Saturday, June 5, 2010

NEw York, New York (Part 2)

Day 2 sa Nu York...


ang susunod na adventure ay ang Statue of Liberty...dahil nga sa kulang ang oras dito sa NY sa mga piling, piling touristy stops lang ang pwede ko puntahan.. ayoko na sana pumunta dito sa kasi mahaba daw ang pila ...add pa dito ang fact na wala naman kami tourist guide for the day at wala pa ring mapa ng NY (kasi naman napaka mahal nung mapa na binebenta nung indian.. seven dollars e libre lang naman yun sa grand central pala)

eniwey.. nakapag book ako ng ticket thru da internet nung asa Washington pa kami for an 8AM trip. e sabi pa ng aking mga friendship 2 hours waiting time pa daw ito to board the ferry. so kinailangan gumising ng maaga dahil na rin kailangan pa namin mawala sa subway going there..
ang hirap lang dito sa New York, ang mga train station personnel ay hindi mo maintindihan ang lenguahe.. either mexicano or indian ang mga tauhan dito.. at hindi naman friendly ang mga katauhan duon na pwede ka magtanung ng direction...

so from the hotel.. walkathon to the subway para bumaba sa bowling green station to get to the staten island ferry stop located at battery park




eto ang pasukan to the ferry ride.. castle clinton.. buti na alng nakapagbook na ako sa internet ng ticket kasi sobrang haba na ng fila..


then 1.5 hours ang intay to get inside sa isang security check na daig pa ang airport.. e nuknukan naman ng ginaw dun sa pilahan.. ang dami din kasing turista..

eto ang view from the pilahan...

then, off to the ferry...






pagdating ko dun, wala lang parang huh, ito na yon?? i don't feel impressed...

manhattan skyline





e kaso hindi naman pwede from statue of liberty balik na agad sa battery park kung saan ka nanggaling, kailangan pa talaga mag stop sa ellis island



then back to battery park kung saan kami naghanap ng makakainan before we go to the metropolitan museum..

may nakita kaming maliit na au bon pain duon kaya dun kami kumain. me pinay na supervisor kaso di naman kami kinausap..smile smile lang...

pagkakain, alam ko na malapit lang sa battery park ang charging bull monument... kaya nawala muna kami sa paligid hangang nadiscover namin ang wall st. at new york stock exchange..



dito daw sa building na ito nag ake ng oath si george washington


ag hirap magkaron ng solo picture dito sa dami ng tao

then we saw this episcopalian church
from bowling green, subway ulit to upper east to get to the metropolitan museum...






sus kulang na kulang ang oras dito..

i got lost sa medieval arts..




at greek gods..



at lalong lalo na sa aking favorite painter







kulang na kulang ang isang araw to tour the Met... sayang ang 20USD na entrance ko dito kasi ni hindi ko nakita ang pyramids.. i will definitely go back here.. pag me kaibigan na ako na me apartment sa upper east side.. calling the universe....

No comments: