Nung Wednesday ay nangyari ang aking kinatatakutan, dahil sa may bagyo nga at sira pa rin ang floodgate sa may dampalit, e ginawang catch basin ng tubig baha ang aming barangay. as a result, pumasok ang tubig sa loob ng bahay, including my kwarto. so para lang ako maka pag blog, e eto ang setting ko...
kawawa naman me, lahat ng gamit ko sa aparador e tinambak sa aking kama, kaya ngayon kung ako ay matutulog, dun na lang sa silyang puti na iyon. amazing how many positions ang pwede rito..
eto ang view ng aming barangay...
to the left
to the right
actually,sa aming household, si sam lang ang tuyo at secured sa kanyang lugar
tapos nagdilim pa ulit nung bandang hapon, nagbabadya ng ulan ang dark clouds na dala ng typhoon helen...
actualy, na discover ko ang aking hidden skill dat day...ako pala e may sandbagging ability..
kinailangan ko mag wade thru the flood waters that day oderwise, e sa amin papasok lahat ang tubig from the palaisdaan.. so true nga na ang mga sandbags e water resistant.
ang pasalamat ko na lang ay,hindi ito ang bahay namin..
hindi ko alam kung hanggang kailan kami ganito
di ko tuloy mapanuodan ang aking flat screen tv..wehehehe
actualy, the last time na pinasok ang bahay namin e nung high school pa ako...dati nga from school para lang makauwi ako e kailangan ko pang sumakay sa mga make shift sytropor boats..
buti na lang marami ako binili ganito..
bakit kanyo?kasi ito ay...
o di ba? sa halagang P40 lang yan me happineess ka na..mas mura kesa sa solof..
hindi ko alam kung kelan magagawa ang kinikining inang flood gate na yun..e mukang wala naman gumagawa.. lahat na nga ng radio at tv station e na email ko na about my true feelings, kaso wala pa rin results...
kaya wait ko na lang na ako'y maging tunay na dyesebel..
nga pala...i am putting up a foundation and all donations are accepted...please send your donation sa "habitat at higher grounds". pwede money transfer dito at me dollar at peso account..just email me for the details..
i thank you.
No comments:
Post a Comment