Friday, October 30, 2009

an EDSA/MMDA adventure

kanina saksakan ng trafik sa EDSA..syempre pa, dineclare ba naman na Signal No.3 tapos umpisa pa ng three day weekend, samahan pa ng sale sa MEgamall at Galleria..e sigurado naman na karambola ang karsada..

so kanina paglabas ko ng EDSA matapos ko lumusot from Megamall, hindi ako agad makasingit sa left lane kasi yung mga kiningkinang mga sasakyan e ayaw magpasingit.. e since maluwag naman ang bus lane e di dineretso ko sa kanan na.. hayun..after dalawang dipa e pinahinto ako at kinawayan ng MMDA..syempre pa..aba matapang itesh, kahit me LIAR vanity plate este commerorative plate pala ako e pinahinto ako..e di eto ang aming conversation:

MMDA: Mam, e solid line ho ito..bawal ang private cars dito..
AKO: e ayaw naman ako palipatin nung mga sasakyan sa kaliwa, nakita mo naman di ba?
MMDA: hindi mam, nakaclear na kayo e.. pahingi po ng lisensya..
AKO: sandali..(at ginives ko ang lisensya)
MMDA: mam, yun pong sticker para sa commemorative plate nyo po?
AKO: andito, sa compartment
MMDA: e dapat po nakadikit yun sa windshield..e yun pong parang cardboard.?
AKO: hindi ko dinidikit e, masisira yung tint ko..(with matching close up smile ito) at saka yung cardboard andito lang yun somewhere
MMDA: e mam expired na po yung plate nyo since May (sabay hugot sa xerox copy ng isang Memorandum ek ek listing ng mga expired commemorative plates)
AKO: e hindi kasi ako marunung magtanggal nung plate.. kasi nag resign yung driver ko (smile smile ulit)
MMDA: e mam kukunin ko na ho yung lisensya nyo, pakitubos na lang sa MMDA office ekeke
AKO: (without showing any panic and with a smile pa rin take note) e bakit naman? pareho naman tayo nasa gobyerno..sige okay lang, di ko na lang paparelease ang bonus nyo..(take note, nyo..hindi nya)
MMDA: (mukang nagulat) e wag naman mam.. e taga saan ho ba kayo?
AKO: ayan o, asa calling card ko..di ba? ano nakalagay? gusto mo ID ko?
MMDA: ay kayo ba ito mam? pasensya na po ha..e kailan ho ba mare release ang bonus?
AKO: e di ba kaka release lang? (bluff ito..malay ko ba na meron nga)
MMDA: e sabi po calamity assistance yun e. saka mam, kakaregular ko lang nung June, me 13th month pay po ba ako?
AKO: buti pa kayo me calamity assistance..kami nga wala e. saka me makukuha ka na 13th month kaso di buong isang buwan..
MMDA: ay ganun po ba? sige mam, kahit wala na akong porsiyento sa inyo okay lang. five thousand kasi ang fine ng expired commemorative plate e..at saka mam, me asawa na ba kayo? ang ganda nyo kasi e..
AKO: wala, sayang ang ganda ko kung papatali ako sa isa..gudbye..

at yan ang aming dialogue..walang labis, walang kulang...sana ay may napulot kayong aral..hwag magpapanic paghinuli ng pulis..at mmda..smile..smile lang at sabihin na ipapahold nyo ang sweldo nila ..

1 comment:

Anonymous said...

hehehe nakapanggoyo ka na naman sister