Wednesday, October 21, 2009
Flores Para Los Muertos
halaw sa dulang isinulat sa Ingles ni Tennesse Williams na may titulong " A Street Car named Desire", ang Flores para los Muertos ay isinalin sa filipino ni Orlando Nadres at idinirehe ni Floy Quintos with Tuxqs Rutaquio as set designer..
Ang role na Blanch Dubois ay ginampanan ni Eula Valdes at si Meryl Soriano naman ang gumanap na kapatid nya na si Stella Dubois...
ang dula ay naglalarawan ng Amerika circa 1940's tipong Scarlet o'hara gone with the wind drama ito
eniwy.. as always, efectiv si ateng eula sa role na Blanch..keri nya ang pagganap sa kakalokang papel na saint and virginal kuno in contrast sa kanyang dark and maruming past.. kaya pala mahilig syang maligo ng hot water..baka sakalin malinis nito ang kanyang nakaraan..
Neil Ryan Sese played the role od Stan, ang asawa ni Stella at dahilan ng tuluyang pagkapatid ng linya ng katinuan ni Blanch..me butt exposure ang kuya ko dito..in ferness, walang kamot..o nakuha sa make-up? o madilim? Mahusay naman ang potrayal ng kuya ko sa role na ginampanan ni Marlon Brando originally..
Naaliw naman ako dun sa gumanap sa role ni Mitch..ang ex-boyfrend ni Blanch na nag call off ng wedding nang malaman nito ang nakaraan ni Blanch..naman..kung ako sa kanya e keri ko na i snowfake ang past at maglook forward sa future..para kasing, me makukuha pa kaya sya na papatol sa kanya na kasing seksi ni eula given his physical attributes?
as for meryl soriano..parang pinilit na ilagay sya sa play.. hindi ba talaga afford si angel mga TP?
hindi natural ang dating ng kanyang arte at makikitang nag iintay sya ng kanyang cue.. that's entertainment ba ito teh? walang sisigaw ng "cut!".
ang set design ni tuxqs ay winner as ever..biglang nagkaroon ng bapor sa gitna ng entablado na ilang minuto lang e scene ng sayawan sa hardin with matching lights..kung paano nangyari yun..hindi ko alam..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment