Tuesday, October 21, 2008

The Zamboanga Adventure 2

the airplane

since traveling alone ako, hindi ko nasabi na ayoko ng malapit sa likod ng eroplano (kasi di ko role mag check in) kaya hayun, seat 26 C ako..2 seats away from the pinto at the back of the plane..at malapit sa cr..pweh.

buti na lang aisle seat..masaya na sana ako kasi bakante ang upuan sa gitna..i celebrated too soon..puno ang eroplano at sa kinasamang palad, ang katabi ko e mukang nag intay ng flight sa agogo banana kasi amoy alkohol ito..di pa nga nakaka take off ang eroplano, humihilik na..hay life.

the arrival
achuli, hindi ito ang first time ko sa zamboanga..kaya lang disappointed ako pag baba ko ng eroplano..wala man lang red carpet at banda to welcome me..hay..

the make-up scene
since ang aking friendship e asawa ng kapatid ng groom, kailangan bongga sya sa presentation lalo na sa pictorial..so, alas 9 pa lang e me kumakatok nang bading sa aming hotel room para sya ay ayusan..hmm, before sya umpisahan i make over, napansin ko lang na nagsubo muna ito ng juicy fruit gum..bakit kaya?ganun ba ang ritual sa mga malayung probinsya??
at since hindi naman masyado prepared si friendship for the wedding, ang nadala lang nya from manila e ang kanyang clarins make-up set at hair iron..naiwan nya ang ever trusted mous or gel..but then, wag daw mag worry sabi ni bading..me aqua net sya!! hay..me stock pa pala ng ganun sa zamboanga!! i swear, lumaki ang butas ng ng ozone layer by 3 km radius nung araw na iyun.


the wedding scene

di ba nga ang dahilan ng pagpunta ko sa zamboanga ay para umattend ng wedding kung saan ang aking role e magbasa ng prayers of the faithful..ewan ko nga ba kung bakit me role pa ako noh, wala naman talent fi.

so, ang kasal ay scheduled for 2PM..wag nyo itanung why da time..its written in the fung shui, buti na lang malapit lang ang simbahan from the hotel where I was billeted. dun lang talaga ako nakakita ng simbahan na ang security guards e naka fatigue..apparently, army sila at hindi simpleng blue guards..buti na lang din, aircon ang simbahan kasi napaka init..achuli, pag balik ko ng manila, umitim ako..

okay naman sana ang ceremony..mejo disappointed lang ako kasi di ako kasama na pinalakad sa aisle..sayang ang gown ko by anne klein..

hindi naman ako nag bakel sa pag basa..kaso, nung kumanta na ang rented choir..hirap ako magpigil ng tawa..e kasi ba naman ang kanta ni martin nievera ay naging "flowers for you on dis labli evening......you are da one, da onli one dat i desire....each day wid yu becoms a valen-tine" "valen-tine" pre, yu put da em pha sis on da wrong sy la bol.

the pre-reception preparation
since ang reception is at 7PM pa, retreat to the hotel room kami ni friendship..nakatulog nga ako at nang magising e 5PM na. e kailangan ko pa magpalit ng gown kasi pinawisan na yung una..si friendship din nag palit ng gown, yung mas maganda at bongga..kaso wala na ang bading na mag reretouch sa kanyang mek ap..at sabi ko rin na i straight na lang ang hair nya kasi halos lahat ng gel sa wedding e naka dyesebel look..kaya, at 5:30 Pm, nadiscover ko ang aking talent for hair and make up..kaya ko naman pala mag straight ng hair, basta mainit ang pamplantsa.


the reception
akala ko mag i istart on time ang lafangan..apparently, universsal rule ang late magpakain ng guests..wala man lang chips to munch on...puro mani..mani..at mani..e kaso inuubo ako noh kaya di ako pwede kumain ng mani..kawawa naman me, ang huling kain ko e nung 11:30 AM, ng isang hamburger na lasang gawa sa longganisa..
grabe ang ballroom..na accomodate nya ang600 guests, nirerepresent ata ng mga guests ang every barangay e..10 ang litson..at 6 ang buffet table..iba pa dun ang mga special table for the special guests (ahem..)..ilang poltrihan at bakahan kaya ang nagsara for that celebration..

syempre, di mawawala ang banda..na hindi ko alam kung ano ang gamit na instrumento kasi tunog busina ng jeep..

at bakit ba kailangan mag table hopping ang bride and groom? san ba nanggaling ang pa uso na ito?

last guest standing
nangyari na ba sa iyo na ikaw na lang ang maiwan sa venue ng reception??yung tipong nag uwian na lahat at ang naiwan na lang ay ang mga janitors and janitess na nagliligpit ng kalat..yung tipong nauna pa nakaligpit at nakauwi ang waiters sa reception??
ako oo..by
some twist of fate..naiwan kami without a ride to go back sa hotel...alangan naman mag tricycle kami (note: walang taxi sa zamboanga!!) e naka gown kami di ba?? naiwan naman kami ng bridal car at siguro naman kalabisan na makisakay kami dun..e yung nga lang mga regalo di pa magkasya dun..buti na lang bayad na ang reception..kung hindi baka naghuhugas pa rin kami ng pinggan hanggang nagyon

No comments: