Friday, January 23, 2009

Isang Linggo

officially, naka isang linggo na ako sa saklaan...ito na ang bago ko place under the sun. its not showbiz kasi front lang pala yun ng mga koreanong me ari..so i will have to keep my directorial dreams and singing and dancing talents under wraps for a while..

ayan sa loob ng 5 araw na pag pasok sa opisina, 4 na beses ako late..umasa pa ba ako na maging on time? ke sa EDSA o sa C3 dumaan, trafic pa rin..lahat ata ng tao e me oto na...buti na lang wala ako time- in mechanism at nauuna pa ako pumasok sa boss ko..kaya at least akala nya on time ako, unless ininstruct nya ang aming common assistant to report my time in sa kanya, e safe ako..

at ang aking parking space e me pangalan ko!! hanubayun.. sabi ko wag na lagyan at baka pag me nagalit sa akin e alam which car to make guhit..

sa totoo lang, pagod na pagod ako dito sa saklaang ito..o naninibago lang ako from the sedate lifesytle na pinanggalingan ko? biruin nyo naman, 3 days of official work pa lang, e umiinom na ako ng ulcepraz at extra strenght kremil s...mauubos ata ang sweldo ko pagbili lang ng mga gamot...hwag naman sana....

di bale, bibili na lang ako ng stresstabs at lagi na lang ako magbabaon ng nilagang itlog at skyflakes..

Monday, January 19, 2009

Dezato Cafe

May kaibigan ako na kaibigan ang me ari ng cafe na ito..

kaya nung minsan e inattept ko na puntahan ang dezato cafe..

kaso nawala kami at muntik na namin makita ang white lady...

kaya ipinagpaliban namin ang adventure na ito sa ibang araw na lamang..

last weekend..natagpuan na namin ang place sa kabilang side ng hemady sa may e. rodriquez..


i swear masarap


assorted bite size mochi balls..winner ang dark chocolate dito


cupcakes, cheese at chocolate..kaso..di ako fan, mejo crumbly eto e..mas gusto ko ang cupcake na tipong lemon squares at mala kababayan ang consistency

mochi ice cream..chocolate at strawberry

ok naman..akala ko e parang tikoy lang ang mga mochi na ito..hindi naman pala, mas ok ang kanyang texture..its a sosyal tikoy..me unlimited cofi, 2 mini pitsel ng tea at umabot lang sa 480 ang bill namin.. pwede na itong tambayan sa gabi..pero wag ang masyado papagabi kasi dito daw lumilibot ang white lady

Sunday, January 18, 2009

Beachhouse, UP Diliman

Nag umpisa ang lahat sa simpleng e-mail..dahil me isang buntis na naglilihi sa barbeque, nabuhay ang e-mail thread tungkol sa masarap na barbekyuhan sa UP..at syempre pa dahil me isang magaling na food writer/researcher, naenganyo nya ang lahat na bisitahin muli ang barbekyuhan na ito para muling lasapin ang bagong ihaw na bbq na nakapatong sa kanin habang iniintay na tumulo ang taba at gawing sabaw sa kanin.

..kaya napagkasunduan ng mga taong walang magawa sa buhay na magkitakita muli sa kolehiyong pinasukan..

..eto ang resulta..

ang beachhouse na tinatawag ay yung karinderya sa gilid ng main library..wag lang hahanapin ang beach

ayun si manong na nagpapaypay ng aming iniintay at dinayo pa na mga stick






eto ang babreque..

syempre umorder na din ako ng lumpiang toge with sawsawan na toyo at suka..aba mahal na ito ngayun ha..P104 ang bill ko for 2 sticks, 1 pepsi at 1 lumpia...

pag dito ka kumain, me libre ka pang kalabit mula sa mga batang yagit na nag iintay ng tirang pagkain..sila kumain nung mga taba at kahit hindi ko pa ubos ang laman ng bote ng pepsi ko e panay na nag hingi nila..hay, walang nagbago...me libreng dagdag pa na hantik, yung malalaking lanngam ba..

pero okey lang, maganda naman ang view ito e... baka me makita kang diwata anytime


Thursday, January 15, 2009

First day sa Showbiz

so kanina nga ang unang araw ng shooting ko..

kiningkina yan..hanep..me computer na agad ako..ang monitor, daig pa ang flat screen TV sa laki..kahit 3 pages pwede mo basahin saby sabay in a horizontal manner.. ang sarap siguro manuod ng dvd..unlimited internet access...3 ang telepono ko..me YM..nagkakandarapa ang mga staff sa paghanap ng parking space para sa akin sa loob ng building...ang catch, pootah, ang cubicle ko e asa harap, as in harap, ng mesa ng boss ko.. kitang kita kung ano ang ginagawa ko so puro text lang ang pwede..masyadong tahimik kaya di ko magamit isa man sa mga phone ko para chumika..at ndi ako makapag siyesta!!! nyeta, ang sarap pa naman matulog dahil nga tahimik at malamig ....sabi ko na nga ba, be careful of what i wish for...hayyyyy...

eto pa, ang showbiz e me training ground sa mga gustong magtrabaho bilang mga taga bilang ng baraha at pitsa..aba..parang me starstruck audition dahil sa dami ng bagets na nagkalat...me sekretarya nga na naka short-short!! di kaya rayumahin yun e pagkaginaw ginaw sa loob ng ofis??

kaya next week magdadala ako ng jaket...yung me hood...pati na rin shower curtain..para me harang na kami ni bosing..baka magsawa agad sa akin yun at ako lang ang view na nakikita..

Sunday, January 11, 2009

Waiting..

naka terminal leave na ako sa torre..officially, mag simula ako ng aking showbiz career sa jan 15.

ang sabi ng mga bituin, since ako ay born under the RAT sign ako ayCharming and humourous, honest and meticulous. Although they can give good advice, they cannot necessarily decide for themselves. May be power hungry, petty or greedy, Bright, sociable and highly ambitious. A true opportunist to reach the target. Passionate and good to her lover. Yet likes to gamble and spend lavishly.

The charm of the Rat personality is as universally known and loved as the Walt Disney character, Mickey Mouse. He could be forthright and honest but in such a disarming manner that you find yourself at a disadvantage.

Remarkably easy to get along with, hard working and thrifty, he will be generous only to those he is inordinately fond of, so if you get an expensive gift from him, you should certainly rate yourself high in his esteem. However, in spite of his penny-pinching ways, he will never be found wanting for admirers as he emits such fantastic appeal.

Likes Bargains, Negotiation, Winning, Trust and Gambling Dislikes Boredom, Timetable, Poverty, Loneliness and Reprimands.


Your Luck in Year 2009

Overall Forecast

You will enjoy wonderful success luck in 2009 but you are afflicted with the misfortune Five Yellow Star in your home location which brings obstacles and setbacks that will slow down your progress. But do not despair. The Rat born is blessed with strong staying power. You won't allow setbacks to get you down. Coupled with the right Feng Shui remedies such as the Five Element Pagoda, you will rise above temporary adversities and disappointments. You'll tend to feel uplifted, happy and enthusiastic in the year of the Ox, which makes you popular among colleagues and friends. Make an effort to be determined, focused, positive and confident and 2009 will be a good, if not great year for you!


hayan, san kaya ako makakahanap ng five element pagoda? obvious ba na wala na naman ako ginagawa na pati fungshui forecast sa internet e pinagkakaabalahan ko?


sa wednesday naman, pupuntahan ko yung kaibigan ko sa NBI at kailangan ko ng NBI clearance na naman...baka nga nagsasawa na iyun na bigyan ako ng clearance every two years para sa aking pre-employment requirements e..hay..ano kaya ang in store for me this 2009? officially, under the chinese lunar calendar, sa 26 pa ang umpisa ng taon..so bahala na si batman, sana lang, ito na ang career for me..pagod na ako ng kalilipat e..

Friday, January 9, 2009

Amici's, T. Morato

a day after the kasal of my brother dog, gusto ko sana kumain ng simpleng fud lang..

so sa amici ako napulot..

originally, ang restaurant/canteen na ito e canteen ng don bosco sa makati..kaso madami ang naka discover kaya instead na pang estudyante lang e naging puntahan na rin ng iba..after a few years of operations, binenta na ng mga salescian fathers ang canteen dahil nga di naman for profit ang simbahan di ba?? apparently ang nakabili e yung dating may ari daw ng red ribbon (daw..not sure realy if this is true, di ba nabenta na ang red ribbon sa jolibee?)

eniwey, nag expand na pala an kanilang menu, so sinampolan namin ang ilan sa mga bagong creations..


pasta carbonara (luma na ito)


four cheese pizza


pesto pasta (not really a fan, kaya loser ito sa akin, nakakasawa agad)


italian meatballs (bago ito, hindi ito sweet, maalat nga e)

roast chicken

mozarella sticks


pasta ulet, seafud naman


pizza gamberetti (basil and shrimp pasta, bago item ito sa menu)


italian sausage


gelato, my favorite

brazo de mercede (ok ito, not too sweet at masarap yung filing)


it was friday nung nagpunta kami..friday noght gimik tuloy lumabas..pero hindi ito gimik place kasi maingay..pero for the price and the flavor, pwede na..

Mamou's Kitchen, Serendra




Since bertdey ni Y nuong January 1..yes..isa sya sa selected few na pag lipat ng taon e tumatanda na..nanlibre ang kuya ko sa Mamou's Serendra...ang dami kasing rave na rave sa resto na ito..

e since kagagaling lang sa pamamasko, generous ang kuya ko kya me appetizer pa kami na spanish salami with fuet honey or is it salami fuet with honey? whatever...



ang libreng tinapay with butter

ang iced tea, refillable ito ng isang beses, e since mabait yung waiter namin, refil sya ng refil, irrespective of the rule na once lang ang refilling ng iced tea..

pasta with truffle oil..mas masarap pa rin ang pasta with truffle oil sa la grotta


lamb chops..tender naman, nawala ang lasa ng lamb kaso, bland

eto e special daw for the holidays, 28 day aged steak..hmm..tender but not so juicy, bland din na supposedly e dapat mas malasa na dahil 28 days nga ang curing nya di bah
a collection of side dished, cream of corn, mashed potato, spinach cream (not laing ha) at brown rice na niluto daw sa mantika ng duck..pamatay




fish and chips..mas masarap pa ako magluto dito...siguro kaya maitim ito dahil ilang beses na na recycle ang oil used to fry this..walang kulay di ba..boring ito..at saka bakit me sukang iloko? ay malt vinegar pala...

key lime pie for dessert


at dark chocolate whatever..ito e gawa sa graham craker na dinikdik at probably dark chocolate na i minelt..ano nga bang brand ng chocolate yun? yung mahal?a girardeli

over all feedback...hmmm..stripped of the raves..this is ordinary, not bad, but not great either..mahal pa..

Thursday, January 8, 2009

Kasal

na mamya ni brother dog..kahapon e nakukumahog kami ni ina sa paghahanap ng masusuot nya na gown.. kasi ba naman, nuknukan ng fanget ang gown ni mama na gawa nung napiling designer bading ng kanyang manugang to be..(obvious ba na may hate-hate relationship kame?) ang busalsal ng tahi.. ang paha ng gown e nasa dibdib..ang manggas e walang arm hole, how can that be possibel?? tapos ang kulay pa ng gown ni mama e pula! sabi ko nga muka syang trak ng bumbero! ang beading pa nung gown e mukang remnants ng parol nung pasko..susmarya kaya takbo kami ng SM Moa sa pahahanap ng pamalit..e sabi ko kumuha na lang ng ibang kulay na gown kasi ang hirap maghanap ng pula na gown..ayaw naman nya at mawawala daw sa motif..(san ba me kasal na ang motif e pula??sa impiyerno?) kakainis..me nakita kami sa Salabianca na pwedeng pang itaas, kaso wala naman ka partner na palda na flowing..mahal pa, as in...imported daw kasi..o sya pwede na yun kaso kailangan muna makakita ng long skirt..punta kami ng department store..hala, wala..sabi ko kahit bilin na lang yung mga me kapartner na ding pang itaas at yung palda na lang ang gamitin..kaso e di ba kagagaling lang ng US ni mader, e di kailangan nya XL, e puro L lang ang available..hay...so lipat ng ibang bilihan..

sa SM harison sya napulot..buti na lang meron na dun nakuha na long flowing skirt..kaya binalikan nya ang blouse sa MOA...o di ba adventure..pag uwi lang sa bahay saka nag tapat ni mader kung balik di sya pwede mag iba ng kulay ng gown..kulay pula daw kasi ang necktie na gagamitin ni ama, di daw sila mag ma match..

Wednesday, January 7, 2009

Good bye Torre...

yes, after more than two years ng paninilbihan sa torre e bolt out na ako...
pagod na kasi ako tumunganga sa kawalan..at kumuha ng karagdagang labada sa labas para naman me mental calistenics ako..sa loob ba naman ng dalawang taon e binabantayan ko lang ang torre mula sa mga kamag anak nang mga namatay na depositors at sa mga naghahabol ng marcos wealth..parang sayang naman ang beauty ko di ba??

kaya by january 15, 2009, hello showbiz na ako..tinanggap ko na ang offer nung manager ko na i bugaw ako sa mga koreano..tutal emerging cash mine naman sila dito sa Pilipinas ngayun e di sige na nga, plunge into the unknown..kaya lang ang plano ng mga taga showbiz na ito e mag diversify ng kanilang business at magpatayo ng mga saklaan..so gusto ko ba nito?? sabi nga nung isang kaibigan ko nung tanungin ko sya kung papatulan ko ang offer, sugalan na nga ang trabaho, tutulungan ko pa magbawas ng buwis..kaya ba ito ng konsensya ko...

hmmm...sa aking buong work life naman e natulungan ko ang industriya ng sigarilyo na magbawas ng buwis, pati industriya ng alak e ginawan ko na rin ng paunang hakbang para bumaba ang buwis.. tapos ngayun naman mga sugalan..e parang industirya na lang ng kababaihan ang kulang free admission na ako sa impiyerno...but then...trabaho lang ito..walang personalan...

at least sa showbiz, magagamit ko naman ang aking singing and dancing talents

Tuesday, January 6, 2009

Heaven & eggs, trinoma

Dahil sa resulta ng gift giving, after christmas, kailangan ko lumabas para papalitan ang mga regalong hindi naman kumasya..

kaya go sa Trinoma para magpapalit agad kasi na reserve na yung item na dapat pamalit at nung araw lang daw pede kunin yun..syempre kahit hate ko pumunta ng trinoma, wala naman ako magagawa dahil ke ama ang papapalitan..

hay, parking pa lang asa 5th level na ako and to think na ang aga pa nun...

e alas 12 na so dapat kumain na ako ng lunch kasi iinit lalo ulo ko pag di ako kumain ...

hay, puno lahat ng kainan..gusto ko sana sa Mann Hann at miss ko na ang clams with tausi sauce kaso pang number 8 pa kami sa waiting period..

kaya nung may nakita kami na maluwag na pwede kainan, go kami..


calamares (eto lang ang masarap)


set meal na steak, with salad at soup







di ko alam bakit ang teriyaki sauce e naging salad dressing



baby back ribs with manila sauce

naka 900 kami dito, e nde naman masarap...kaya pala wala tao..hay..ayoko talaga sa trinoma.....

Monday, January 5, 2009

Conti's, Serendra

Dahil nga me balikbayan ako na frendship..dinala ko sya sa pasyalan na pwede ipagmalaki sa ibang bansa.



kaya after namin makipag kape sa ibang friendships sa Greenbelt 5, go naman kami sa serendra at sa bonifacio high street.


nung magka gutuman, sa Conti's kami kumain


salmon croquettes ito , 8 pieces


callos (pwede na, malambot ang goto)



pastel de lengua



sinigang na salmon
penne arrabiata


chicken ewan, pramis me manok sa ilalim nung sauce



reasnoable naman ang price, ang reklamo ko lang talaga dito e konti ang serving

Sunday, January 4, 2009

People's Palace, greenbelt 5

Nakainan ko na ang People's Palace nung ito ay asa Malate pa lang..nagtransplant ito sa Greenbelt 5 last 2008

hindi ko talaga alam bakit ang daming nahahalina sa kainan na ito..achuli mas masarap pa ang Som's dito at feeling ko e mas authentic thai cuisine pa yun..

spring rolls


pomelo salad

calamares with tamarind sauce



fish fillet with red curry sauce

phad thai

nde ito masarap

over rated talaga ang mga restaurant sa Greenbelt. ambiance lang talaga ang selling point nila....buti na lang me nag sponsor nito, kung ndi nagkasya na lang ako sa iced tea. na mahal pa rin kasi, wit naman outstanding ang kanyang flavor

Saturday, January 3, 2009

Cibo

I love this restaurant talaga..

kung napagpatuloy ko lang ang naunsiyami kong culinary career, ganito ang restaurant ko...

fresh ang kanilang mga ingredients at effortless ang mga pagkain..simpleng gawin pero pag asa bahay ka tatamarin kang lutuin on your own..

sardine panini

chicken panini, ito ang agi ko order dito (value for money ito, in short mura)

insalata di mare (winner ito kaso more than 300 ang plato na ito)

vegetable panini


prosciuto di parma na pizza (lately e pumapangit ng ang dough nila)

lemon iced tea (hindi ito from concentrate)



eto libre, pero you have to ask for it




its so unlike cafe bola...na tsinaka ko na dati pa..kelan kaya ako makakapunta ng pepato, yung high end version

gold mine talaga dito si margarita fores..