Tuesday, December 30, 2008

Goodbye 2008

hay, waiting for da new year ang drama ko today...achuli di pa ako naglilinis ng aking aparador at study table para sa mga dapat nang itapon na kagamitan na di na nagagamit o gagamitin..

nagkakadilema lang ako kung magpapagupit ba ako today o hindi na.. sabi kasi sa tv, pagnagpagupit ka ngayon ay tinatanggal mo ang malas na nangyari sa iyo for the year that was..e kaso tinitingnan ko naman ang mga previous pictures ko at parang hindi flaterring for me ang short hair..gusto ko na ta mag pa layered...hmmmm...well i still have a few hours to make up my mind..

eniwey..anu ba ang idinulot ng 2008? masaya naman ako sa mga pangyayari sa buhay ko although below sea level ang stock market ngayon (for the last two quarters na...paano na alng ang retirement plan ko?) except for my career sa torre, wala na ako dapat ireklamo..naks..parang thankful?

so, sa pagtatapos ng taon, mamamaalam na rin ako sa torre..ako pah, pag di na ako masaya, di ako nagtitiis...by the start of the new year (chinese new year pala) mag so showbiz na ako..so goodbye torre ito...

Saturday, December 27, 2008

A Christmas Lunch

The Sunday before Christmas ay napagkasunduan naming magkaron ng christmas lunch na hindi naman kami ang magluluto..

para medyo sosyal ang dating, i suggested to celebrate the season sa Galileo Enotica.. dito ako nagcelebrate ng birthday ko last year dun sa Makati Branch, kaso since Sunday ang schedule ng lunch na ito.. sa Mandaluyong Branch kami napadpad.

apparently, hindi well known nag Mandaluyong branch at kami e napadpad sa may nuebe de pebrero..pinulot kami sa Galileo italian tiles at wines...me ganun pala...pwede pala i mix ang business na tiles at wines..well, nag ra ryhme naman...so para matuntun namin ang restaurant na ito, hire kami ng hagad to serve as guide in the form of a tricycle..buti na lang yung sekyu ng galileo tiles alam lung san yung galileo da restaurant..

may mga set menu dito na for a fixed price may selection of cheeses, cold cuts, soup, choice of pasta, wine at cofi or tea na... so nag set menu na lang kami at si Y na carnivore e nag steak..

eto ang libreng appetizer na bread at dips



cheeses and cold cuts


ang pasunod na sparkling wine



ang soup ...muka ba masarap?? tama..hindi


pasta carbonara

my pasta na butter at parmesan...

eto ang naiba na set C.. italian tuna daw...kalasa lang din ng century tuna

steak..mas masarap pa ang steak sa steak MD

umorder kami ng additional bottle of red wine kasi nga feeling sosi bah...

at dahil me sumobrang wine..umorder kami ng additional platter of cheese...

at dahil me sumobra pa na cheese, umorder kami ng additional bottle of wine (ulit)


kaya alas dos pa alng ng hapon..lasheng na kami...nde ko nga alam kung paano kami nakauwe e..

Tender Bobs....

Minsan, habang hectic ang schedule sa aking christmas shopping, napadpad ako sa 6th Level ng Shangri-la Mall. matagal ko nang nakikita ang restaurant na ito "Tender Bob's" na ang sabi ng tag line nila e specialty nila ang steaks, ribs at burgers...

since 3PM na nun at di pa kami naglulunch, ito ang inorder namin...

shrimp chowder

wag orderin ito...malansa..ni hindi naggawa ng effort ang cook na mag patak man lang kahit konting lemon juice para maalis ang lansa ng ulo ng hipon.. ito lang ang shrimp chowder na nakita ko na wala ni hibe na kasama sa soup..


onion rings
makunat agad.. nakakapagtaka kasi beer batter ang ginamit nila to coat the sibuyas..hay..kahit simpleng onion rings di nila na execute


tenderloin steak
ay naku, anoder loser ito..walang flavor ang meat..buti na lang may knorr seasoning na kailangan ko pa nakawin from the waiter's table kasi inattentive ang mga serbidora dito

ribs

dry ito, pre-ccoked ang ribs na feeling ko e last week pa asa freezer kasi mejo matigas na ang dulo ng laman nuong ribs..

at mahal dito..naka more than 1t kami for food that is sooooo disappointing...eto ang robbery..kung pwede nga lang idemandang estafa ang establishment na ito..malamang gawin ko pag me free time ako...

Wednesday, December 24, 2008

Pasko na!!

well, teknikali, isang tulog pa while i'm writing this...

ang kapitbahay namin, me plano ata magvigil at umarkila na ang videoke kaya ang ingay..write ko ito with the background of wham's "last christmas"...wish ko na sana e me sumikat naman na ibang kanta for christmas..

pasalamat naman ako at natapos ko na ang project ko entitled my two este four front teeth pala..ang hinagpis ko lang, majority ng aking parties e pangit ang mga pictures ko kasi naka temporary teeth ako..di tuloy photogenic ang aking "smile"..hmmp...

hayan, kanina, namudmod na ako ng angpao sa aking mga neighborhood tanod at trapic aide. sa kaunting halaga, assured ako all year round na pag hinto ko sa sangangdaan e ako lagi ang mauunang ipa "go' ng mga mokong...

pati ang mga sekyu sa torre e na biyayaan na rin..pati ang mga cleaning ladies..

achuli, kanina, ako na lang ang ulirang emplyedo kasi 4PM na di pa ako umuuwi..ako na nga lang ang asa opisina e..buti na lang tumawag yung inorderan ko ng cake at nagsabi na pwede ko na kunin ung mga inorder ko ..ayako kasi ng red ribbon at goldilocks e..saka birthday ni ama after christmas..gusto nun made to order ang cake nya...

hay nako, ang hira kasi after christmas, ang dami ko pa rin schedule!! e malapit na ako mawalan ng sweldo...

a basta, ska ko na iisipin yun..

maligayang pasko na lang sa inyong lahat!!!

Thursday, December 18, 2008

Rampa

ang hirap talaga ng famous, ang daming mga fans na dapat pagbigyan ng time and effort na magkita-kita for the season..hay...

aside from my college friends, nagkita kami this week ng aking high school friends kasi dumating ang friend ko from Canada..kaya effort ito..ayun dahil sobrang saya ang usapan e napagkasunduan na magkita ulit sa December 27 parasa isang grand reunion kasi 20 years na daw kami gumradweyt (oo, seven years old pa lang ako gumradweyt na ako ng high school)..

ang lunch at dinner ko e fully booked this week, achuli until the end of the year na ito (ikaw ba naman ang mag transfer from so many work places ewan ko na lang kung ma fit mo ang kalendaryo mo sa mga get together na ito)

last week, kasama ko yung mga naging kasamahan ko sa department of penance..after nila ako regaluhan ng mga bagong manual at issuances nila, sabi nila sa akin na me pending request daw ang may ari ng torre sa kanilang departamento..tinatnung nila ako kung ako ang gumawa nun..sabi ko hinde..dahil hinde talaga..at nagpapatulong sila kung ano ang magandang gawin..sabi ko hands off ako dun..baket, inaapi nga ako sa torre e, tulungan ko pa ba sila para malibre sila sa buwis?? ano ko, bano?

kanina naman ka mit ko yung friend ko na nagbabaon ng pilipinas sa utang..well actuali..hindi sya teknikali..at nagkukuwento sya ng kanyang adventures..minsan iniisip ko kung nagtyaga ako sa gobyerno, mataas na rin ang posisyon ko..kaya nga lang bawal yumaman dun e..e pano na lang ang mga pangarap ko?

o well, just looking for the new year na lang me...

Monday, December 15, 2008

Showbiz!!

ako ay may dilema ngayon..join na ba ako ng showbiz at leave ko na ang torre??
ang dami ko kasi dapat i consider e..hindi stabe ang showbiz de bah?? samantalang ang torre e para kang nakasandal sa pader..di naman kalakihan ang sweldo sa torre, di rin naman ganun sa showbiz..panu kung wala ako shooting? pero feeling ko me growth naman ako sa showbiz plus mukang makakasundo ko ang aking manager if ever..

hay ewan, ito na ba ang moment ko?

Sunday, December 14, 2008

Hectic!

Grabe ang christmas rush ha... me personal shopper na nga ako (na pati pagbabayad sa mga pinamili ko e inaako) pero hindi pa rin tapos ang aking christmas list! i swear titigilan ko na maging friendly kasi padagdag nang padagadag ang mga parties na dapat ko puntahan at mga gifts na dapat ko ibigay at the end of the year.. and to think na ang sungit ko na nga e..

nung weekend napadpad ako sa robinsons galleria after a very loooong time..nag meet kami nung mga friends ko from kolehiyo..ok yung pinagkitaan namin..245.00 lang eat all you can na thai fud..masarap..mabagal nga lang mag refill ng pagkain..thai kitchen ata ang name..

eniwey, so dahil me balikbayan, intay to the max kami..pero nung dumating sya e after five minutes nagpaalam na ako dahil ako e me dentist appointment pa..kaya eto hirap ako mag project sa aking mga pictures kasi naka temporary ang aking four front teeth..hay..sana before christmas e umayos na ito..

Thursday, December 4, 2008

Expired

pala ang driver's license ko..kung di ko pa kailangan mag pa xerox ng ID e di ko mapapansin na isang buwan na expire ang lisenysa ko..ang bait ko tuloy magmaneho..lahat ng red light hinihintuan ko

kaya last tuesday since wala naman pasok sa tore e iniskejul ko na mag renew at makipagkita na rin sa mga friends ko sa Makati..

nung umaga, inatempt ko mag renew sa lto dito sa malabon..hay, di ko kineri ang pipol..last time kasi na nag renew ako dito e inabot ako ng tatlong araw na pabalik-balik..e kanina, unang step pa lang ng medical, retreat na ako..aside for dugyutin ang mga taong kasabay ko..dark and dreary pa ang lugar na paggagawan ng medical..ma holdap pa ako dun.. so walk out ang byuti ko ang go ako sa LTO satellite office sa may ayala MRT. kaso, dumating ako ng makati na mag lulunch na kaya inuna ko muna tsumika sa mga friends ko from my once and future office(?)..after so many tsika saka lang ako nagpunta sa LTO-MRT..awa ng jios, papaunta pa lang sa mRT station nawala na ako..malay ko ba kung saan ang bridgeway from SM to MRT noh..

kaya alas 2 na ako nakapila sa medical..sus ang dami rin tao..pero at least mga muka naman empleyado at mga bosing ang kasabay ko..me ingles speaking pa nga e..tapos para sa medical, kailangan nila ng 100ml na sample ng urine..pasalamat na lang ako at nag iced tea ako nung lunch tapos nag matapang na kape after..ayun..puno agad ang bote..unlike yung iba na kailangan pa nila i induce ng mineral water ang kanilang pantog..

dahil sa dami ng tao sa medical..3:30Pm na ako nakapag start sa LTO proper..in furness, efficient naman sila.mabilis sana ang proceso kung mas madami ang acredited medical facility...ito lang ang mga obserbasyon ko:

1. mababait yung mga lto employee sa ayala mrt, in fairness, work naman sila talaga..kaya nga nung sinabi nung gel na kumukuha ng picture na "smile", smile naman ako for my id..kaya ayun, maganda ang id ko..unlike yung isang friend ko na gusto na iwala yung ID nya para makapag execute na sya ng affidavit of loss at makapagpa picture ulit.

2. masungit ang cashier, kailangan exact ang ibibigay mo sa kanya bayad oderwise di ka nya susuklian ng .35 cents;

3. me isang mama na mukang bisor ng kumpanya, ask nya kung pwede daw palitan ang restriction code ng kanyang lisensya kasi automatic na ang kotse nya ngayon..hello??

4. pag sinisigawan ang mga lto government employee, di ka nila tutulungan..me isang babae tinawag over the mike.."xxxLourdes", lapit si manang at demanded, in a high and angry tone.."wat did you call me?" Lourdes? i had my name changed last 2004 to Mary Lou..tsubalutsubalu..bakit di pa napapalitan sa records nyo"..ang end result..pinabalik sya sa issuing LTO office nya..kasi naman pwede naman makuha sa mahinahon na usapan e..

5. pag me citation tiket ka from the mmda me cross referencing na sila with lto.. 1 yung di naka renew kanina dahil me outstanding tiket from mmda;

6. kahit duleng pwede mag drive sa pilipinas..tru ito kasi katabi ko yung mamang nag renew ng licensya kanina..at doble vision sya..

Wednesday, December 3, 2008

All I want for Christmas..

is my two front teeth...literali...akala ko sa kanta lang nangyayari ito..pwede rin pala sa tunay na buhay..

last week meron ako di narampahan na event kasi bigla na lang umuga ang jacket ng ipen ko which incidentally e my two front teeth nga..so emergency call ako sa aking dentist..apparently kailangan na i restructure ang aking pearly whites kasi circa 1993 pa daw ang aking jackets..so iniiskejul ako ng dentista ko for a major overhaul over the holidays..hay, good bye 14th month pay ito...

Tuesday, December 2, 2008

Malapit na ang pasko

..tru..malapit na ang pasko..
isa sa mga blogs na binabasa ko e ang marketmanila.com...minsan nag iiwan din ako ng comment dun para ba ma feel ko lang na i belong..kaso since nabasa ko ang kanyang post about its beginning to look a lot like christmas..(which i suggest you read before you proceed to read this) parang wiz ever ako mabebelong sa kanyang circle..

first of all our tree is from the humdrums of shopwise which we bought oh..some three years ago.. much as we would like to order the fresh tree from S&R we are not fortunate enough to have a membership card that will enable us to buy the fabulous smelling fresh tree from the us of a.
for this year, mama has scheduled the red and silver christmas theme..so up goes our red and silver balls...




in conjunction with the theme, ornaments with red ribbons also adorn our staircase..

and yes, i bought the balls and the other thingies from 168..carefully carrying the same back to the parking lot of tutuban center where i usually park the silver stainless wrangler ...



this is also our poinsettias which we store carefully in the upper closet to be taken out every december 1 in preparation of the coming event..these flowers have been with us for the past four christmases..bought in landmark..i am amazed their staying power..in times like these, plastic is better than fresh

and of course the nutcraker soldiers..ever guarding the tree from unwanded guests

i've also done a bit of christmas shopping, but still hasn' gotten around to wrapping the gifts, so evrything is stored in my bedroom which is fast losing parking space
i'm always out every weekend doing my christmas list, somehow the list seems to be growing by the day and by the looks of it, i have to be getting gifts until the 24th..that is not counting the number of parties i have to attend, friends i have to meet..this is one hectic event..


*hay, hindi talaga bagay sa akin ang ganitong pagsusulat..ever...

Monday, December 1, 2008

Walang activity

ang blog..ang blogista..madame...

syempre as part of my on going search for a new boss, rampa ever ang byuti ko sa kung anu-anong events..maganda palang rason to touch base with your long lost friends ang paghahanap ng bagong trabaho..kaya eto..naimbitahan ako umattend ng reunion sa aking finishing school..yung isang friend ko kasi na si Melanie e partner sa isang law firm na major sponsor kaya kailanagan nya punuin ang isang mesa sa Century Park Sheraton Hotel para hindi naman sya lugi...kaya last wednesday, dun ako rumampa..

at dito din sa event na ito, binigyan ng honorary law degree si Kapitan Lucio Tan..sayang lang at wala si kapitan nung gabing iyun at asa china daw..e di sana dumeretcho ako sa kanya ng abot ng resume..

e syempre puro jutatans ang ma andun..wala naman ako ka batch..(well okey lang yun at least wala naghambog dat night)

at since ang mga na ka table namin e batch '83 pa nagsi pag gradweyt..umasa pa ba ako na me ka wavelenght ako dito?

ang emcee for da night e si pinky marquez..syempre ang mga songs..di ko circa..pero in fairness keri nya ang role..alive na alive ang mga majojonda sa kanya..



ang aking friend and sponsor na si melanie..sub emcee sya for the night

kamuka ba ni sarah palin?


kaya umasa ako na bumawi na lang sa fud..kaso nga me mga ka table kami na wiz ko naman kilala..kaya eto ang aking mga na share...

chicken and corn soup


lemon chicken


alamond sansrival

masarap ang mga fud..kaya lang di ko nakunan ng pictures..kasi nga tinitingnan ako ng mga majojonda kung bakit ko kinununan ng picture ang mga kakainin ko..kaya tinigilan ko na at ayoko mag explain...plus di ko naman dala ang digicam ko kaya camera ni L ang gamit ko kaya mapula ang picture.me sore eyes ata ang kumukuha


hay naku, ni hindi naman ako nanalo sa raffle..kasi ang prizes e pinamigay na ni pinky sa mga nag back up singers sa kanya..

di bale..i'm sure magiging winner din ako one of these days..

Thursday, November 20, 2008

WANTED: Bagong boss

yes, hindi ko na matagalan ang torre...matagal na rin akong nagtitiis sa mga kababawan nila..pero sa hirap ng panahon ngayon kailangan magtiyaga at magtiis..pero kanina matapos ko makatanggap ng anoder panlalait mula sa aking 'bisor na payaso sa torre, napagmuni-muni ko na di worth it na magpakabulok ako sa pagtunganga duon..

kaya..hello jobstreet agen..update ng resume at rampa ever sa mga events..pag sumikat ako, babalik ako sa torre at mag dedeclare.."big mistake! huge!!"

Wednesday, November 19, 2008

Persian Cuisine

Since mahilig ako sa mediterenean fud, na intriga ako sa bagong restaurant sa corner ng e.rodriquez ave at timog..kasi ang pangalan nito e "PERSIAN CUISINE"

eto ng kanilang Menu..

nagulat ako kasi ang mura ng pagkain..


kaya naman pala..kasi wa naman appeal ang fud ng dumating sa aming mesa


beef kebab



chicken kebab, grilled tomato n onion


beef n tomato


nan bread

basmati rice

grilled fish


mejo madami na rin ang kumakain dito..pero i think nde ako babalik dito..kasi parang kulang sya sa lasa ng mediterenean fud..natakot nga ako dun sa yogurt nila e..iba kasi itsura..parang vicks vaporub na hinaluan ng almirol

Tuesday, November 18, 2008

Ang EB of the century (or, ang pinakamahal na tokwa sa balat ng lupa)

So after how many years e nagka ayusan din ng schedule ang mga bisi-bisihan kong dating kaklase sa finishing school..

since nung oktubre pa plano magkita-kita na hindi naganap..double double bertdey celebration (2 from october at 2 from november) na ito ng mga october at november celebrants..at since november celebrant ako, pinangako ko na maglalaglag ako ng P500.oo por dis eport.

ang unang plano na pagtatagpuan e sa TABU's bar kasi ito daw e tambayan ng mga brazilian model pag thursday night..o sha..kahit tubig na lang ang inumin namin, mabubusog naman siguro ang mga mata namin sa sights ng mga models from brazil..e kaso yung isang kaklase namin na si C, (na by the way e PARTNER sa ACCra, remember this info at relevant ito later) e nagsabi na di sya pwede ng thursday kaya sa Friday na lang daw. e kaso, wala naman brazilian model pag friday night sa tabu kaya sa Jaymi's Grill along pasay road kami napadpad..magpapakabusog na lang kami sa fud at hindi na sa sight...

konti lang ang napicturan ko kasi ang bibilis ng mga tinidor nila...
pancit canton, syempre meron nag bertdey dapat me pa canton

crispy pata..na di ko natikman, buti na lang na record for posterity


sizzling sisig..di ko rin natikman ito kase nga vegetarian na ako


tuna sisig..ako lang ang nag tiyaga dito

ang pinakamahal na towa sa balat ng lupa

sa pagtitipong ito..dumating si o (na kabertdey ko..pramis same date en ol), si x at y (si x bertdey nung october), si L, si C(na october celebrant), si M at asawang si B, si V, na isa nang ganap na embalsamador (tru ito, dun sya work sa me online lamay promo), at ang matagal na nawala sa sirkulasyon na si Melanie..

since mejo me tama pa rin ako nung mga panahon na iyon, di ako masyado nakabangka..at sa sobrang haba ng mesa, hindi ko naabot ang ibang fud..i'm sure marami pa na order ang hindi man lang umabot sa kabilang dulo ko..kaya nga por the whole evening, tokwa lang ang nginunguya ko...

ang mga boys walang kiber sa pag order ng beer, me bago kasi produkto ang san miguel ung kulay green na beer..sori di ko napicturean kasi ang bibilis tumunga ng mga bwiset..e ilan kaya yung umoorder..kaya tinigilan ko na magbilang..

tapos, naghalo-halo pa for dessert...

kaya sa pagtatapos ng gabi, ang damage sa bulsa ko e P1,250.00..dito lang talaga ako nakapagbayad ng mahigit isang libo for pritong tokwa..pagkatapos itong si C, nuknukan ng kunat..pati yung pang tip sa waiters e hinarbat..nagpalwal pa tuloy si Y ng pang tip e di naman sya me bertdey..

Sunday, November 16, 2008

anoder blind item

tingnan ko kung mahulaan nyo ito..

ito ang perks ng pagtatrabaho sa torre..me kasamahan kasi ako na tower guard na me inside info sa mga showbiz happening..so let's see

1. sino itong anak ng sikat na sikat (as in sikat talaga) na singer/actress sa isang comebacking aktor/songer (e me album din ang kuya ko!) na nag declare na "i hate my mom" sa kanyang best friend? kasi for all the mom-daughter loving we see on tv, hindi naman ito totoo in real life?

2. sino itong former child aktress na ngayun e tv host na dapat e ikakasal na sa kanyang boyfriend na pumasa na sa bar kaso na unsiyami ang kasalan at mukang wala nang kasalang magaganap? hay, bakit? ang dahilan (daw) ay because si former child aktress will not be able to bear the husband to be a child of their own kasi madami na sya naging anak sa kanyang husband no.2 ..hay..me ganun palang factor

o sya dalawa muna..saka na lang ang da rest

Saturday, November 15, 2008

The Burger Series 3

Myron's Place, Black n Blue Burger

Inorder ko ang pinagmamalaki ng Myron's na black n blue burger..apparently kaya ito tinawag na black n blue dahil ito ay made of black angus with blue cheese..


Presentation: aba ipalaman ba ang onion rings inside the burger to create height?

eto lang sya achulindi impressive anu?

Taste: mejo dry itech.napabayaan ata sa grill...mas masarap pa ang jack daniel's burger..

Price: P450.00 itey..but then maganda ang kanilang fork n knife kaya i was able to eat this burger in a sosi way..

Verdict: di ko na uulitin ito, kahit me iba pang sponsor.. sa halagang 450 e mahigit isang kilo na ng beef short ribs ang nabili ko at magagawang korean beef stew.

Friday, November 14, 2008

the Eye Ball of the century

Hayan, mamya ang super dupper EB of the century naming mga friendship from finishing school.nag leave nga ako kahapon from work para maka fully recover ako e.. e since apat ang nag celebrate ng bertdey, kanya-kanyang patak ito..umasa naman sila na maglalaglag ako more than P500.00..mahirap ata ang buhay ngayon..

e tutal sila puro winner na sila..unlike me, i'm just a poor boy from a poor family...

hanggang ngaun nga e nakatunganga pa rin ako sa kawalan di ba? pero pasasaan ba at maayos ko rin ang buhay ko..sisikatsupoy din ako...kung san larangan yun ang tanung..

Thursday, November 13, 2008

I am sick

Ayan, me sakit na naman ako...as a result two times ako absent from my yoga class...na penalty clause tuloy ako...siguro napagod ako sa pagrampa nung sabado..kasi naman umaga pa lang wala na ako sa bahay at nagpatingin ako sa St. Lukes ng aking mga beautiful eyes..madalas kasi ako nahihilo lately..at nasusuka..sa gabi..kaya feeling ko baka tumaas na ang grado ng mga mata ko kasi for da longest time e di na ako wear ng corrective glasses..

syempre, dun lang naman ako sa mamahaling doktor nagpupunta at dun sa mahal din mag reseta..kaya nga sa st. lukes ako napunta this time..aba pag dating ko dun e andun ang news crew ng channel 7..i cover ba pati eye exam ko??

heniwey..ang daming test ang ginawa ni dok..pinabasa ang eye chart, tinakpan ang mata ko, nilagyan ng salamin, pintay ang ilaw, sinundot yung mata ko, nilagyan ng anasthesia, pinatakan ng kung anu agen, me pinabasa na letters, pagkatapos nun sinabi nya sa akin na me grado ang mata ko pero pwede naman daw ako di mag salamin..ang talent fee nya, 700! nak nang pating! sasabihin lang pala na pwede ko di magsalamin e di sana ako na lang nagbayad sa sarili ko kasi pwede ko rin sabihin yun sa akin..mali talaga ako ng tinapos na aralin..according to him, ang pakahilo daw ay usually 10% lang based on poor or damaged eye sight, so good luck to me to find out the 90%..buset..ay meron pa pala sya sinabi na di rin naman talaga helpful..may abnormality daw ako sa aking mga tear ducts kaya i am not producing much tears..a doc, ibig sabihin ba nun, nde ako iyakin? so at least na explain ang pagiging bato ko..

hala, after st. lukes, rampa me ever sa makati para mamili na sa rustans para panregalo sa mga kids sa pasko..sus me, christmas rush na ata kasi ang haba na ng pila ng gift wrapping sa rustans..buti na lang me mga kasama ako na naghihintay para sa mga pinamili ko sa kids section..at buti na lang e mga upuan na provided..so habang waiting period kami, nadiscuss namin ang pagatras ng demanda ni jobert sucaldito kay gabby concepcion at aming ina nalyze kung ano ang consideration therefor..hanggang sa umabot ang usapan sa mating habits ng mga kafatid sa pananamplataya..kung paano ito inuumpisahan at tinatapos..only to realize na me mga bata nga pala na naglalaro within hearing distance namin..e so? kiber...

so, ayan, kaya siguro ako nagkasakit ngayun..kasi yung mga bata dun e puro sinisipon..mahina pa naman resistensya ko sa virus..tapos nagpunta pa ako ng lamay at napuyat..onnli to wake up earli agen kasi me bertdey party ako na kailangan puntahan..hay my life...sometimes, 24 hours is not enuf.

Wednesday, November 12, 2008

Ang lamay

Last Friday e nakatanggap ako ng text from a far away kamag anak (in a literal and figurative sense) na na dedbols na daw ang kanyang fadir. hindi ko naman alam kung paano sasagutin ang kanyang text so deadma na lang me. kaso si inay, gusto pumunta kaya ang sbi ko over the weekend na lang..ang layo kaya ng paranaque sa malabon. naisip ko din naman pag namamasko ako non dun sa tiyuhin ko na iyon e palaging 100 pesos ang bigay sa akin nun..at dat time e mahal pa ang piso..

achuli, ang decedent e asawa ng pinsan ng lola ko..so di bah medyo me kalayuan na ang aming relationship? kaya kahit sana absent ako sa lamay nya e siguro di naman ito magiging point against me..si inay lang naman ang palaging gusto present sa mga famili gatherings kasi wala na nga daw kamag anak si itay e hindi pa namin i nurture ang kung anu man ang natitira..si inay kasi e galing from a big clan (e 12 kaya sila magkakapatid) samantalang si itay e onli child kaya me sariling mundo yun. eniwey, ito ang adventure going to funeraria paz sa sucat..

ang aming eta from malabon e 7:30pm kaso since ako e me lakad pa at magmumula pa sa makati, 8PM na kami nakaalis.. buti na lang hindi ako ang nagmaneho going to paranaque at iniutos ko na lang. pakapagod ba ko? dumating kami ng mag 9Pm na, inabutan namin ang "service" for the dead. kasi si uncle including his children e nag convert na to born again..wit na ako comment about da service ha..dun na lang sa mga faraway kamag anak ko .

after the service, may i spluck si pinsan dahil nga last lamay na. ang contents ng kanyang speech, puro about fud kesyo me fud at the back sa mga gusto kumain at sa mga makikipaglibing kinabukasan, me ginawa daw sila arrangement para sa early lunch..kuya, pasalamatan mu kaya kami na binrave ang ulan ang traffik para lang makapunta di to?
syempre, dahil di naman kami masyado nagkakakitaan na magkakamag anak kaya panay ang batian, sikat si inay kasi kadadating lang nya from US..at si lola, from her small bag e nakapagproduce ng pashmina, nakarating na daw kasi sya dito kaya alam nya maginaw.

ang hirap lang pag ganitong "family reunion" at alam nang lahat kung ano ang trabaho mo, lahat sila e nagtatanong at gustong makalibre ng opinyon..pwede ba..isa akong gwardiya sa torrre hindi solusyon sa lahat ng problema ng sankatauhan...por dyos por santo..hindi ko alam kung paano hihingan ng suporta ang asawa na lumayas, hindi ko alam kung paano ibebenta ang lupa na wala sa pangalan ng nagbebenta at lalong hindi ko alam kung me makukuha akong mana sa namatay. for ol i care, baka mas mayaman pa ko sa kanya, choz! yung isang tiyahin ko naman, palit-ulit na sinasabi na madumi daw ang water dispenser at dapat i tapon na ang lalagyan ng tubig, yung tiyuhin ko naman defensive at sinasabi na provided daw kasi nung funeraria yun kaya wala sila choice..e daig pa ng tiyahin ko ang me alheimer na paulit-ulit na sinasabi yun kaya nung 5th time nya ulitin ang kanyang spiel, sinabi ko sa kanya na zesto na lang ang inumin nya.

hay, after one hour, nag aya na ako umuwi kasi di ko na talaga matagalan makipag plastikan. although for a last lamay, hindi ito masyadong hit kasi hindi man lang nangalahati ang laman ng chapel..and to think na me libreng fud ha...hay, at least pag namatay ako, i'm sure, blackbuster ang aking wake. ke me fud o wala.

Tuesday, November 11, 2008

Yoga Bongga

(my yoga mat, da oder pink with yellow crocs)

May isa ako kasamahan dati sa pabrika na tinalikuran na ang kanyang sinumpaang tungkulin at naging ganap na yoga instructor na lamang.

Since matagal ko naman gusto ma magkaron ng stress free life at to complement my being a vegetarian e nag sign up ako for classes with her together with oder friends..

kaya since october e nag tu twist and turn na ang aking mga kalamnam with matching quads exercises, squats and tsubalu ever.. na hindi ko pa rin alam kung saan ko magagamit

kaya, paalala sa mga gustong magpa book sa akin, every monday and wednesday, busy po ako sa gabi dahil ako e nag yoyoga..

Sunday, November 9, 2008

Post bertdey celeb

Since nagbigay ng katiting na 13th mo. pay sa torre, e napagpasyahan ko na mag karoon ng post bertdey celebration with friends..grabe sa dami ng friends and fans by batch ang aking paglabas..kaya up to december, sori po at busy ako..

sa myron's place, greenbelt 5 kami napadpad..tutal nagustuhan naman namin ang pagkain nuon sa rockwell..

sosyal talaga ang place...kaso naunsiyami ang plano ko na magkaron ng photo session sa mga greenery dahil bumuos ang malakas na ulan..palagi na lang yan ulan na iyan, sagabal sa lahat ng bertdey celebration ko..hindi nga ako nakapag debut nun dahil me bagyo..


eniwey..for starters, umorder kami ng beef wagyu salpicao at oyster sampler..tapos me libre pala ditong katiting na tinapay..


ang masasabi ko lang, bakit ba ang hilig nila kabitan ng definition na "wagyu" ang mga beef e muka naman batangas karne lang ito?

tapos kanya -kanyang order ng main dish

grilled lamb mediterenean


red curry soft shel crab

at salmon watever


for dessert, nag vanila bean mango panacota ako

winner itey..


so sa mga inaanak ko..wag na kayo umasa sa pasko ha..kasi mukang wala nang susunod na 14th mo pay..

Friday, November 7, 2008

Upcoming Project


iniisip ko pa kung magandang i project na manuod ng concert na ito sa PICC. according to ticketworld ang cast of characters ay sina rico puno, nonoy zuniga, claire dela fuente(!), eva eugenio at ..joey albert (!!!!)

nung kasi nanuod kami ng concert ni joey albert sa music museum gusto ako patayin ng mga kasama ko kasi dun ko sila sa upong jeep pinaupo..e dito naman sa PICC, reserved seating naman lahat..so baka pwede dun na kami sa may kisame..kaso Dec. 30 ito nakaskejul..baka sarado ang luneta dahil rizal day..mahirap naman maglakad from luneta to PICC