Thursday, June 26, 2008

The one hundred peso gimik challenge!!

Minsan, isang biyernes, out of da blue, bigla na lang nagka ayaan ang mga tower guards na gumimik. E kaso, malayo pa ang takalan ng bigas (a.k.a. sweldo) kaya ang budget ng bawat tower guard sa gimik na ito e tig P100 lang (sa dolyares, mga around $US 2.00). Yung ibang mas mayaman, nag contribute ng P200. All in all, naka P1,400 kami. So, paano pagkakasyahin ang P1,400 sa sampung tao na gigimik? Eto ang sikreto..

Pumunta sa Gerry’s


Kasi nga diba NO SERVICE CHARGE AT VAT INCLUSIVE DITO

Umorder ng tatlong sisig, dalawang posk sisig



At isang tuna sisig



Calamares



At Grilled blue marlin

At inihaw na lumot



Pansin nyo ba na majority ng aming order e seafood? Hindi na kasi ako kumakain ng pork. Baka kasi pag na maintain ko mag refrain from pork dishes e pwede ako mag asawa ng apat.

At kahit na me budget ito, Sosyal ang fud diba? Kala ko nga mani at chicharon lang ang maoorder namin sa aming salapi. Aba, me kasama pa ngang 7 cups of rice yun. Tig ha haf cup lang kami, ayaw namin ng carbs.... at syempre, refillable nawasa juice. Me isang nagmaganda at umorder ng batchoy at san mig light, syempre pina separate bill namin sya..ano ilibre ba ito? Buti nga sinama sya..

Oo nga pala, me tip pa kaming iniwan para sa mga waiters namin. Kasi nga walang service charge di ba? Tama ang slogan ni Gerry..You’d still rather be at Gerry’s. Kasi mas okay pa rin ang fud at presyo niya kesa dun ke Dencio.

Basta ang tip, laging look for the sign: "NO SERVICE CHARGE AT VAT INCLUSIVE"

No comments: