimp..kaya lang soggy ang pasta..

fettucini with white goat cheese and asparagus..hay, sayang ang sauce kasi parang pagod na ang pasta dito..akala ko nga mami ito..very disappointing ang pasta cooking nila

chicken in spinach sauce..masarap yung chicken..but ordinary ang sauce..hindi mashed potato yun..mashed sweet potato..
and for desserts

creme brulee

cheesecake, winner ito..di masyado heavy at di masyado matamis..
No comments:
Post a Comment