officially, naka isang linggo na ako sa saklaan...ito na ang bago ko place under the sun. its not showbiz kasi front lang pala yun ng mga koreanong me ari..so i will have to keep my directorial dreams and singing and dancing talents under wraps for a while..
ayan sa loob ng 5 araw na pag pasok sa opisina, 4 na beses ako late..umasa pa ba ako na maging on time? ke sa EDSA o sa C3 dumaan, trafic pa rin..lahat ata ng tao e me oto na...buti na lang wala ako time- in mechanism at nauuna pa ako pumasok sa boss ko..kaya at least akala nya on time ako, unless ininstruct nya ang aming common assistant to report my time in sa kanya, e safe ako..
at ang aking parking space e me pangalan ko!! hanubayun.. sabi ko wag na lagyan at baka pag me nagalit sa akin e alam which car to make guhit..
sa totoo lang, pagod na pagod ako dito sa saklaang ito..o naninibago lang ako from the sedate lifesytle na pinanggalingan ko? biruin nyo naman, 3 days of official work pa lang, e umiinom na ako ng ulcepraz at extra strenght kremil s...mauubos ata ang sweldo ko pagbili lang ng mga gamot...hwag naman sana....
di bale, bibili na lang ako ng stresstabs at lagi na lang ako magbabaon ng nilagang itlog at skyflakes..
No comments:
Post a Comment