Friday, June 4, 2010
I lab NU YORK! (first of three parts)
achuli, ang kadahilanan ng pagpunta ko sa US of A ay para maisakatuparan lamang ang isa sa aking mga 10,000 things to do before i die list, ang mapanuod ang Phantom of the Opera. Nabasa ko kasi na by November 2010 ay uumpisahan na ang book 2 ng Phantom na Love Never Dies, so kailangan ko na ma watch ang Broadway presentation of the original. Asa grade school pa lang kasi ako ay nabasa ko na ang libro at nainlab sa istorya..kaya nuong minsan na pumunta sa NY si da oder boss, ang hiniling ko na uwi sa akin e yung original recording ng broadway cast.. biniyan nga ako kaso hindi yung buong musical score..
so from washington dc, we took a four hour bus ride. masaya naman ang ride, e since spring break nga kasabay namin ang mga college girls on to a weekend adventure of parteh sa new york..kaya excitment is in the air at nuknukan nila ng ingay..leche
ang bus stop is near madison square garden na hindi ko napicturean kasi nagmamadali na ako makarating sa hotel (at baka maholdapako) at baka i bump-off ang aking reservation (e kahirap pa naman maghanap ng murang hotel sa manhattan) buti na lang at madali ako nakapara ng taxicab..
as a backgrounder on our hotel...
since wala nga kukupkop sa amin sa New York, we have to have a hotel.. ang gusto ko sana e yung asa middle of everything na para lakad ever to everwhere na lang. e since springbreak nga mahal ang rates plus, weekend pa ang schedule so mas mahal talaga ang rates..so asa LA pa lang hanap ever na ako sa internet ng pwedeng tuluyan..
e sus, ang pinakamurang hotel e asa range ng USD200 per night..me nakikita naman ako na USD120 e communal ang CR at yung uncle ko e super kontra baka dw kukuha nga ako ng murang hotel e pagdating naman namin dun meron pang nakalagay na sticker na "POLICE LINE DO NOT CROSS" o kaya naman me nilinyahan pa ng chalk na fallen body..morbid talaga yun, dahil sa kanya hindi ako nakatuloy sa las vegas kasi baka daw mareport ako as missing person pag nagbus ako from LA to LV dahil desierto daw ang daan dun.hmp.
eniwey, naging member tuloy ako ng kung anu-anong travel sites just to see the hotel reviews.. may hotels na binanggit sa aking ang friend of a friend kaso yung isa e communal ang CR at yung isa naman me reivew na yung towels daw me stain of dried blood. lalala
so nung nakita ko ang washington-jefferson hotel na mura naman at USD 155 per night nagpa book na ako.. located sya sa gitna ng theater district with the only review na maliit daw ang rooms.. e since feeling ko na ang nag rereview naman e mga naglalakihang caucasian, mukang okay na yun sa amin..
apparently, maliit talaga ang rooms... kasi ni wala itong side table.. at since lodging lang talaga ang internet offer na iyon.. kailangan bumili kami ng food sa labas para me pang breakfast sa umaga.. e wala nga dining table so ang kama ay dining table na rin..
mahal talaga ang realty sa NY.. eto na nga ang view pag nagbukas ka ng blinds..
dito lang ako nakakita ng elevator door na literally e door..
howell, beggars can't be chosers talaga...
eniwey..on to the adventure.... since tipd-tipiran trip ito.. after a few minutes of pahinga and settling in.. takbo na kami to times square to line up sa tkts for discounted tickets for phantom of the opera.. according to the monitor, may available tickets pa at 30% discoutn... kaso, nay ko naman, e mahaba pa sa pila sa MRT ang inabutan namin so habang nakapila, e picture-picturan sa times square.. madami tourist at ang mga tao dun e parang asa manila.. di sumusunod sa traffic lights.. kaya tawiran at your own risk ito...
habang nakapila kami sa Tkts, madami rin nag ooffer ng tickets to other plays na hindi ko naman know..after mga thirty minutes on line, at nagbabanta na ang ulan, punta na ako sa monitor to see if may available pa na ticket.hala wala na sa monitor ang Phantom.. so bite da bullet kami at gora sa Majestic Theather which is at 44th street or 2 blocks away lag dahil ang times square is at 42th street...buti na lang at according dun sa takilyero e he still have good seats.. oo nga good seats ito at USD136 per..dahil nung nanunuod na ako, akala ko sa akin babagsak ang chandelier
ang majestic theater...looks so small pero grabe an loob..
we went back to the hotel para mag gear up sa aming late night adventure later kasi 8 PM pa ang show.. had dinner at the nearest KFC branch at bumili na rin kami ng muffin at tubig for breakfast...
at 7PM walk galore to the theater na...
at syempre pa pila pa rin going in... akala ko sa UN ako nakapila dahil iba -ibang salita ang naririnig ko...once inside picture galore ulit...
at nagumpisa na nga ang show... at nagumpisa na rin ang mama sa likod ko na mag hum to the tune of think of me as the opening song.. nilingon ko sya at tiningnan ng masamang tingin.. hindi ako nag travel half of the globe para makarinig ng korean version ng think of me..
buti naman at tumahimik..
kakaloka ang production... nagkaroon ng lake in the middle of the stage, meron din semeteryo pati na rin si phantom ay kung saan saan napupunta....grabeh ito... nahiya ako bigla sa aking supposed theater experience sa pilipinas...poor talaga ang zsazsa zaturnahh
full house nung nanuod kami .. magaling si john cudia as phantom.. akala ko di nya mapapantayan ang performance level ni michael crawford.. labable syang phantom..
curtain call..kebs ko na bawal mag picturean.. iniintay ko nga ipatapon ako from the theater..
pauwi namin walk galore to the hotel...buhay na buhay ang times square complete with the mounted policemen..
bukas naman.. statue of liberty adventure!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment