at dahil nga bumibigat na naman ako...i resolved na maging regular na ang aking running habits..
e kaso, feeling ko kailangan ko ng ipod to be my companion sa aking daily run ..syempre iba naman yung me background music ka ng what a feeling by irene cara habang tumatakbo ka sa outside world.. at isa pa, since ang running adventure na ito e gagawin ko sa aming barrio.. kailangan ko i isolate ang aking sarili from the rest of the joggers..syempre..hindi mawawala ang mga fans na gusto makalapit sa idol di bah?
e hindi ko naman pwede gamitin na running equipment ang aking ipod kasi malaki iyon..hindi kakasya sa aking nike shoulder pocket patch na binili ko sa nike park for P615..pucha..kala ko ba mura ang running as a form of exercise? kaya i resolved to buy an mp3 player na pwede ko lagyan ng songs to inspire me in my running adventure..na hindi masakit sa bulsa
syempre ang pinakamalapit na bilihan ng murang gadget e ang St. Francis Square..aside from dvds e mapapakinabangan din an St. francis sa kun anu anung paninda...
aba..naikot ko ata ang buong lugar sa paghahanap ng murang mp3 player...
na set ang aking mind to get an ipod shufflelike..kasi yun ang pwede kumasya sa aking nike pouch..
so ang price e nag vavary from tindera to tindera.. me 1,000, me 900 me 700 for a 2gb player...bibigay na sana ako sa 650 pero naisipan ko limibot pa muli at mag scout.. ayun me nakila ako na pumayag sa 600.with 2 weeks warranty at with preloaded song na shalalalala.. so okay na yun for me ..kulay silver ang aking pinili..
kaya padating sa office, download ng music (weh..walang sumbungan ha) at load sa ipod shufflelike...
ayun.. pagdating sa bahay at i tinest ko ang aking ipod shufflelike.. eto ang aking discovery...after 2 songs.. i repeat 2 songs.. bumabalik na ulit sya sa song number 1... nag forward ako at baka yn kanta lang na yun ang me problema..hindi ganun talaga ang sequence..after 2 songs back to 1 ang siste nito.. paran hindi pwede ito...kaya ba 2gb yun? buti na lang hindi 1 gb ang binili ko, mas nakakaloka ata yun
binalik ko kinabukasan ang ipodshufflelike..at syempre without asking naman e pinalitan ng tindera ang produkto..silver pa rin sya..
back to office.. load ng songs...at....nyeta..mas malala dun sa nauna kasi ito after 1.5 song..bak to 1 agen!!! gahhh...
so di na ako nagpalipat oras at ibinalik ko na ulit ang ipodshufflelike na ito..(o di ba na serve na nya ang kanyang purpose..mukang 10000 calories na ang na burn ko sa pagbabalik-balik to st. francis) ang sabi nga ng tindera e ako lang daw ang nagkaproblema sa kanilan mga products...
so pinalitan nya again this time kulay black na sya....
okay..load again..
mejo okay naman as of this writing...hindi na bumabalik ang songs.. kaso kailangan ko lang tandaan na ang play button ay actuali forward button at ang pause button e off button..
bukas i te-test ko kung kaya nga nitong matagtag
on to the next adventure
No comments:
Post a Comment