the pre-departure adventure
so dahil 5AM ang flight ko, 2am pa lang ay nagising na ako at inunahan ko gumising ang alarm clock ko sa takot na maiwan ako ng eroplano..ayun, pagdating ko dun, hindi pa nag uumpisa ang boarding..the night before e pinul charge ko ang aking ipod video para di ako ma bore sa paghihintay...first time ko pa naman to travel alone....kaya after ko makuha ang aking boarding pass, e nag settle ako sa isang upuan na malapit sa boarding gate .me katabi ako gel..since alone nga ako, smile-smile lang me at the people around me..si gel akala siguro ms. congeniality ako, nakipag usap at tinanong kong san ako pupunta...heloo, slow ito..di ba malapit kami sa boarding gate na nakalagay zamboanga?? e since di naman ako pwede mag taray..sabi ko sa "zamboanga"..tapos nun tinanung nya kung tausug ako..wat??muka ba akong minority? muka akong minor yes..minority.hmmm, ndi ata...tapos ask nya kung ano gagawin ko sa zamboanga..sabi ko aatend ako ng kasal...ang sagot nya..me kinakasal pala sa zamboanga..hay!! san yungib ito nakatira??
kaya inilabas ko na ang aking ipo at na nuod ng video ng concert ng aking alternate diva na si celine dion.
after a few moments, yung gel na katabi ko e nag lean towads me..akala ko me sasabihin, yun pala ito, "pwede makinuod?" e di sige, nuod..nilayo ko sa akin ang ipod para makita naman nya ang performance ni celine..a few moments lang e.."pwede pahiram ng earphone?pramis di ko ilalagay sa tenga ko kasi malakas naman yung tunog." so kung ikaw ang nasa kalagayan ko..ano ang gagawin mo? at that moment iniisip ko kung san ko nilagay ang alcohol ko...putcha..wala nga pala ako dala kasi bawal ang liquids sa airport!!! sino bang kuni-kuni ang nag utos na bawal magdala ng alcohol sa mga hand carry??
eniwey, nung french song na ang kinakanta ni celine, e di na nya natagalan kaya lumayo na sya sa akin..but not after asking "ano cellphone mo?"
ang sagot ko.."motorola" ....bigay ko ba number ko?? e kung makidap ako sa zamboanga?
No comments:
Post a Comment