Sunday, July 13, 2008

Mr. Poon

Matagal na ako nakakain sa Mr. Poon, nuong ang restaurant na ito e along M.H. del Pilar St. papuntang T.M. Kalaw lamang matatagpuan. Ang nagpakilala sa akin ke Mr. Poon ay yung unang bossing na naka tambay sa Intramuros.

Natatandaan ko na ang masarap ditto ay yung Fish with Brown Sauce at saka yung plain rice nila na sobrang lagkit na akala ko nga e suman yun. Kaya nung nagkaron sila ng branch sa Banawe, e pinagplanuhan ko na ang adventure na ito.

Ito yung spinach soup nila, akala ko nadulas si Slimmer ng Ghostbuster at nagiwan ng kanyang bakas..


Seafood Roll..okay naman..kaso di ako mahilig sa pagkain na may mayonnaise

Lechon Kawali..winner ito..

Pati ito, chop suey

At ito ang famous na fish with brown sauce..


Mejo disappointing kasi ..MAHAL!! tapos, di pa fresh ang fish..na forgot ko na di nga pala dapat nag oorder ng fish dishes at this time kasi nalulubog pa lang ng MV Princess of the Stars..sabi nila wag muna kumain ng fishes..e siguro naman safe yun at walang endosulfan kasi lasang matagal na sa aquarium yung isda. Isa rin rason yata kaya din a masarap ang fud dito kasi franchise na lang ito..kasi meron na rin Mr. Poon sa Makati.

Kaya para mawala ang suya e nag kape na lang kami dito.

Monk’sBrew

Famous ito for the bukidnon coffee na gamit nila..

Ito ang pampawala ng suya ko


Ice cream coffee with choco mint..2000 calories.

After the food adventure, tumuloy kami sa tahanan nina X & Y..at nakipanuod sa kanilang sinehan. (oo, me sinehan sila sa bahay, at dun na lang ang gimik para libre) at hindi lazy boy ang upuan namin dun, kama ..kaya kahit matulog o makatulog..oki lang

Watch kami ng Pretty Woman, the 15th anniversary dvd edition. Ang gwapo pa rin ni Richard Gere!!! At pretty pa rin si Julia Roberts! Parang di nanganak…na relive tuloy ang aking most favorite line..”big mistake..huge!!” darating ang panahon (at malapit na mangyari ito), sasabihin ko rin iyon..

After watching Pretty woman..sinalang naman ang the Celine Dion Concert, a new day..Blue Ray ang disk kaya, grabe..concert experience ito. Sobrang humanga ako ke celine, sya na ang aking Diva for the time being habang under rehab pa ang aking ultimate diva na si Whitney..

Celine Dion


Manunuod pa sana kami ng Yentl kaso tumawag na ang kapatid ko at pwede na daw ako umuwi. Lo tide na daw.

No comments: