last week e na declare na three day week end kasi nga nilipat ang celebration ng holiday ng june 12 to june 9. masaya di ba? so ang mga tower guards ay kanya-kanyang gimik.. me mga nagpunta sa batanes..me nag punta sa beijing..ako wala ako panlipad kaya nag drive na lang ako pa tagaytay kasi mejo matagal na ako di nakakabalik sa caleurga. merong magandang church kasi dito..
kasama ko sa road trip na ito ang aking mga close friends from the school of somewhere down the road of mendiola..si X, Y at Z. bago pa man napagkasunduan ang lamierdang ito e nababanggit na ang napipintong pagdating at pagko koncert ng batikang duet na AIRSUPPLY....kaya dito sa lakwatsang ito, ano kaya ang background music papunta sa tagaytay??
bago pa man umabot sa simbahan, syempre gutom na kami kasi tanghali na kaya..dito kami napulot ng lunch
greek food ang specialty dito..kasi greek yung me ari..
mousaka-di yata ito masarap masyado kasi me tinira pa sila para sa akin e.
dolmades- kanin na me kung anu-anu pa na binalot ng grape leaves, with cucumber youghurt sauce. totoo kaya na grape leaves ito? di kaya gabi leaves lang? wala naman plantation ng ubas sa tagaytay.
Grilled lamb- in furness, masarap to..duda lang ako kung lamb nga talaga..wala ako nakikitang tupang gumagala sa tagaytay e..kambing madami pa..
after lunch, drive na to caluerga...to the tune of...now and forever...remember the words from my heart...tsubalu tsubalu..
hanggang sa maabot ang langit (di ata magandang phrase ito..simbahan dapat)
maganda ang church na yun sa tuktok ng bundok.. located sa loob ng evercrest golf club..(hindi ako member, open to the public ang simbahan)..
kaso lang di ko malaman kung bakit hindi man lang i improve ang kalsada papunta sa simbahan e ang dami-dami naman nagpapakasal na dito. daig ko pa naglanding sa moon..ang daming craters!
maganda kasi ang altar nito..ang theme e transfiguration
kaya habang andun, pinagana ko ang aking creative juices at nag pipicture ng mga bundok at bukid.
nang pababa na kami galing simbahan, inabutan kami ng gutom (nakakapagod magdasal e) kaya napagkasunduan na mag meryenda sa cliffhouse..somewhere along tagaytay yun.
napadpad kami sa isang tindahan na nagtitinda ng hamburger..at hindi ito mushroom burger. wagyu burger (daw) ito. P275/ order..sayang..nag di diet kasi ako kaya di na ako masyado nag re-re meat, kaya ito ang burger ko..
Fish burger..vegan friendly..at 165/order...
dito sa cliffhouse, overlooking ito sa taal lake....if you try hard enough,
makikita mo ang taal volcano
dito rin nabuo ang susunod na adventure...ang manuod ng airsupply concert sa araneta..pero hindi na ako ang pinabili nila ng tiket..ayaw na nila ng serbisyo kong ito..
after cliffhouse, go kami sa public market to buy our dinner..kaya eto ulam namin kinagabihan
at eto ang kanin...
1 comment:
Ay, ang saya naman pala ng buhay mo!
Post a Comment