Sunday, June 22, 2008

Basix


Lafang moment ito...nanlibre for a birthday treat plus despidida yung isang bossing sa torre. Malapit na kasi sya umalis dahil pinetisyon sya ng anak nya na nars sa amerika. Sold na nya ang kanyang house and lot pati karu..since double celebration ito, sa sosyal na place kami inilibre sa dusit thani hotel..ito yung dating dusit hotel na dating hotel nikko na dating manila garden..o di ba, ang dami nyang make over.

actually..dito ako nag umpisang magpa alila. akala ko nuon e mapuputol na ang aking mga daliri dahil sa frostbite kasi yung binabalatan ko nuong kilo-kilong hipon para sa ben kay (japanese restaurant ito nuon sa dusit) e galing pa sa freezer.. umpisa ng trabaho ko ng 6am, out ng 2pm..hala, dito nag start ang aking career, bilang taga balat ng hipon, sibuyas at patatas..eniwey to continue..

ang ga-ganda ng mga fud dito..





at dun natapos ang istorya. ang ga-ganda nila..pero wanting in taste and flavor sila... ti nry ko mag pa grill ng chicken kebab...kebs ang lasa..wa. talaga..nice try na lang sa kanilang effort..yung cheese selection nila, apat lang..di pa masarap yung isa..tama ba yun, me cheese selection wala naman wines? at ang shawarma stand nila ha, chicken lang ang naka bitin..mama mia..dapat me karne ito kasi meat at lamb ata ang essence ng shawarma..yung dimsum nila mukang left over nung nakaraang linggo, ang peking duck..mamantika..hay naku..panu na lang nila makukuha ang mga customers??

eto lang ang masarap sa dessert


sayang...at isang side story...

pag uwi, ako ang designated driver..ganun naman lagi..dala ko ang karwahe, pinakaliwa ako ng aking navigator papuntang EDSA para makabalik sa tore. ayun, pinituhan ako ng barangay police kasi no left turn daw...malay ko ba..syempre gets nya ang aking lisensya..actually, naturete ata sya ng binuksan ko na ang bintana ng sasakyan kasi sabay-sabay nagputakan ang mga manok na sakay ko..parang pandora's box ba..kesyo wala daw sign na no left turn, me isang kotse na kumaliwa na hindi hinuli..tsubalu..tsubalu..oll of da same taym..kaya ang ginawa ko pinatahimik ko ang mga manok at sinabing kaya ko naman lumusot on my own merit..syempre pa hindi mawawala ang general line na .."e pano to boss, titikitan ko na kayo" style which in anoder language is..now is the time to offer me a bribe..pero syempre me pansagot ako dito.."e boss, pareho naman tayo asa gobyerno e..pati ba ako titiketan mo pa?" with matching show ng aking tarheta as super duper alalay to Sec. ___. wid that, tuloy-tuloy na ang aking left turn sa EDSA to the tore..pag uwi ko na lang na review ang aking lisensya..nawawala na si Roxas na nakatira sa pagitan ng ID ko at resibo ng lisensya ko..theft ito..

No comments: