Nag umpisa ang lahat sa simpleng e-mail..dahil me isang buntis na naglilihi sa barbeque, nabuhay ang e-mail thread tungkol sa masarap na barbekyuhan sa UP..at syempre pa dahil me isang magaling na food writer/researcher, naenganyo nya ang lahat na bisitahin muli ang barbekyuhan na ito para muling lasapin ang bagong ihaw na bbq na nakapatong sa kanin habang iniintay na tumulo ang taba at gawing sabaw sa kanin.
..kaya napagkasunduan ng mga taong walang magawa sa buhay na magkitakita muli sa kolehiyong pinasukan..
..eto ang resulta..
ang beachhouse na tinatawag ay yung karinderya sa gilid ng main library..wag lang hahanapin ang beach
ayun si manong na nagpapaypay ng aming iniintay at dinayo pa na mga stick
eto ang babreque..
syempre umorder na din ako ng lumpiang toge with sawsawan na toyo at suka..aba mahal na ito ngayun ha..P104 ang bill ko for 2 sticks, 1 pepsi at 1 lumpia...
pag dito ka kumain, me libre ka pang kalabit mula sa mga batang yagit na nag iintay ng tirang pagkain..sila kumain nung mga taba at kahit hindi ko pa ubos ang laman ng bote ng pepsi ko e panay na nag hingi nila..hay, walang nagbago...me libreng dagdag pa na hantik, yung malalaking lanngam ba..
pero okey lang, maganda naman ang view ito e... baka me makita kang diwata anytime
3 comments:
ang mahal?! panu kang umabot ng P104, eh P13/stick lang nag barbeque nung panahon ko ah?! ganun na ba ako katanda??? haaaayyy..those were the days... :(
ey.. 28 pesos each na ang stick..ang lumpia e 18 pesos..10 ang rice tapos me pepsi pa..104 na talaga..anu buzz .saan nga nag umpisa ang student number mo?
na-miss ko yan... dapat makapunta uli ha... hagilapin ang mga lost souls
Post a Comment