na mamya ni brother dog..kahapon e nakukumahog kami ni ina sa paghahanap ng masusuot nya na gown.. kasi ba naman, nuknukan ng fanget ang gown ni mama na gawa nung napiling designer bading ng kanyang manugang to be..(obvious ba na may hate-hate relationship kame?) ang busalsal ng tahi.. ang paha ng gown e nasa dibdib..ang manggas e walang arm hole, how can that be possibel?? tapos ang kulay pa ng gown ni mama e pula! sabi ko nga muka syang trak ng bumbero! ang beading pa nung gown e mukang remnants ng parol nung pasko..susmarya kaya takbo kami ng SM Moa sa pahahanap ng pamalit..e sabi ko kumuha na lang ng ibang kulay na gown kasi ang hirap maghanap ng pula na gown..ayaw naman nya at mawawala daw sa motif..(san ba me kasal na ang motif e pula??sa impiyerno?) kakainis..me nakita kami sa Salabianca na pwedeng pang itaas, kaso wala naman ka partner na palda na flowing..mahal pa, as in...imported daw kasi..o sya pwede na yun kaso kailangan muna makakita ng long skirt..punta kami ng department store..hala, wala..sabi ko kahit bilin na lang yung mga me kapartner na ding pang itaas at yung palda na lang ang gamitin..kaso e di ba kagagaling lang ng US ni mader, e di kailangan nya XL, e puro L lang ang available..hay...so lipat ng ibang bilihan..
sa SM harison sya napulot..buti na lang meron na dun nakuha na long flowing skirt..kaya binalikan nya ang blouse sa MOA...o di ba adventure..pag uwi lang sa bahay saka nag tapat ni mader kung balik di sya pwede mag iba ng kulay ng gown..kulay pula daw kasi ang necktie na gagamitin ni ama, di daw sila mag ma match..
No comments:
Post a Comment