Matagal na ako na sasabihan na itry ang PepperLunch sa Rockwell. Nung unang attemp namin na kumain dito, pagkahaba ng pila..gutom na ako kaya wiz ko pinagtiyagaan mag intay..
pagkatapos nun, ang mga plano naman na kumain dito e palaging di natutuloy dahil ang usapan na lunch e palaging na rereset to dinner..e baka di na open ito kung gabi..kasi PepperLunch ang pangalan..ndi naman PepperDinner e..
so recently, I found a sponsor..(syempre..kailangan me sponsor lagi, sa hirap ng buhay ngayon kailangan maabilidad..buti na lang marunong ako mangalakal ng laman) eniwey..so eto mga naorder namin...
ang reaksyon ko lang: bakit ang daming pumipila dinesch??
unang una-mahal sya..(sabi ni sponsor..pay for freshness) true naman, fresh ang ingredients..hindi naman malansa ang manok at salmon..ang toge e yung imported (ata) at hindi mukang local munggo na binabad sa tubig..feeling ko yung binayad ko sa aking order, sweldo na ng dalawang crew
pangalawa: wiz naman sya super dupper to the max masarap..(siguro na up lang ang aking expectations dahil nga recommended ito) para lang sya ordinary Japanese restorant fud turned main stream...actuali isang kulo lang ang lamang nito sa UCC..kung wala itong special sauces na nasa table..wiz ito lasa...
pangatlo: at bakit ako pa ang magtutuloy ng pagluluto nito? sa mahal ng bayad dito, utusan pa ba ako mag gisa? e kung pwede nga lang yung bayad dito kasama na parking e.. at apurahin ba ako??
pangapat: since ang gimik ng restaurant na ito ay finis da cooking at your table, may mga patented sizling plate sila kaya daig pa ang may fog machine sa loob ng restaurant.. buti na lang maaga pa nung pumasok kami kaya wala pa customers ergo wala pa gaano usok..but just the same, nag amoy ulam pa rin ako pag labas..buti na lang wala ako date pagkatapos, kung hindi nakakahiya..amoy sibuyas ako after...eto pa naman ang hate ko sa mga restaurant, yung paglabas mo e alam ng madlang pipol kung ano ang inorder mo
disappointed kami dito..ito lang ang restaurant na habang kumakain kami e pinaguusapan na namin kung paano namin pabababain ang aming kinain para pwede na kami kumain ulit sa iba..sana nag Myron's na lang kami..for the same price, hindi naman ako inutusan mag gisa at my table..
No comments:
Post a Comment