Friday, October 3, 2008

St. Therese Feast Day


Since di neclare na piyseta opisyal ang October 1 to celebrate the feast of ramadan, napagkasunduan namin ng friend ko from opus dei (yes, may mga connect ako from the elite echelons of the religious sector) na pumunta sa celebration ng feast day ni st. therese of the child jesus sa carmelite chapel sa may gilmore, malapit sa bilihan ng mga computer. kung di aware ang pupunta rito, malamang malampasan kasi surrounded ito by a concrete wall na walang character..sabi ng aking friend na si s, after the 6PM mass there will be a showering of rose petals ...since hindi ko naman ma eexperience ang ma showeran ng bigas..the rose petals will do. sa adventure na ito ay kasama ko ang mga friendship na si z at g, samantalang si s at kasama ang friends nyang si e at j, na friends ko rin.

according to the grapevine, kailangan maaga ako pumunta kasi nagkakaubusan daw ng parking at maraming tao talaga ang pumumunta dito, lalo na at me buffet offering after the mass for the madlang pipol sponsored by no other than tito danding (cojuangco)... kaya 5PM pa lang e nagpapark na ako sa labas ng kalsada papuntang greenhills.

true enough, madami na nga tao sa loob, buti na lang andun na si s with e at nakapag reserve na ng precious seats..kaso..yung seat na pwede pa kami umupo ay may naka upo nang peasant mother at peasant child..hay..repeat performance ba ito ng aking blog entry nuong isang linggo??eniwey..s offered na mag seat na lang ako with them since kailangan ng mag rereserve ng seat for j na nawawala pa sa SM sta. mesa...sina z at g e nalipat sa upuan na malapit sa bentilador.

madaling napuno ang chapel, with all the donyas and don of new manila..including their respective yayas..tapos, before the mass may dress rehersal for the communion pila..yung mga nasa likod daw ang unang pipila for the communion..thankful ako kasi although sa last row kami nakaupo, me linya ng monoblock chairs sa likod namin ng mga sisters kaya sila una..ang laking pressure kasi nakakatakot si general na nag uutos kung kailang tatayo para sa communion. sabi nga ni e, buti na lang daw di sya nakapagkumpisal..di daw sya kasali sa pressure ng falling in line later on.

since malapit na mag 6PM, at wala na nga upuan, madami, as in madami, ang nag aatempt na umupo sa seat na inireserve namin para kay j..may bata, matanda, donya,don..kaso si s ayaw talaga bitawan ang seat space..dadating na daw si j..

maya-maya nag text si j.."i am here at the center pew, tapos na ang rosario at agelus.asan kayo? i'm wearing blue shirt"...nye..anu ito eyeball?? wala naman center pew ang chapel..sabi na nga ba maliligaw ang batang ito..apparently sa Mt. Carmel sya hinatid ng taxi..so advise namin sya to take a cab to gilmore...awa ng jus, nag umpisa na ang parada ng mga pari, wala pa sya..

....maganda ang mass..very serene at peaceful..ang music e provided by an all male jesuit choir..at ang mass ay officiated by the papal nuncio himself..ang daming imported na pari..papapicture sana ako kasi the papal nuncio is the closest thing to the pope na pwede ko mareach kaso ang daming tao..

....nung offertory na..nagkadilema ako kasi wala sa akin ang wallet ko (chos!) kaya wala ako pang offer..tapos nakita ko yung donya across me na nagbigay lang ng 20 pesos sa basket..aba, e di ok lang pala na ganun din ibigay ko..e yun nga ubod na ng yaman..tadtad ng alahas at with matching yaya in tow, 20 pesos lang ang bigay..e di lalo naman ako na isang simpleng mayaman lang?(ahem.)....at saka ang yaya nya ang katabi nung peasant mother and child mentioned kanina..sus, e during the whole mass, nakatakip ng panyo ang ilong..o di ba..ang langaw nga naman..kaya, hindi na ako masyado guilty for my earlier post..

..nung matapos na ang mass, meron na naman instruction kung paano pwede lumapit sa altar at ang systema sa pag bibigay ng bulaklak..apparently wala na shower of petals, give na lang nila ang flowers directly to the pipol..inuna nila ang mga taong asa labas ng simbahan at mga nakatayo..obviously ito ang mga nahuli sa celebration..binigyan nila ng meaning ang biblical saying na those who are last will be first...at dito na lang din dumating si j na naglakad pala mula sa Mt. carmel..me nagsabi daw kasi sa kanya na pwede lakarin ang layo..actuali, pwede naman kasi isang station lang naman ng LRT ang layu nun e..at isang tricyle ride..
...nung turn na namin, i was given ng white rose..uyy..mukang matutupad ang hiniling ko a..kasi sabi ko ang puting rosas ay magiing simbolo ng pagtupad ng aking panaangin..sa tropa namin, ako lang at si s ang nabigyan ng puting bulaklak..so ngayon, ang drama ko na lang ay maghintay..at maghintay... at maghintay..

No comments: