Monday, October 12, 2009

Madonna Brava


Tinanghal sa Teatro Huseng Batute noong Oktobre 10, 2009.

Ang dula ay halaw sa isang play na sinulat ni Bertolt Brecht na may titulong Mother Courage. Pero since di ko naman alam ang kwento ni Brecht, kebs sa similarity at parallelism..

nag umpisa ang kwento sometime in the 1970s with an opening song by Madonna Brava selling her wares sa mga sundalo ng gobyerno fighting against the insurgents, at that time the bangsa moro army..(ata).. dito makikita si Madonna together with her children selling boots, food, shades (rayban -aviators pa!) rum and whatever sa kanilang tricyle na simbolo ng buhay nya [ang lahat ng mahalaga ay nanduon na- mga paninda na na pinakukunan ng ikabubuhay, mga anak at pagkain] sa tricycle na ito sila kumakain at natutulog..keri naman nila ala travelling gypsies..

tatlo ang anak ni Madonna, na puro panganay at iba-iba ang ethnicity ..ang panganay na si Naron ay nahikayat ng Kapitan ng army na jumoin after alukin ng pera (10T para lang sa enlistment!) pero later, makikita na sinusuportahan pa rin ni Madonna ang anak na ito kahit pa full time army member na..ang sumunod ay si Tam, na sumali rin sa Army bilang paymaster at si Natalia, ang kanyang anak na babae na mute. Ayon kay Madonna, napipi si Thalia nang makita nito kung paano marahas na patayin ang ama nito sa paghihinala ng mga militar na ito ay isang NPA (?)[may NPA ba sa Mindanao?]

nag progress ang dula, spanning 30 years (!) tungkol sa kwento ng digmaan sa mindanao between the government and the bangsa moro army then the MNLF hanggang sa masalimuot na peace process (na di rin naman natuloy)..at sa gitna ng digmaang ito (ang lalim..) ay patuloy na nagpupunyagi si Madonna kahit pa ideny niya ang identity ng kanyang anak na si Tam in order to save themselves..(nag intay nga ako na me tumilak na manok..but then wrong religion nga pala)

sad ending ito, kahit pa in the middle of the play ay gusto kong sumigaw at i root si Madonna na "fight! fight! fight!" pinakikita lamang na sa giyera walang winners, kahit pa ang mga taong supposedly ay nagbebenepisyo dito.."salamat sa korupsyon" ang battlecry..

Winner ang production..mula sa set design hanggang sa tricycle na di ko alam kung paano nakapasok sa stage..medyo kulang lang ang props na paninda sa aking paningin..kongratulations din sa mga musician/aktors na multi tasking ang role sa play na ito..aba mula sa pagtipa ng instrumento keri nila mag change costume in less than a minute to appear in the play itself..

at ano pa ba ang msasabi ko kay Reyna Shamaine? sus, flawless ang potrayal..pati diction..ni hindi sya tumanda samantalang dapat ang dula ay from 1970s to 2008..sige keri na kahit walang make-up..ay yes, naiyak ako ng kantahin na nya ang kanyang song when na ded na ang kanyang nalalabing anak na si Thalia.. pati nga si sir na katabi ko sa upuan ay naluha din..bwiset lang ang mga estudyanteng ni require ng kanilang mga skwelahan na manuod kasi wiz nila na feel ang anguish ng isang ina na namatayan ng anak.. aba sa halip na maawa e natawa pa ng magumpisa na si Madonna na kumanta using the word "meme" hmp..hmp..pag tumama talaga ako sa loto mapapatayo ako ng theatro na an pwede lang manuod yung gustong manuod at hindi dahil pinilit ng guro nila para may maisubmit na reaction paper..

at oo nga pala, nung mag uumpisa na ang palabas, me katabi akong bata.. siguro mga 7 years old yun.. sus ang ingay...kumakain sa loob at nung sitahin ng usher sumagot ng nagugutom daw sya.. at habang tumatakbo ang dula ay may running annotation ang kanyang inay..bakit kasi pinayagan pumasok ang bata na di pa naman nakakaintindi ng dula about war? hay.

No comments: