Dahil nga sa Love Story, kinailangan namin ng bagong med. Yung isang kapatid ko naman ang nagkandarapa na humanap ng kapalit ni Shirley..me nakita naman agad. taga bicol naman..hindi ko pa masyado ma gauge ang kanyang kapasidad..kasi naman hindi pa naman sya napakatagal sa amin di ba?? nakuha sya ni sisterette sa kanyang officemeyt na ang med ay kilala ang med namin..basta connect the dots..ganyan ang networking..seven years na daw sya sa dati pinapasukan sa fairview, kaya lang mula ng manganak ang kanyang amo, e pinag alaga sya ng bata tapos nag open pa ng tindahan, na sya rin ang nagbabatay..tapos all around pa sya..hindi daw nakayanan ng kanyang katawan kaya nagpaalam na sya. since april pa daw sya wala work..
mejo, duda ako na di nya kaya ang trabaho, kasi mejo malaki ito e..parang si tess bomb..iniisip ko nga, baka kailangan na namin pumila sa NFA rice, baka di tumagal ang isang kaban namin dito...minsan nga natatakot ako utusan, baka bigwasan ako e. ..pero in furness, guhit ang kilay nito..pag ito naman e naligawan pa ng mga atsay killer na tricycle drivers dito e suko na ko..ang hirap talaga ng buhay dito sa malabon..
at oo nga pala..ang pangalan ng aming med e Sharon..tawagin na lang daw namin syang Shawie..caregiver ito..
2 comments:
inay,
lalo ko tuloy namimiss ang Pinas kasi nakikita ko mga pagkain dito sa blog mo eh..ansasarap sa kanin! :) hay naku, alam mo ba, pag buraot na ako sa opis, eh binubuksan ko ang blog mo at binabasa at ng ako naman'y matawa sa iyonng mga muni-muni sa buhay..hehehe! buti na lang at pinabasa mo sa kin ito..nagkarun ako ng libangan maliban sa pagtanga maghapon..hehehe!
miss you, inay! dami ako resibo dito sa tate! :)
gracia,
at least pareho pa rin pala ang ginagawa mo. nag change venue ka lang..ipagpatuloy ang pag unlad. hayaan mo i ta try ko maging regular ang aking posting..wala pa kasi ako laptop
Post a Comment