Thursday, October 8, 2009

Picture taking

May picture taking na naman sa ofis.. kasi me nagresign na naman na EA (executive assistant to da amo)

parang every two months e me picture taking na nagaganap ...

parang walang nagtatagal na EA..e kasi naman, mahirap talaga magkaintindihan kapag ang amo at alipin e di pareho ng lenguahe...

ako nga me kasama na sign language, hirap pa rin umintindi...malapit na ako bumili ng filipino - korea dictionary...

pero ..isang tip...wag i aasume na hindi marunong magtagalog ang mga hitad.. most likely sa tagal na nila dito e nakakaintindi at marunong na sila magsalita ng tagalog

in ferness, me tinatago rin namang magandang ugali ang mga amo ko from the oder side of the world.. aba dahil sa bagyo e tatlong araw ako absent pero hindi ako binawasan ng sweldo at me pinanshal assistance pa na ibinigay sa lahat ng sinalanta ng baha at bagyo.. o di ba... me feelings din pala...kaya ngayon e me pambili na ako ng katol..dami kasi lamok dahil sa baha..

No comments: