Thursday, July 31, 2008

lintek na pre-paid

Last Saturday habang ako ay tumatahak sa aurora blvd. me nagtext sa akin na ganito ang nakalagay, "hi muni. musta ka na?" tapos wala naman nakalagay na name ng sender kundi simpleng celphone number lang..o syempre since alam nya ang nameshung ko, me presumption ako na kilala ko sya..so ang sagot ko ako ay buhay pa wid the following phrase, "and hu is dis plis, hindi nakarecord ang name mo sa phonelist ko." aba, ang sagot ng baliw ay ito, "ganon? kaw kasi ang unang nag text sa akin, pero matagal na nga lang. asa probinsya ka ba ngayon?"

aba...di ba nakakakulo ng dugo?! wiz ko na reply back at me bad feeling ako sa taong ito. baka ito ang bangungot ko nuon na muling nabuhay..

hindi pala dun natapos ang istorya..nung martes, nag tex ulit si Flip. nilagay ko na na "flip" sa phonebuk ko para matandaan ko ang numero ng baliw...forwarded message wid matching god bless tsuhbaloo..and still anoder forwarded message..nagpapapansin ito..ni-replyan ko nga ng "?"...kumagat agad ang baliw...text back agad ng "ang suplada mo naman." aba, nanggigigil ako..habang tumatagal e lalo ko na co confirm na ito nga ang tinakasan kong dark ages of my life..
wiz na ako reply talaga..tapos..after 5PM, text ulit.."i'm sorry kanina"... dedma akesh..

me kaibigan ako na nagtatrabaho ang pamangkin sa globe..pina trace ko yung number...ang sagot sa akin ng frendship ko.."pre-paid" yung number..LIntek!!

kanina, nag text na naman..bwiset talaga..at para hindi sya pag isipan ng masama, puro tungkol ke God ang kanyang messages! hayup....timpi pa rin ako..hindi ko sya sasayangan ng piso para mag reply..magsasawa rin yun..kailangan ko lang talaga pigilin ang sarili ko...pero gigil na talaga ako...paano kaya ako makakaganti? hindi ko gusto at hindi ko gagawin na magpalit ako ng numero kasi ibig sabihin nun, ako ang talo sa labanang ito.. ginawa ko na yun dati..di ko na gagawin ulit..di ako mag babago ng aking lifestyle para lang sa kanya.. i am much stronger than that...

paano ko kaya yun mapapakulam?

The Piano



Ang Rockwell e me gimik na music playing sa kanilang atrium ba iyun o lobby. Nung mga panahon na nandun ako e etong mga seniors ang naga play sa piano. Mag-asawa ata. Ang galing kasi sabay sila tumutugtog sa piano..the other one could finish a piece na sinimulan ng isa. Muka pang enjoy na enjoy sila sa ginagawa nila. Nung time na ni lola na mag solo, tumayo si lolo at dun sa may tabi umupo. Muka namang proud sya ke lola habang nagaplay ito..inisip ko lang, nakaron kaya ng point sa kanilang pagsasama na nag away sila o nanloko man lang si lolo? o sadyang nakalimutan na ng isa't isa ang nakalipas. siguro nga there is a love that is supposed to last a lifetime..basta makakuha ka ang nang matinong kapartner, who is not necessarily perfect.
hay, ingit naman ako sa kanila....kasi ang dami na nilang tip na naipon sa garapon nila. me panahon pa kaya para makapag aral ako mag piano?

Wednesday, July 30, 2008

Vargas Kitchen



Since wala kami dessert sa Myron's buy ako ng butter cake na famous among food bloggers. gawa ito ng Vargas Kitchen located at Forbes Park..masarap naman, sobra ma butter pero i don't find it exceptional..ka level lang nya ang butter loaf ng goldilocks at mejo angat pa nga ang taisan ng red ribbon..maybe, its just my plain palate that is talking but, flavor wise, mas gusto ko pa ang taisan. pakiramdam ko kasi e mag co clog ang artery ko sa bawat kagat na gagawin ko sa butter cake na ito. so para ma apreciate ko sya ng husto, sinama ko sya sa bagong flavor ng ice cream ni ate shawie...

Chocolate Crinkles overload!!! winnner!!!

Myron's Steak, Rockwell

Dahil sa initial submission ko ng LPs kay Y, dapat i te-treat nila ako sa Mamou's sa Serendra. Kaso, bigla naman nagdilim ang langit at mukang tatangayin kami ng ulan at malakas na hangin kung sa isang outdoor restaurant kami puputa, kaya habang nasa EDSA pa ako e bigla ako kumanan sa may estrella papunta Rockwell.

Sa Myron's tuloy kami napadpad. Di ko alam kung bakit nag generate ang restaurant na ito ng too much blog controversy nung nag uumpisa pa lang ito..

Eto ang appetizer namin..tahong...ewan ko nga ba kung ano ang ikina glamorous ng tahong. e niluto lang naman ito sa butter, garlic at white wine..



Eto ang order ni Y, Louie's cut Steak..masarap yung roasted garlic, promise..



Ang order ni Z, soft shell crab with pasta..winner ito..well, except for the pasta..ndi maganda ang pagkakaluto..dapat, angel hair ang ginamit nila. i think, yung mga jologs na kasama ko nag eexpect na makakita ng crablets..hay...pedestrians..


eto ang order ko, pepper steak...medium well..wid shiraz sauce...mejo matigas and dry na pagdating sa akin..at maanghang sya..sabi nga ng mga kasama ko.."pepper steak kaya?!" well, ang pepper steak is not supposed to be "too" spicy at hindi parang swelas ng sapatos ang finishing



Mushroom steak, order ni X. Buti pa ito malambot. Pero bland. asa picture naman di ba?



at me karapatan ako mag comment sa lahat ng pagkain na ito dahil natikman ko lahat..oo, kiber ko sa mga katabi namin na nakikita ako na nagpipicture ng kinakain ng mga kasama ko at tumitinidor sa plato nila. bakit, sila ba nagbayad?

at habang sinusulat ko ang post na ito, saka ko lang napansin, hindi pala nila ako pinag dessert.

Tuesday, July 29, 2008

Ang Pagbabalik


Ang frend kong si Y ay may bagong hobby..wala kasi mapaglagyan ng pera kaya, ayun, upgrade ng upgrade ng kanyang sound system. Nakareconstruct na sya ng bagong turn table, kaya ang assignment ko sa kanya e hanapin ang mga long playing ng tatay ko, pati n rin ang mga kolksyon ko, para muli itong mapatugtog sa kanyang bagong time machine, este turn table pala..hindi ko lang alam kung nag se-second childhood na ito o me mid life crisis..

Eniwey, matagal ko na hinahanap sa internet ang mga kanta ng favorite boy band, circa '80s..ang menudo..kaso wala talaga ako makita. ang na download ko lang e yung if youre not here, please be good to me at heavenly angel..nung minsan naman na ipagtanong ko kung magkano mag pa convert ng LPs to cd format..400 daw isang LP. Naman, e P70 lang bili ko nuon sa mga LP ko. So buti na lang, ang xchange deal namin ni Y, bibigay ko sa kanya yung mga LPs ko, tapos icoconvert nya to CD format..tapos nun, pwede ko na yun i up load sa ipod!! yehey!! sa mga gusto ng kopya, e-mail nyo lang ako, alam ko naman na ayaw nyo aminin na gusto nyo ang menudo at sinumpa ninyo si lea salonga nung mga panahon na iyon. pero di ko kayo pagdadamutan..kailangan i propagate ang kanilang golden days.

Monday, July 28, 2008

Ito ang botohan!

Nung biyernes na nakalipas ay nagkaroon ng botohan ang samahan ng mga mangungutang at nagpapautang sa torre. Nakakaaliw kasi kanya-kanyang gimik ang mga kandidato, parang botohan sa isang barangay din. Dami flyers, e-mail at white paper na ang daming blind and not so blind item.

Pero ang pinakamaganda sa lahat, pagkatapos namin bumoto, me tig P50.00 kami. Pang meryenda daw. O ha! at yan ay dahil inexcercise ko lang ang aking right to vote kung sino ang gusto ko humawak ng pera na uutangin ko later on. Kung lahat ba naman ng botohan e ganito, e di wala na vote-buying.

Friday, July 25, 2008

Tanabe Japanese Restaurant

Last Monday, ang aking friend na si L ay nilibre ako sa isang Japanese Restaurant sa isang mall malapit sa torre. kasi ako nagturo sa kanya na mapapadali nya ang pagkuha ng passport kung mag papaskedule sya via internet. so 2PM pa lang tapos na sya makunan ng picture sa DFA, e alangan naman iwanan ko ang aking lugar, e hayan na nga at lagi nila akong hinahanap..(ewan ko ba kung bakit, di naman babagsak ang torre kahit wala ako dun) so habang ako'y nakatunganga sa kawalan, si L naman ay nanuod ng MAMA MIA!! kaya nung magkita kami ng hapon na, galit na sya sa akin at gutom na gutom na daw..

syempre, as always sa mga friendships, ang tanong na lagi naman walang sagot e.."san tayo kakaen?"..ewan ko ba ever, lagi naman sagot dito e, "ikaw, ano ba gusto mo?" always yan..maging mag bes frend man o mag jowa..laging ganyan ang dialogue..at since ang requirement nya na kakainan namin e dun sa lugar na di makikita sa Makati, ang pinagpilian namin e yung Highland Steakhouse at Tanabe..wiz ko feel mag steak dat time, kasi gabi na..baka ma rico yan ako..kaya sa restaurant ng mga hapon kami napulot..sabi din kasi nung isang guardiya sa torre e masarap daw dun..

so dun na kami..ang kondisyon lang naman ni L e dapat masarap ang pagkain, kung hindi e ako ang magbabayad ng kakainin namin..kaya kinabahan ako bigla..wat if??

so appetizer namin e ito (libre pa ito)


Pinag didiskusyunan namin whether pork asado yun o tuna na binabad sa kikoman..i think na convince ko sya na tuna iyun..pero mejo me kaalatan ang mga appetizers.kahit yung taho mejo maalat..kinakabahan ako...baka ako nga ang magbayad..

eto ang sumunod na dish..agedashi tofu..although different sya from all other tofus na natikman ko, mejo di pa rin ako nakakahinga ng maluwag at di ko pa naaapreciate ang fud


next, california maki

dito nakahinga na ako ng maluwag kasi nagdeclare si L na sya na ang magbabayad..winner ito..fresh ang ingredients pati ang mga itlog ng isda, authentic! yummy! hindi sila nagtipid sa ingredients..

at since ayaw ko nga ng meat..nag seafood tempura kami.. itong order namin e gud for three (daw, according to the menu)..kaso dalawa lang kami so two for L and one for me


kaya two hipon for L, one for me, two asuhos for L, one for me, two kabute for L, one for me, two crabsticks for L, one for me, two kamotes for L, one for me, yung okra lang ang di namin na parte kasi pareho kami di kumakain nun.. sus, kaya naman pala gud for three daw yun, tig iisa lang! mahal yun ha..kasi 580+ yung plato na yun..

o well, kaya rin naman siguro mahal ang lugar na iyon kasi me binabayadan din na view na sunset ng manila bay


aprub ang tanabe, basta di ako ang magbabayad..

at dahil si L ang kasama ko, nabuo ang aming plano na manuod ng "da reunion concert ng eraserheads"...kailangan na lang namin ng galamay na lalakad for the tickets kasi since sponsored daw ito ng isang yosi company, dapat ang manunuod e marunong din mag yosi..reqiurement kaya na habang nanunuod e nag susunog baga kame?

P.S. ang mga pictures ay kuha mula sa celphone ni L. High tech!

Wednesday, July 23, 2008

Ang torre


Ito ang tore na currently ko binabantayan..actualli, di sya gaano kataasan...pero sa kanyang kinalalagyan na isang reclaimed area, sya na ang pinakamataas na lugar duon (na office building)..actually, yung factory na pinang galingan ko, mas mataas pa dito..asa 41st flr ako nun na nananahi ng mga manggas at kwelyo..

Nuong isang araw, kinausap ako ng 'bisor namin...hindi daw ako marunong magbantay ng torre..shocked ako..huwat are yu talking about??!! me mali ba sa pag tanga ko sa kawalan? matagal ko na ginagawa ito..and honestly, hindi naman kalakihan at kagandahan ang torre kumpara sa mga pinanggalingan ko na establishment..kung tutuusin, bumaba ang star value and appeal ko dito..but then, to continue, according to my 'bisor, yung aming ultimate bossing ang nag tanung sa kanya kung marunong ako sa aking trabaho..[naman, e ni hindi kami nag kaka encounter ni ultimate bosing..actually, sya nga e di alam ang meaning ng joint and solidary obligayshen..pero pinagsabi ko ba ito sa mga kasamahan ko? hindi naman di ba?!] i'm sure pakana na naman ito ng amin foreman este forewoman na walang magawa kungdi magahanap ng butas sa mga uring manggagawa..gusto nya kasi sya lang ang maganda sa paningin ng diyos..well buti na lang, mataas ang aking self- esteem at hindi ako affected sa mga pinagsasabi nila...i know my worth..kaya ba nila mag recover ng P56 million na overpaid withholding tax? kapag napantayan na nila yun..sige payag na ako na mas maganda sila sa akin...

hay naku, ayan me sakit na naman tuloy ako..allergic na ata ako sa torre.. maybe it's time to move on...

Casa Armas

Las wik, may nanlibre sa akin sa Casa Armas..hindi kasi ako mahilig sa Spanish fud, feeling ko e it is always swimming in oil.. e andito tayo sa pilipinas so most probably, hindi ito olive oil..
ang alam ko, ang Casa Armas is originally located sa Malate area..minsan na ako nalibre dito ng aking mga friends from Palacio del Gobernador..okay naman ang fud duon...

para sa adventure na ito, ang venue e ang Trinoma Mall sa Quezon City..so most probably, franchise ito.


Chicken Croquettes...parang ito lang ang winner nung gabing iyon..






Maganda ang picture pero wiz naman ito gud.. ito ay itlog na binalot ng mayonaise at tinusukan ng ham, olive at asparagus spear (na galing sa lata..)



Grilled salamon, actually tamad ang mga kusinero dito, ni hindi tinanggalan ng tinik ang isda, ako pa mismo ang nagtatanggal while eating!! e pano kung ka date ko ang kasama ko nuong mga panahon na iyon? di ba kahiya-hiya na habang numunguya ka e naglalabas ka ng mga tiny tiniks from your mouth? at ang patatas, swimming in oil....






Salpicado, actually, nung unang attempt namin na umorder nito, sabi n waiter, wala silang meat product kasi naubusan daw sila ng tenderloin tips...hala..wat a big no-no naman, di marunong ag inventory management!! e alam naman nila na iyon ang best sellers nila tapos nauubusan sila ng supply? eniwey, after ko makita ang isang mama na pumasok na me dalang shopping bag from landmark, e sinabihan kami ng waiter na available na daw ang salpicado..so order kami


wiz din winner.. the beef was tough and dry..buti na lang di namin pinatulan ang paella nila, malamang di rin masarap yun...

overall verdict...hindi na ulit kami babalik dito..not valuefor yor money...pwede pa siguro yung puro appetizers lang...pero kung Casa Armas din lang, dun na lang sa malate pupunta at wag sa mga Malls.

Saturday, July 19, 2008

Home Cooking

Dahil nga sa ako'y home bound, wala ako magawa kungdi mag create ng makakain sa bahay..
kasi naman, di na uso ang de lata ngayon, bukod sa mahal..madami pa preservative

dahil sa disappointed ako nung kumain ako sa cafe bola ng kanilang pasta at italian sausage, make ako ng akin..



yan ang meryenda ko...

tapos, eto ang dinner namin..chicken curry



partida nyan, naka bota pa ako habang nag luluto..

Thursday, July 17, 2008

Welcome to Waterworld! malabon edition

Nung Wednesday ay nangyari ang aking kinatatakutan, dahil sa may bagyo nga at sira pa rin ang floodgate sa may dampalit, e ginawang catch basin ng tubig baha ang aming barangay. as a result, pumasok ang tubig sa loob ng bahay, including my kwarto. so para lang ako maka pag blog, e eto ang setting ko...

kawawa naman me, lahat ng gamit ko sa aparador e tinambak sa aking kama, kaya ngayon kung ako ay matutulog, dun na lang sa silyang puti na iyon. amazing how many positions ang pwede rito..

eto ang view ng aming barangay...

to the left


to the right

actually,sa aming household, si sam lang ang tuyo at secured sa kanyang lugar


tapos nagdilim pa ulit nung bandang hapon, nagbabadya ng ulan ang dark clouds na dala ng typhoon helen...

actualy, na discover ko ang aking hidden skill dat day...ako pala e may sandbagging ability..


kinailangan ko mag wade thru the flood waters that day oderwise, e sa amin papasok lahat ang tubig from the palaisdaan.. so true nga na ang mga sandbags e water resistant.

ang pasalamat ko na lang ay,hindi ito ang bahay namin..


hindi ko alam kung hanggang kailan kami ganito
di ko tuloy mapanuodan ang aking flat screen tv..wehehehe
actualy, the last time na pinasok ang bahay namin e nung high school pa ako...dati nga from school para lang makauwi ako e kailangan ko pang sumakay sa mga make shift sytropor boats..


buti na lang marami ako binili ganito..


bakit kanyo?kasi ito ay...

o di ba? sa halagang P40 lang yan me happineess ka na..mas mura kesa sa solof..

hindi ko alam kung kelan magagawa ang kinikining inang flood gate na yun..e mukang wala naman gumagawa.. lahat na nga ng radio at tv station e na email ko na about my true feelings, kaso wala pa rin results...

kaya wait ko na lang na ako'y maging tunay na dyesebel..

nga pala...i am putting up a foundation and all donations are accepted...please send your donation sa "habitat at higher grounds". pwede money transfer dito at me dollar at peso account..just email me for the details..

i thank you.

Monday, July 14, 2008

Cafe Bola

Walang kwenta..bow..

Eto e chicken nuggets ata na nilagay sa tinapay..

Ayon sa kanilang menu, ito e penne pasta with Italian sausage and tomato cream sauce

Hindi ko alam na me italy na pala sa lukban, quezon,kasi lasang longganisang lukban ang nakalagay dito

Ito ang dessert, pannacota made with carabao’s milk..

Actually, this is sago at mangga with pulot on top.

Although love ko ang cibo (ang nakatatandang kapatid ng restaurant na ito), di ko type ang pretensions nitong café bola na ito..ba’t kasi kailangan mag fusion- fushion ang restaurant ng Filipino menu with international cuisine e.. kung pinoy-pinoy dapat dat’s it. E magiging world class din naman ang fud natin even without merging it with other nationality..bakit si gloira diaz ba e producto ng inter marriage kaya siya nanalo sa miss universe? Hindi naman di ba? si Melanie marquez ba e me halong ibang dugo? Wala naman, miss international pa rin naman sya (although nag united nations ang mga anak nya later on..)

Sunday, July 13, 2008

Mama Mia!!!

Grabe ang movie na ito..Meryl Streep is da best actress in the universe talaga...San ka ba nakakita na ng actress na from the devil wearing prada e biglang showgirl optimus? Sulit ang bayad dito..kahit na nag MRT lang ako para pumunta sa sinehan (mahal na kasi ang gasolina, sa halip na gastusin ang gas, pinangpanuod ko na lang ng sine..) kahit me nakatabi pa akong bata na me meninggo cocchima ata yun dahil ubo ng ubo..nalimutan ko yun nuong nanunuood na ako ng pelikulang ito..

me recall kasi sa akin ang ABBA songs kasi si itay ey yun ang peyborit banda habang ako ay lumalaki..natatandaan ko na me long playing pa kami nun at saka 8 track tape..

kahit pa ang katabi ko sa moviehaus e old loving couple, wa ako care, kasi tawa- rin sila ng tawa.(i don't know what it is about me, pero palagi na lang ako me nakakakatabi na old loving couple..senyales ba ito na dapat na rin ako mag retire?) eniwey....pinigil ko nga lang ang sarili ko na wag pumalakpak after nila kinanta ang 'dancing queen" complete with all greek girls entourage..i labh it!! lalung - lalo na nang kinanta na nila ang "super trouper", gusto ko na mag standing ovation..

grabe talaga ang emoterang Ms. Streep, san ka ba nakakita ng isang aktress in a musical role na nakakapag paiyak ng audience habang kinakanta ang "da winner takes it all" ? kahit si ate guy, i'm sure hindi kaya yun..kahit na may himala!! pati si ate coney reyes na nasa opposite aisle ko, entralled sa performance. kasi naman, pati si james bond kumakanta dito!

Noteworthy ang performance ng supporting cast..lalung-lalo na yung antics ng kanyang dalawang friends...lalo na nang nagperform sila ng 'take a chance on me...tralala!!"

tip lang, wag umalis until you see the end credits, otherwise me ma mi miss kayo na perfomance of a lifetime..
after the movie, palakpakan ang mga tao!! ang galing talaga..sulit ang P180..wag na intayin sa DVD.

Mr. Poon

Matagal na ako nakakain sa Mr. Poon, nuong ang restaurant na ito e along M.H. del Pilar St. papuntang T.M. Kalaw lamang matatagpuan. Ang nagpakilala sa akin ke Mr. Poon ay yung unang bossing na naka tambay sa Intramuros.

Natatandaan ko na ang masarap ditto ay yung Fish with Brown Sauce at saka yung plain rice nila na sobrang lagkit na akala ko nga e suman yun. Kaya nung nagkaron sila ng branch sa Banawe, e pinagplanuhan ko na ang adventure na ito.

Ito yung spinach soup nila, akala ko nadulas si Slimmer ng Ghostbuster at nagiwan ng kanyang bakas..


Seafood Roll..okay naman..kaso di ako mahilig sa pagkain na may mayonnaise

Lechon Kawali..winner ito..

Pati ito, chop suey

At ito ang famous na fish with brown sauce..


Mejo disappointing kasi ..MAHAL!! tapos, di pa fresh ang fish..na forgot ko na di nga pala dapat nag oorder ng fish dishes at this time kasi nalulubog pa lang ng MV Princess of the Stars..sabi nila wag muna kumain ng fishes..e siguro naman safe yun at walang endosulfan kasi lasang matagal na sa aquarium yung isda. Isa rin rason yata kaya din a masarap ang fud dito kasi franchise na lang ito..kasi meron na rin Mr. Poon sa Makati.

Kaya para mawala ang suya e nag kape na lang kami dito.

Monk’sBrew

Famous ito for the bukidnon coffee na gamit nila..

Ito ang pampawala ng suya ko


Ice cream coffee with choco mint..2000 calories.

After the food adventure, tumuloy kami sa tahanan nina X & Y..at nakipanuod sa kanilang sinehan. (oo, me sinehan sila sa bahay, at dun na lang ang gimik para libre) at hindi lazy boy ang upuan namin dun, kama ..kaya kahit matulog o makatulog..oki lang

Watch kami ng Pretty Woman, the 15th anniversary dvd edition. Ang gwapo pa rin ni Richard Gere!!! At pretty pa rin si Julia Roberts! Parang di nanganak…na relive tuloy ang aking most favorite line..”big mistake..huge!!” darating ang panahon (at malapit na mangyari ito), sasabihin ko rin iyon..

After watching Pretty woman..sinalang naman ang the Celine Dion Concert, a new day..Blue Ray ang disk kaya, grabe..concert experience ito. Sobrang humanga ako ke celine, sya na ang aking Diva for the time being habang under rehab pa ang aking ultimate diva na si Whitney..

Celine Dion


Manunuod pa sana kami ng Yentl kaso tumawag na ang kapatid ko at pwede na daw ako umuwi. Lo tide na daw.

Saturday, July 12, 2008

I am an island...

Surrounded by water..last week kahit na 37 degrees and init ng araw e muntik na ako di makapasok sa kadahilanan na bumaha sa amin..bakit? kasi according to our calendar na merong hi tide at lo-tide indicators, me mga skejul of high tides at that time..tapos meron pa mega dike project na “bumigay”.

Ito ay isa sa mga “structures” na ginawa sa tullahan river along Malabon and Navotas para harangan ang tubig during high tide.





Allegedly, may isang ganito sa may Dampalit, (barangay yun after ours) na nasira. ...ang mega dike project sa CAMANAVA area e estimated na to run into billions of pesos, pero wala pa rin epek.. efficient talaga ang mga opisyales dito sa amin..di na nga binoboto, pero nananalo .

since napapaligiran kami ng mga palaisdaan, syempre, nang mag over flow ang river, the palaisdaans will follow Kaya, enter ang water thru our backyard kaya si Sam, my dog e hindi nakalabas ng kanyang condo. Ito ang tunay na waterworld




Hay, sad life…wait ko na lang talaga na tubuan kami ng fins and gills. Pag nangyari kaya iyon e matututo na ako lumangoy without effort?


Kailan kaya ako magkakaron ng bahay sa isang lugar na hindi nakasalalay ang aking plans sa pagtaas at pagbaba ng buwan? Dun sa lugar na pwede ako mag garden at di puro kangkong ang aking tanim.

Thursday, July 3, 2008

Ted's Old Timer

Umpisa na naman ng ulanan.
Sa ganitong mga panahon, masarap kumain ng may sabaw..katulad ng batchoy..
Nung isang Linggo, sa paghahanap ng murang damit..sa halip na sa ukay-ukay e sa ted's old timer ako napadpad..ito ang famous batchoyan sa iloilo..

e meron ding mga "budget meal" kaya pinatulan ko din..

eto ang budget meal (less than 100.00) consisting of inihaw na liempo, kanin at batchoy with free softdrink..kawawa naman si babe, hindi pa lumalaki na limpohan na.. ni hindi ako natinga dito..pero masarap naman ang timpla..hindi stick yung katabi ng kalamansi, yun ang inihaw na "liempo"


eto yung budget meal, chicken edition..less than 100.oo, inihaw na pakpak, kanin, sili, kalamansi, batchoy at 8 oz. softdrink.

hmm..dapat ata lakihan nila ang portion nila..or liitan ang plato..kasi mukang yagit ang portion sizes..kung sa akin nga kulang pa ito..e panu na lang yung mga hindi nag di diet?

habang nag iintay ako sa mga order ko, naka tune -in ang crew sa laban ni paquiao against diaz..awa ng dios, medjo malamig na ang sabaw nung dumating..kasi naman round nine pa na knock down si diaz..

winner ang batchoy..pero bat naman ako maghahanap na winner ang ibang pagkain e di naman sila famous for that? baka by september, mapuntahan ko ang original ted's sa iloilo..abangan...

Tuesday, July 1, 2008

May BAGO na

Dahil nga sa Love Story, kinailangan namin ng bagong med. Yung isang kapatid ko naman ang nagkandarapa na humanap ng kapalit ni Shirley..me nakita naman agad. taga bicol naman..hindi ko pa masyado ma gauge ang kanyang kapasidad..kasi naman hindi pa naman sya napakatagal sa amin di ba?? nakuha sya ni sisterette sa kanyang officemeyt na ang med ay kilala ang med namin..basta connect the dots..ganyan ang networking..seven years na daw sya sa dati pinapasukan sa fairview, kaya lang mula ng manganak ang kanyang amo, e pinag alaga sya ng bata tapos nag open pa ng tindahan, na sya rin ang nagbabatay..tapos all around pa sya..hindi daw nakayanan ng kanyang katawan kaya nagpaalam na sya. since april pa daw sya wala work..
mejo, duda ako na di nya kaya ang trabaho, kasi mejo malaki ito e..parang si tess bomb..iniisip ko nga, baka kailangan na namin pumila sa NFA rice, baka di tumagal ang isang kaban namin dito...minsan nga natatakot ako utusan, baka bigwasan ako e. ..pero in furness, guhit ang kilay nito..pag ito naman e naligawan pa ng mga atsay killer na tricycle drivers dito e suko na ko..ang hirap talaga ng buhay dito sa malabon..

at oo nga pala..ang pangalan ng aming med e Sharon..tawagin na lang daw namin syang Shawie..caregiver ito..