Wednesday, July 14, 2010

Isang Gimik

kahit na signal number 3 kahapon sa buong metro manila, tuloy ang gimik namin a.k.a. farewell party sa aking assistant na nag endo na.

e susme naman ang alaga ko, ang hiling ba naman e kung pwede daw e mag comedy bar kami, so kahit hindi ko pa nagagawa ang ganun drama, pinagbigyan ko na kasi promdi itu.
kaso ang gusto pa naman nya si ate gay, e di sabi ko hanapan nya kung saan me show ang bakla at duon kami tutungo..

sa kagustuhan nya talaga na mapanuod si ate gay, finriend nya ito sa FB.. kaya ayun, nalaman nya na sa Klownz Quezon Ave ang show for the night.

e ang schedule naman pala ng salang ke ate gay e 12AM pa.. kaya nagubos muna kami ng oras sa pamamagitan ng panunuod sa mga bading na nangongotong sa mga customer via requests wid a fee...

funny naman sila, pinagtitripan nila yung amerikano na me dyowa na pinay na kakulay ni ula.. saka yung isang bading na iniimpersonate si elizabeth ramsey at aling dionesia.. in furness me boses si elizabeth, kayang kaya nya kantahin ang New York, New York...

tapos me isa pang bading na daig pa si regine velasquez.. kala ko nga lipsynch e.. pero live pala.. madami sya nakuhang datung kasi ang daming nag rerequest sa kanya..kaso ang mga pinakakanta puro kanta ni whitney houston kaya panay ang tili nya..

kaya kahit me delubyo outside, wiz namin pansin.. hangang umabot na ang alas dose, pero lalo pang nadagdagan ang mga tao.. me taga bulcan, paranaque, fairview.. sabi nga ni allan k, kaya daw madami tao kasi sila lang ang me ilaw that night..

katuwa naman si ate gay, ang intro ng spiel nya e bad romance to the tune of nora aunor singing voice.. with matching costume..mahalay pala ang baklag ito..kaya pala alas dose na ang show, para wala na sensors..

alas dos na kami nakalabas, pero di na kami nakauwi kasi sobrang lakas ng ulan.. kaya nag check in na lang kami sa abardeen hotel.. sus ang luma na ng hotel na iyon, pero at least safe naman si troy kasi asa third level ang parking nya, bumaha man e di sya aabutin..

No comments: