at dahil nga bad trip ako sa whole week sa office, sa podium ako pinulot maglunch kanina.. aba.. at sale pala ang karamihan ng stores...napadpad tuloy ako sa tindahan na nag se sale ng mga cds.. aba, at merong diana ross, the ultimate collection! pinag-isipan ko muna kung bibilin ko.. kaya lang ng makita ko na ang kantang Ain't no Mountain High Enough e asa track number six.. bite the bullet ako to buy it.
syempre, back at the ofis hindi ko naman sya mapakingang kasi cheap ang mga computer duon, walang cd drive...kaya can't wait ako na mag uwian para sa cd player na lang ng oto masamplean ito..nag san juan nga ako kasi super trapik na naman ang EDSA....
dapat mag foforward ako to track 6 agad. e kaso, ako ay na halina sa boses ni lolah diana.. first track ba naman e where did our love go..tapos baby love .. tapos you can't hurry love.. ahaha naiimagine ko ang lola ko na kumakanta hawak ang mike na 1 ft away from her..habang sinasayawan ng back-up nyang the supremes..
tapos nag track 6 na.. ahahay.. panalo ang intro. if you need me, call me..no matter where you are, no matter how far..just call my name, i'll be there in a hurry..ahahay..na pa smile na ako..
kahit pa buong linggo ako nakasimangot dahil sa buset na opisinang yun...
para kasing sincere ang lola ko saying those phrases.. feel ko tuloy, may kakampi ako..
haylaveet!!! panalo!! winner!!! and all this for p99 lang.
L, givsung kita ng kopya para happy ka pauwi ng Laguna...
4 comments:
hahaha! nandyan ka pa rin? nakwento sakin ang nangyari sa office. grabe! also, nahack ata ang blog ko kaya di ko ma-access; busy din naman kaya walang time ayusin. kitakits tayo minsan nina former boss kung may time.
ay oo.. ultimate sadness talaga... kaya pala wala update ang blog mo.. me nagkainteres na..haha..
punta ako second wind in the near future, kailangan ko na ng bago shues.. oy parang totoo noh?
gracias :) looking fwd to our next get-together, which we have to set asap!
thanks :) looking fwd to the next get together, most esp. may copy ako ng precious cd mo :) text mo ako whenever you're in the area. sabihan mo kami ni J!
Post a Comment