Umpisa na naman ng ulanan.
Sa ganitong mga panahon, masarap kumain ng may sabaw..katulad ng batchoy..
Nung isang Linggo, sa paghahanap ng murang damit..sa halip na sa ukay-ukay e sa ted's old timer ako napadpad..ito ang famous batchoyan sa iloilo..
e meron ding mga "budget meal" kaya pinatulan ko din..
eto ang budget meal (less than 100.00) consisting of inihaw na liempo, kanin at batchoy with free softdrink..kawawa naman si babe, hindi pa lumalaki na limpohan na.. ni hindi ako natinga dito..pero masarap naman ang timpla..hindi stick yung katabi ng kalamansi, yun ang inihaw na "liempo"
eto yung budget meal, chicken edition..less than 100.oo, inihaw na pakpak, kanin, sili, kalamansi, batchoy at 8 oz. softdrink.
hmm..dapat ata lakihan nila ang portion nila..or liitan ang plato..kasi mukang yagit ang portion sizes..kung sa akin nga kulang pa ito..e panu na lang yung mga hindi nag di diet?
habang nag iintay ako sa mga order ko, naka tune -in ang crew sa laban ni paquiao against diaz..awa ng dios, medjo malamig na ang sabaw nung dumating..kasi naman round nine pa na knock down si diaz..
winner ang batchoy..pero bat naman ako maghahanap na winner ang ibang pagkain e di naman sila famous for that? baka by september, mapuntahan ko ang original ted's sa iloilo..abangan...
No comments:
Post a Comment