Last Monday, ang aking friend na si L ay nilibre ako sa isang Japanese Restaurant sa isang mall malapit sa torre. kasi ako nagturo sa kanya na mapapadali nya ang pagkuha ng passport kung mag papaskedule sya via internet. so 2PM pa lang tapos na sya makunan ng picture sa DFA, e alangan naman iwanan ko ang aking lugar, e hayan na nga at lagi nila akong hinahanap..(ewan ko ba kung bakit, di naman babagsak ang torre kahit wala ako dun) so habang ako'y nakatunganga sa kawalan, si L naman ay nanuod ng MAMA MIA!! kaya nung magkita kami ng hapon na, galit na sya sa akin at gutom na gutom na daw..
syempre, as always sa mga friendships, ang tanong na lagi naman walang sagot e.."san tayo kakaen?"..ewan ko ba ever, lagi naman sagot dito e, "ikaw, ano ba gusto mo?" always yan..maging mag bes frend man o mag jowa..laging ganyan ang dialogue..at since ang requirement nya na kakainan namin e dun sa lugar na di makikita sa Makati, ang pinagpilian namin e yung Highland Steakhouse at Tanabe..wiz ko feel mag steak dat time, kasi gabi na..baka ma rico yan ako..kaya sa restaurant ng mga hapon kami napulot..sabi din kasi nung isang guardiya sa torre e masarap daw dun..
so dun na kami..ang kondisyon lang naman ni L e dapat masarap ang pagkain, kung hindi e ako ang magbabayad ng kakainin namin..kaya kinabahan ako bigla..wat if??
so appetizer namin e ito (libre pa ito)
Pinag didiskusyunan namin whether pork asado yun o tuna na binabad sa kikoman..i think na convince ko sya na tuna iyun..pero mejo me kaalatan ang mga appetizers.kahit yung taho mejo maalat..kinakabahan ako...baka ako nga ang magbayad..
eto ang sumunod na dish..agedashi tofu..although different sya from all other tofus na natikman ko, mejo di pa rin ako nakakahinga ng maluwag at di ko pa naaapreciate ang fud
next, california maki
dito nakahinga na ako ng maluwag kasi nagdeclare si L na sya na ang magbabayad..winner ito..fresh ang ingredients pati ang mga itlog ng isda, authentic! yummy! hindi sila nagtipid sa ingredients..
at since ayaw ko nga ng meat..nag seafood tempura kami.. itong order namin e gud for three (daw, according to the menu)..kaso dalawa lang kami so two for L and one for me
kaya two hipon for L, one for me, two asuhos for L, one for me, two kabute for L, one for me, two crabsticks for L, one for me, two kamotes for L, one for me, yung okra lang ang di namin na parte kasi pareho kami di kumakain nun.. sus, kaya naman pala gud for three daw yun, tig iisa lang! mahal yun ha..kasi 580+ yung plato na yun..
o well, kaya rin naman siguro mahal ang lugar na iyon kasi me binabayadan din na view na sunset ng manila bay
aprub ang tanabe, basta di ako ang magbabayad..
at dahil si L ang kasama ko, nabuo ang aming plano na manuod ng "da reunion concert ng eraserheads"...kailangan na lang namin ng galamay na lalakad for the tickets kasi since sponsored daw ito ng isang yosi company, dapat ang manunuod e marunong din mag yosi..reqiurement kaya na habang nanunuod e nag susunog baga kame?
P.S. ang mga pictures ay kuha mula sa celphone ni L. High tech!
No comments:
Post a Comment