Wednesday, July 7, 2010

anoder hate the ofis post..

...kanina i went to makati kasi me good samaritan na nanlibre ng lunch sa Myron's dun sa greenbelt 5. salamat na lang kay noynoy at dumaan sa EDSA at 3 days in a row na ako hindi natatrafik.. pero pwede ba dumaan din sya sa north side ng EDSA para mawalan din n trafik dun, mag a alas tres na ako nakabalik sa ofis...

eniwey.. kakabuset talaga ang badingerz na presidinti namen.. aba, e pinaasa ako na July e maguusap kami tungkol sa aking salary increase, ang ginawa ba naman kanina e tinex ako at 12:05 ng tanghali para sabihin na wala ako salary increase yet (syet.) parang nung tinggalan ako ng parking, e tinex din nya ako.. o di ba.. opus dei member yun ha..

tapos kanina, syempre me natanggap na notice of hearing from DOLE kasi me mga nagreklamong sekyu na hindi binayaran.. yung lecheng HR na me pakana nang pagtanggal ng parking ko binibigay sa akin ang papel at ako na daw ang umattend.. aba, e kahit kelan hindi ako umatend sa labor no! at saka nung nandun pa yung original na HR yun ang umaatend ng mga hearings! aba, ang ginawa ng bruha, nagsumbong sa presidinti.. o kaya ang ending, pinuntahan ako ng presidente para utusang umattend nung hearing..pootah talaga! tinanggalan na ako ng benefit, hindi pa tinaas ang suweldo ko, dinagdagan pa ako ng trabaho..hay nako, im so blessed talaga.. ano bang karma ang meron ako?? sino ba me alam ng e-mail ni manny p?

on another note, kahapon me interview ako sa tabi-tabi..arabo naman ang me ari nung kumpanya.. 2 hours kami nagbobolahan..tapos sabi nya he likes me daw kasi im smart and i think out of the box..(e wala naman ako talaga sa loob ng box) kaso he could not afford me daw... e sabi ko, i'm open on a per project basis..sayang din yun..e ang projects nya sa washington dc, dubai at london.. o di ba, malay natin makatisod ako ng isang london project..

dumating na rin ang kontrata ko for the other boss..nate temp na tuloy ako na magpasa ng resignation letter..kaso hindi ako masusustain ni oder boss, baka hanggang next month lang ako mabuhay..hay, ang hirap ng nagmamature.. mabagal na ang metabolism, mabagal pa ang karir advancement...

naloloka na ako sa aking MA.. i want to give up kaya lang sayang ang bayad ko... huhuhuhu....

lord sana mabasa mo ito....

No comments: