Tuesday, June 29, 2010

Mainit pa rin

..ang ulo ko sa mga bwiset na tao sa opis.. yesterday, may i write ako ng disgruntled letter to the president para ireklamo ang mga pang aapi nilang ginawa sa akin.. well, apparently hindi sila marunong umintindi ng ingles kasi dedma ang Presidinti.. buset na yun..wala talagang ka kwenta-kwenta..opus dei member pa yun supposedly

dedma na sa time in at time out sa opis, i will come in when i want to.. sabi nga ni former boss, gawin ko na lang tambayan ang opisinang yun habang naghihintay ng tawag ng tanghalan..

buti na lang wala pasok bukas at sa biyernes dahil pasig day nag file na rin ako ng VL for thursday para hindi ko na sila makita pa.. kiber.. para ako walang nakikita sa ofis.. lahat sila ay ghost to me just floating around at ang aking stare ay laging asa malayo..

at hindi pa yun ang aking revenge... mag intay sila ng karma..

Sunday, June 27, 2010

Art Lesson Number 2

Nung Sabado ay umpisa na muli ng aking art workshop.. since magulo ng aking schedule ang nagtugma lang sa aking free time ay drawing.. well enlist na rin ako kasi, wiz naman talaga ako marunong magdrawing.. baka sakaling me nude model na ako makita this time.. kaso

since ang UP ay UP (meaning wala budget) kami-kaming mag kaklase ang nag momodelo para sa isa't isa.. e yung nakapartner ko, na vote out ata sa the Biggest Loser, Philippine edition.. hirap tuloy ako i drawing sya sa oslo paper.. dapat ata cartolina ang gamit ko.. saka, i o outline ko ba ang curvatures ng kanyang bilbils? impolite ba ako kung isama ko pati mga taba nya sa outline?? kainis.. kakapagod pala mag model, and to think na 15 minues lang yun ha.. pinulikat ang paa ko while sitting sa stool..

on another note, si snafalafagus is on her way to a new career.. na bugaw ko din mag enrol sa college of music ng UP.. achuli, its a selfish motive on my part, kasi wala na yung friend of a friend ko by two degrees of separtion na gumora na sa nu york to work. e yun pa naman ang aming susi sa teatro.. so i am hoping na si snafalafagus will be our new susi.. kung saan nga lang, yun ang di ko pa alam.

Thursday, June 24, 2010

Walk out beauty

Yes, i am.. yesterday..

winalk outan ko ang mga utaw at shonget sa opis...kiver ko na sa kanila...

it may be petty, but i deserve something much better...

para matuto sila na hindi basta-basta tinatannggalan ng covered parking privileges ang isang divah..

sa monday, i will tender my resignation effective immediately!

Wednesday, June 23, 2010

Isang araw....

nangangarag ako kasi masyado kabisihan ang drama ko sa buhay..
naglipat bahay kasi kami sa opisina.. e syempre hindi naman ako ang magbubuhat ng kagamitan kaya ang drama ko mula pa nung lunes e palaging pumunta sa loss and found section dahil di ko makita ang aking mga files at libro..

tapos according to my schedule of deadlines.. june 26 naka due ang isang paper ko na dapat isubmit about the environment and the ecology chorva...

tapos me seminar pa ako dapat attendan kanina...

at tumawag ang aking art professor reminding me of my art class..

hahaha.. ano na ang gagawin ko?

buti na lang, na extend ang submission ng paper ko wohooo..to july 3 as if..
nakapag enrol din ako sa aking art class, hindi nga lang oil painting kungdi drawing class na kasi yun lang ang tutugma sa iskedjul ko..pero okay nayun.. keri na rin at baka sakaling maging portraitist ang talent ko...
naka attend naman ako ng seminar.. kahit na mukang jologs ang organizers at ang aking mga kasabayan, i know sila ang mga me pera..
na experience ko na rin kanina tumawid sa footbridge ng MMDA at malula while looking down.. goshness, bakit ganuon ang construction ng mga footbridge? parang isang ihip lang ng hangin e pwede ka malaglag..ayoko pa naman humawak sa railings kasi ma germs!!

Friday, June 18, 2010

An art frustration

tinawagan ako ng aking art instructor to inform me na level 2 of my oil painting chorva is now open for business..

e pano ko pa gagawin yun... sayang. still life pa naman ang subject, which is better meaning hindi na ako masisinaan ng araw habang nagpipinta!

howelll.... i will find a way...

hindi ko naman alam kung paano ko gagawin ang aking mga assignments at iba pang labada... sana umayos na ang opisina para back to normal na ulit ang aking sitwasyon... madami na ako blogs na nami- miss..

Monday, June 14, 2010

Isang bagong adventure

nag enroll ako... oo mag aaral ulit ako... i'm pursuing my Masters in Environment and Natural resource Management.. o hala, tawanan jan..

malay nyo, maging Presidente ako ng minahan later on...

kaso... sabi ni oder boss dapat daw nag accounting na lang ako..
e ano pa magagawa ko, di ko na pwedeng bawiin ang Transcript ko sa UP..

tapos saka ko lang nabasa sa course outline na meron pala grade requirement..ahaha..running for honors ba ako?
me required papers na i submit sa June 26.. kamusta naman kaya ang labada load ko noh?

tapos dun sa isang course, i have to make a choice daw kung ano ang field of interest na gusto ko, air, land, water, pwede kaya fire?? syet, baka maging planeteer na ako nito in two years time...

Monday, June 7, 2010

The New York Walking Tour (Part three)

ayan after so many months, e matatapos ko na rin ang narration ng aking US sojurn...

a friend of a friend who must not be named offered to take us to a walking tour of New York.. understanding naman sya at inischedule na magkita kami at 11AM para di naman daw kami ngarag gumising sa umaga...

sinundo nya kami sa hotel at nagumpisa kami sa AQ Kafe sa corner ng Broadway at Columbus circle.. dito namin inintay si B, ang isa pa naming friend na bagong saltang OFW sa Nu Yok..

eto ang brunch with matching champagne in orange juice...






kaso naubos na namin ang fud, wala pa rin si B.. malamang nawala ito sa pasikot-sikot ng columbus circle...

after 10,000 mintues dumating na rin sya, pero hindi na namin pinakain kasi sayang ang oras, binigyan na lang namin ng chewing gum...

on to Central Park kami... sus, walang binatbat ang Sunken Garden dito.. pwede ko ubusin ang isang araw dito at malamang kulang pa rin... sori walag picture. andun sa FB lahat..

eto ang marker sa strawberry fields section ng Central Park, across ito sa condo-building ni john lennon kung san sya na shot ded.

then walk galore to 5th ave ang aming drama where the high end stores are..

apple store na open 24 hours.. parang carinderia


view from the glass elevator sa apple store


F.A.O Schwarz store kung asan ang big piano...ang saya dito kaya kasi ang lalaki ng stuff toys!





Rockefeller center kung san madami daw nangyayaring marriage proposal



si atlas sa new york

st. patrick's cathedral

st. patrick's cathedral pa rin, ung andun kami e me affair ata kasi buong kapulisan ng nu yok e andun together with Mayor Bloomberg.. papapiktyur sana ako ke Bloomberg na aking former client kaso atakot ako at baka ipadeport ako bigla



ang site ng TODAY show..sayang at Sunday nung kami e magawi dito, di man lang ako nakakaway on TV


Magnolia Bakery


nung mga bandang alas 3 na ng hapon naalala namin na hindi pa nga pala kumakain si B kaya huminto kami sa isang seems like jollijeep duon at bumili ng pune (para syang shawarma), at since alam naman nila na di ako kumakain ng spicy foods, inorder nila yung mild pune for me...

pero hindi ako naniniwala na mild pune yung napunta sa akin kasi.. sobrang anghang.. sabi ko na nga ba, hindi dapat paniwalaan ang indianong nagluluto habang nakikipag usap sa celphone.. uso din ang sun to sun calls dito..


then, walk galore ulit.. to the empire state building, radio music hall, at grand station






then on to Strands where they have miles and miles of books.. yehey , nakabili na naman ako ng book on Van Gogh's paintings.. kahit na 10llbs yung libro ko.. kiber ko sa pounds later


Parsons school of design...sayang di ko nakita at na meet si Tim Gunn

after ko na lang nalaman na ang walking tour pala namin na yun covers 8 miles of nu yok....at hindi ko pa naikot ang central park nun ha..

kulang na kulang ang three days sa New York talaga.. i like the City.. alive na alive.. totoo ang kanta.. live in New York but leave before it makes you hard...or something to that effect...siguro ilang buwan lang ako dito ibang karakter na ako...

katakot ang subway nila, unlike washington dc that is so organized.. e dito yung mga mapa sa istasyon binubura ng mga balahurang nu yorkers..

i will be back, i promise..ang dami ko kayang hindi nagawa dito due to time and manpower constraints..

sana si B magka bahay na para free board and lodging na rin ako dun...






Saturday, June 5, 2010

NEw York, New York (Part 2)

Day 2 sa Nu York...


ang susunod na adventure ay ang Statue of Liberty...dahil nga sa kulang ang oras dito sa NY sa mga piling, piling touristy stops lang ang pwede ko puntahan.. ayoko na sana pumunta dito sa kasi mahaba daw ang pila ...add pa dito ang fact na wala naman kami tourist guide for the day at wala pa ring mapa ng NY (kasi naman napaka mahal nung mapa na binebenta nung indian.. seven dollars e libre lang naman yun sa grand central pala)

eniwey.. nakapag book ako ng ticket thru da internet nung asa Washington pa kami for an 8AM trip. e sabi pa ng aking mga friendship 2 hours waiting time pa daw ito to board the ferry. so kinailangan gumising ng maaga dahil na rin kailangan pa namin mawala sa subway going there..
ang hirap lang dito sa New York, ang mga train station personnel ay hindi mo maintindihan ang lenguahe.. either mexicano or indian ang mga tauhan dito.. at hindi naman friendly ang mga katauhan duon na pwede ka magtanung ng direction...

so from the hotel.. walkathon to the subway para bumaba sa bowling green station to get to the staten island ferry stop located at battery park




eto ang pasukan to the ferry ride.. castle clinton.. buti na alng nakapagbook na ako sa internet ng ticket kasi sobrang haba na ng fila..


then 1.5 hours ang intay to get inside sa isang security check na daig pa ang airport.. e nuknukan naman ng ginaw dun sa pilahan.. ang dami din kasing turista..

eto ang view from the pilahan...

then, off to the ferry...






pagdating ko dun, wala lang parang huh, ito na yon?? i don't feel impressed...

manhattan skyline





e kaso hindi naman pwede from statue of liberty balik na agad sa battery park kung saan ka nanggaling, kailangan pa talaga mag stop sa ellis island



then back to battery park kung saan kami naghanap ng makakainan before we go to the metropolitan museum..

may nakita kaming maliit na au bon pain duon kaya dun kami kumain. me pinay na supervisor kaso di naman kami kinausap..smile smile lang...

pagkakain, alam ko na malapit lang sa battery park ang charging bull monument... kaya nawala muna kami sa paligid hangang nadiscover namin ang wall st. at new york stock exchange..



dito daw sa building na ito nag ake ng oath si george washington


ag hirap magkaron ng solo picture dito sa dami ng tao

then we saw this episcopalian church
from bowling green, subway ulit to upper east to get to the metropolitan museum...






sus kulang na kulang ang oras dito..

i got lost sa medieval arts..




at greek gods..



at lalong lalo na sa aking favorite painter







kulang na kulang ang isang araw to tour the Met... sayang ang 20USD na entrance ko dito kasi ni hindi ko nakita ang pyramids.. i will definitely go back here.. pag me kaibigan na ako na me apartment sa upper east side.. calling the universe....

Friday, June 4, 2010

I lab NU YORK! (first of three parts)


achuli, ang kadahilanan ng pagpunta ko sa US of A ay para maisakatuparan lamang ang isa sa aking mga 10,000 things to do before i die list, ang mapanuod ang Phantom of the Opera. Nabasa ko kasi na by November 2010 ay uumpisahan na ang book 2 ng Phantom na Love Never Dies, so kailangan ko na ma watch ang Broadway presentation of the original. Asa grade school pa lang kasi ako ay nabasa ko na ang libro at nainlab sa istorya..kaya nuong minsan na pumunta sa NY si da oder boss, ang hiniling ko na uwi sa akin e yung original recording ng broadway cast.. biniyan nga ako kaso hindi yung buong musical score..

so from washington dc, we took a four hour bus ride. masaya naman ang ride, e since spring break nga kasabay namin ang mga college girls on to a weekend adventure of parteh sa new york..kaya excitment is in the air at nuknukan nila ng ingay..leche

ang bus stop is near madison square garden na hindi ko napicturean kasi nagmamadali na ako makarating sa hotel (at baka maholdapako) at baka i bump-off ang aking reservation (e kahirap pa naman maghanap ng murang hotel sa manhattan) buti na lang at madali ako nakapara ng taxicab..

as a backgrounder on our hotel...

since wala nga kukupkop sa amin sa New York, we have to have a hotel.. ang gusto ko sana e yung asa middle of everything na para lakad ever to everwhere na lang. e since springbreak nga mahal ang rates plus, weekend pa ang schedule so mas mahal talaga ang rates..so asa LA pa lang hanap ever na ako sa internet ng pwedeng tuluyan..

e sus, ang pinakamurang hotel e asa range ng USD200 per night..me nakikita naman ako na USD120 e communal ang CR at yung uncle ko e super kontra baka dw kukuha nga ako ng murang hotel e pagdating naman namin dun meron pang nakalagay na sticker na "POLICE LINE DO NOT CROSS" o kaya naman me nilinyahan pa ng chalk na fallen body..morbid talaga yun, dahil sa kanya hindi ako nakatuloy sa las vegas kasi baka daw mareport ako as missing person pag nagbus ako from LA to LV dahil desierto daw ang daan dun.hmp.
eniwey, naging member tuloy ako ng kung anu-anong travel sites just to see the hotel reviews.. may hotels na binanggit sa aking ang friend of a friend kaso yung isa e communal ang CR at yung isa naman me reivew na yung towels daw me stain of dried blood. lalala


so nung nakita ko ang washington-jefferson hotel na mura naman at USD 155 per night nagpa book na ako.. located sya sa gitna ng theater district with the only review na maliit daw ang rooms.. e since feeling ko na ang nag rereview naman e mga naglalakihang caucasian, mukang okay na yun sa amin..

apparently, maliit talaga ang rooms... kasi ni wala itong side table.. at since lodging lang talaga ang internet offer na iyon.. kailangan bumili kami ng food sa labas para me pang breakfast sa umaga.. e wala nga dining table so ang kama ay dining table na rin..
mahal talaga ang realty sa NY.. eto na nga ang view pag nagbukas ka ng blinds..


dito lang ako nakakita ng elevator door na literally e door..




howell, beggars can't be chosers talaga...

eniwey..on to the adventure.... since tipd-tipiran trip ito.. after a few minutes of pahinga and settling in.. takbo na kami to times square to line up sa tkts for discounted tickets for phantom of the opera.. according to the monitor, may available tickets pa at 30% discoutn... kaso, nay ko naman, e mahaba pa sa pila sa MRT ang inabutan namin so habang nakapila, e picture-picturan sa times square.. madami tourist at ang mga tao dun e parang asa manila.. di sumusunod sa traffic lights.. kaya tawiran at your own risk ito...


feeling ko ako bila si hiro nakamura!!
hay ito pala ang napapanuod ko sa TV



habang nakapila kami sa Tkts, madami rin nag ooffer ng tickets to other plays na hindi ko naman know..after mga thirty minutes on line, at nagbabanta na ang ulan, punta na ako sa monitor to see if may available pa na ticket.hala wala na sa monitor ang Phantom.. so bite da bullet kami at gora sa Majestic Theather which is at 44th street or 2 blocks away lag dahil ang times square is at 42th street...buti na lang at according dun sa takilyero e he still have good seats.. oo nga good seats ito at USD136 per..dahil nung nanunuod na ako, akala ko sa akin babagsak ang chandelier




ang majestic theater...looks so small pero grabe an loob..


we went back to the hotel para mag gear up sa aming late night adventure later kasi 8 PM pa ang show.. had dinner at the nearest KFC branch at bumili na rin kami ng muffin at tubig for breakfast...

at 7PM walk galore to the theater na...

at syempre pa pila pa rin going in... akala ko sa UN ako nakapila dahil iba -ibang salita ang naririnig ko...once inside picture galore ulit...



ang chandelier up close and personal...


at nagumpisa na nga ang show... at nagumpisa na rin ang mama sa likod ko na mag hum to the tune of think of me as the opening song.. nilingon ko sya at tiningnan ng masamang tingin.. hindi ako nag travel half of the globe para makarinig ng korean version ng think of me..
buti naman at tumahimik..

kakaloka ang production... nagkaroon ng lake in the middle of the stage, meron din semeteryo pati na rin si phantom ay kung saan saan napupunta....grabeh ito... nahiya ako bigla sa aking supposed theater experience sa pilipinas...poor talaga ang zsazsa zaturnahh


full house nung nanuod kami .. magaling si john cudia as phantom.. akala ko di nya mapapantayan ang performance level ni michael crawford.. labable syang phantom..

curtain call..kebs ko na bawal mag picturean.. iniintay ko nga ipatapon ako from the theater..

pauwi namin walk galore to the hotel...buhay na buhay ang times square complete with the mounted policemen..

bukas naman.. statue of liberty adventure!!