Saturday, June 21, 2008

(Mis)Adventure sa Big Dome (The Air Supply Karaoke Party)

Nahikayat ako na manuod ng isang concert sa Araneta Coliseum. Ang concert? The legendary AIR SUPPLY..alamat talaga ito…

Isang babala, hwag maniniwala pag tumawag sa ticketnet para magtanong kung pwede mag dala ng camera, ang sabi hindi daw I- a-allow, e pagpasok ko sa loob ako lang ata ang walang dalang camera!

Mejo maganda naman ang location naming ngayon kasi hindi ako ang na atasang bumili ng tiket. Kung ako yun, kuntento na ako sa general admission dahil ang panuntunan ko sa buhay ay ang concert ay pinakikinggan at di pinanunuod. Apparently, ang view na ito ay hindi tanggap ng mga kasama ko kaya me ibang nag volunteer para kumuha ng tiket. Syempre, kasama ko pa rin sina X,Y at Z. Si Z ang bumili ng tiket (este, umutang ng tiket kasi card ang ginamit nya). Syempre, di muna ako nagbayad kasi di pa naman sya sinisingil ng citibank. Sa Upper box A located ang aming seats..di ko lang malaman kasi ang mahal na ng tiket, sira pa ang upholstery ng mga upuan at amoy sinehan na hindi nalilinis ang big dome. Buti na lang di malagkit ang sahig..



Pagpasok namin, me banda na kumakanta na. Front act ata, e kaso hindi naman sila ang naka announce na front act so prequel sila ganun? Ang kinakanta e puro OPM hits ni Rico J. kaya naman pala, yung lead singer e anak ni macho gwapito..kawawa naman yung batang iyon, kailangan nya palawigin ang legacy ng kanyang ama. Kaya lang wala sya originality, pati yung baby..baby ng tatay nya kinokopya nya.

In furness, nang dumating kami, puno na ang general admission at yung karatig pook. Mukang out of 13,500 seats sa big dome e mga 2,000 lang ang wala.




Ang front act e yung batang na discover daw sa you tube.. hindi ko alam kung bakit impressed ang karamihan sa kanya..ako hindi.. hindi kasi ako mahilig sa mga sumisigaw. Tapos ginagaya pa nya ang ultimate diva kong si Whitney Houston, me pa stand mike effect pa habang kinakanta ang I have nothing. Ne, madami ka pa bigas na kakainin bago mo ma reach ang ultimate diva! At ingrata ito, si Ellen deGeneres ang nagpakilala sa kanya sa America tapos ang sabi ba naman ang favorite talk show host daw e si Oprah!! After 3 songs, tumigil na rin sa pagtili ang bata.

At 9PM, lumabas na ang AIRSUPPLY. Hindi pala maganda kung ang performers e mga lolo na tapos ang entry song ay sweet dreams with matching kumakandirit na grandpas.

After the first song, hindi ko na matandaan kung ano pa ang mga kinanta nila.. di kasi ako avid fan, nakisama lang ako ng umoo ako sa concert na ito...akala ko nga e si fred panopio na nagpa blond yung kumakanta ng power of love e...actually, no expectation ako nung dumating dito sa concert kasi sabi nung isang kasama ko sa torre, hindi na daw maganda ang performance nila dahil nga mga jutatans na ang mga lolo mo..pero in fairness, kaya pa rin nila bumirit..lalo na si fred..pero kailangan na rin nya bumuwelo at mag ipon ng hangin bago gawin yun.

in the middle of the concert, nagpaalam sandali si fred samantalang naiwan sa stage yung mas matangakad na me dala ng gitara..nag ispluk sya abaout sa kanyang bagong composition, na ginawa daw nya sa chile while watching the river while raining. so with one hand in his guitar at one hand with his unbrella, nakabuo nya ang kantang iyon..hindi ko lang alam kung tatlo ang kamay nya para makapagsulat pa ng mga notang ikinompose nya..eniwey, gusto raw nya kasi e simple lang therfor ang title ng kanta e...me and the river...di bah, simple!

nanuod din ng concert si madame..not auring, but imelda. asa front seat ng lola nyo..iniisip ko lang me pera na ba sya ngayon to afford front seat concerts? di ba sabi nya sya e poor na?? then i remembered, manugang nga pala nya si greggy...ay naku, buy na buy ng audience nung alayan ng kanta at bulaklak ng AirSupply si madame. Ang pinoy talaga..ang bilis lumimot..di ba sya ang dahilan kung bakit me multo pa rin sa ECP??

Located ata sa likod ko ang block seat purchase ng AirSupply forever fans club (philippine chapter) ilang nota pa lang ang tinitikada ng banda e go na agad sa tili ang presidente nila at sabay sabay sa lyrics...lalong lalo na nung gumimik ang mga lolo ng mingling with the audience.. bumaba sila sa stage at inikot ang VIP section habang kinakanta ang here i am..da one dat yu love..nagpapakamatay yung asa likod ko at nag mamakaawang umakyat sa seksyon namin ang mga lolo, di ba nya alam na di naman sya nakikita ng mga yun, much less naririnig???

Nung kinanta na nila ang kanilang greatest hits medley, daig pa ang conglomeration ng mga lasing sa iisang tinig sa pagkanta ang audience..making love..out of nothing at allll...wag ka me nag sesecond voice pa ha..pati nga yung dalawang lalaki na mukag mga body builder, hada sa pag wave at pagvideo sa duo..kakatakot kasi maskulado tapos nag we wave nung kinanta na yung two less lonely people in da world...sila kaya??

Yung katabi kong mag asawa, sweet..siguro nasa late 60's na sila..tapos holding hands sila all through out the concert. tapos, me trip to Singapore pa sila na nakaskedule for next week..o di ba , kung lahat ng marriage e ganun..actually, mukang nahihiya sa akin si mamu, kasi ako NR sa antics ng duo pero silang mag jowa e kinikilig to the bones sa bawat kanta.

Nang matapos ang concert, nagpaunlak ng encore ang mga lolo..take note, isang kanta lang ang bonus..i'm all out of love ..i'm so lost without you...yun lang...di man lang kinanta ang aking rason kung bakit ako sumama manuod...ang i can wait forever...

sa dami ng nanuod, kailangan muna naming magpalipas ng oras para mabilis makalabas sa araneta center. dito kami pinulot sa volare. italian restaurant. order ng pizza at ibat-ibang dessert.

Italian ang me ari, napansin ko lang na medyo maasim dan ordinary ang peperroni sa pizang ito. panis na kaya??

masaya naman ang mga tao nang matapos na ang concert...ang masasabi ko lang sa grupo namin me three less lonely people in the world dat night.

1 comment:

Anonymous said...

Ayyy, mama, you inspire me to blog ng mas masaya! May blog din ako kaya lang masyadong seryoso at puro kadramahan sa buhay ang laman! Magbabagong buhay na ako kasi sumakit ang tiyan ko dito sa post mo na ito.

Pwede bang mas dalasan mo ang pag-post?