Saturday, October 25, 2008

Masterclass, La Divina

Winner ang Cherrie Gil!




last friday e watch kami ng Masterclass starring ang ultimate antipatika diva Cherrie Gil sa RCBC Theater sa Makati..

syempre may mga last minute changes kasi dapat Saturday kami naka skejul manuod, e si L me appointment daw sa Sabado sa mananahi ng kanyang gown kasi me wedding daw sya na pupuntahan sa November 8..(gud luk na matapos on time ang gown, anong araw na ba?). kaya fly ako agad sa ticketworld to buy tickets for the Oct. 24 screening. at in furness, ang tiket na buy ko dapat e yung mamahalin na tig 1,000 pesos kasi feeling ko papatayin na ako ng mga kasama ko kung ilagay ko sila sa kisame ng RCBC..e kaso sold out ang mamahaling tikets.. settle ako for loge na worth 600 pesos..

ay haba ng pila..pila kami sa madaming bagets na naka line up, buti na lang napagtagni-tagni ko na hindi ito ang pila ng Masterclass..kasi naman..mag skejul ba ng sabay na event.. apparently, dun kami dapat pumila sa madaming jutatans..

pagdating dun, syempre las row na kami..tapos ang katabi ko pa e mukang bagong mag jowa na nagdedate..di ko feel ang boylet kasi nagmamarunong ito..nilelecture-an nya ang girlalu sa life and times ni callas with matching side comments and opinion ito..hmmm..gerl, shure ka ba sa jowa mo? at saka, feeling nya talaga me autority sya, pati seating arrangement pinakikialaman nya..according to him, pag di daw napuno ang seats pwede sila lumipat in front. hoy, ako ang may plano nyan.

syempre tagal namin wait..until dumating ang isang expat na me natagpuang kakilala..ay napuno ang section ng kanilang kumustahan, complete with "ooww, you have a ring already!" e nung tiningnan ko naman ang kausap, day, mukang matanda pa sa inay ko..e dapat lang me ring na sya..ako nga me college ring din e..dalawa pa.

nung pinatay na ang ilaw, hindi pa nagdatingan ang mga nagbilihan ng tiket para sa harap na upuan, so kinausap ni L ang usher at ask kung pwede kami lumipat..ok lang daw..winner ang mga seats namin kasi asa unahan row na kami..wala ng obstruction sa aking line of sight at wala ng boyfrend na katabi na nagmamagaling.

Grabe, ang play ay nag start at around 8:15PM at nagtapos ng 10:30PM..with an intermission of 15 mins..paano kaya nakabisa ni Cherrie ang lines considering na parang monologue na ito..siguro nag horde sya ng glutaphos at enervon prime, kasi wala sya senior moment! imagine, in almost 2 hrs of speaking 4 times ang sya nagbakel!! winner ang mga linya! achuli, pati nga ako e natakot sa kanyang paninigaw...feel ko na ako e isang estudyante na kanyang binubulyawan..magagaling din ang kanyang mga student except for the guy who played a tenor..3 times sya nagflat..

Sobra! ang galing talaga ni Cherrie Gil dito..over ang diction, pati accent! Kaya nga nagtataka ako, bakit hindi si Lavina Arguelles ang sumikat at nagsettle ang mga pinoy ke dorina pineda?





No comments: