nangangarag ako kasi masyado kabisihan ang drama ko sa buhay..
naglipat bahay kasi kami sa opisina.. e syempre hindi naman ako ang magbubuhat ng kagamitan kaya ang drama ko mula pa nung lunes e palaging pumunta sa loss and found section dahil di ko makita ang aking mga files at libro..
tapos according to my schedule of deadlines.. june 26 naka due ang isang paper ko na dapat isubmit about the environment and the ecology chorva...
tapos me seminar pa ako dapat attendan kanina...
at tumawag ang aking art professor reminding me of my art class..
hahaha.. ano na ang gagawin ko?
buti na lang, na extend ang submission ng paper ko wohooo..to july 3 as if..
nakapag enrol din ako sa aking art class, hindi nga lang oil painting kungdi drawing class na kasi yun lang ang tutugma sa iskedjul ko..pero okay nayun.. keri na rin at baka sakaling maging portraitist ang talent ko...
naka attend naman ako ng seminar.. kahit na mukang jologs ang organizers at ang aking mga kasabayan, i know sila ang mga me pera..
na experience ko na rin kanina tumawid sa footbridge ng MMDA at malula while looking down.. goshness, bakit ganuon ang construction ng mga footbridge? parang isang ihip lang ng hangin e pwede ka malaglag..ayoko pa naman humawak sa railings kasi ma germs!!
No comments:
Post a Comment